Chapter 11

5K 149 56
                                        


"You are Zsalm Jelani Gomez, right?

Napatingin ako sa babaeng, nagsalita sa gilid ko. She was enthusiastically smiling at me. Tinitigan ko itong maigi, and when I saw her I.D. lace, I realized that she was a senior pala.

"Yes, miss?"

She leaned against the locker and crossed her arms. "I'm Cruzette Saavedra, from third year architecture. I am here to offer you a job, since nabanggit sa amin ni Chan, your close friend na kumakanta ka raw?"

Napatango naman ako at isinara ang locker. "Noon, hindi na po ako kumakanta ngayon, salamat nalang po sa offer niyo." sabi ko at hahakbang na sana para iwan na siya, but she walks in front of me and blocks my way.

"Oh, common. Just try it, tsaka you're good looking, baka mas marami pang opportunities ang lumapit sa'yo." papuri niya sa akin, umirap naman ako. So annoying! 

"I am always busy, Miss. So, please kapag ayaw ko ay huwag niyo na po akong pilitin."

"Sungit mo naman." ngumuso siya at mukhang dismayado sa naging sagot ko sa kaniya. "Anyways, here's my contact number, in case you change your mind." muli niyang sabi at kumindat pa sa akin.

Tinatamad kong kinuha iyon at tuluyan na siyang iniwan. Kahit pa wala naman akong interest sa offer niya ay itinago ko sa wallet ang number niya.

Tinungo ko na ang corridor at doon dumaan dahil mainit kung sa ground.

Maraming student ang tumitingin sa akin at minsan pa ay masama akong tinitingnan. Ganito sila start nung madalas ay nakikita nila akong nilalapitan nung babaeng si Fernandez.

Well speaking of

I smell her lavender scent. Kaya alam kong siya ito. Kahit hindi ko rin balingan ng tingin ay alam kong nasa akin ang tingin niya. "Did you eat lunch, na ba?" I didn't answer her.

Mas binilisan ko ang paglalakad para maiwan siya. She's our next subject, and for sure, marami na naman ang magiging issue kapag nakita nila kaming magkasama at sabay na pumasok.

"Good afternoon, ma'am."

"Hi, ma'am Fernandez!"

Sumulyap ako sa kanya when some students greet her, malugod naman niyang nginitian ang mga ito, kaya umiling ako at patakbong naglakad, iniwan na siyang mag-isa. 

Pagkadating ko sa classroom ay takang taka si Chan dahil hapong hapo ako, kinuha ko ang tumblr niya at agad na uminom doon. "Anyare sa'yo? Hinabol ka ba ng mga PP?" ngising tanong niya, kaya naibuga ko sa mukha niya ang tubig na nasa bibig. "Ay kadiri ka!"

"Tanga ka!" Mura ko sa kanya habang inuubo.

Diring diri naman nitong pinunasan ang mukha niya. "Ay, mas tanga ka! Ano bang iniisip mo sa sinabi ko?!" natatawang tanong nito. "Double p, means Poging mga Papa. Ito naman, hayst Saji. Dirty minded ka ha." umiiling pa siya.

Maya maya ay dumating na si Ma'am Fernandez. Agad na tumitingin ito sa gawi namin at ngumiti. Dahil dakilang assuming si Chan ay kumaway pa ito sa kaniya, tumaas tuloy ang kilay ni Ma'am.

"Haystt, tignan mo si Ma'am Fernandez, Saji." biglang sabi niya at kumurap kurap pa ang mata, nasa baba rin ang kaniyang left hand. "Isa rin siyang magandang PP."

Binatukan ko siya agad. "Bwesit ka, talaga!"

"Aray naman!" kinurot niya ako bilang ganti. "Maganda Professional Professor kasi iyon, ito naman. Dapat maglinis ka na ng utak mo, Saji. Itigil mo na ang bisyo mo, nagiging dirty mind ka tuloy." iiling iling na advice niya pa.

Knock Again, Professor [GL• #1]Where stories live. Discover now