Chapter 24

1K 40 2
                                    


"Dali na, Saji sumama ka na please, minsan lang naman ito eh, kahit ngayon lang." pangungulit sa akin nung pinsan ni Luke na si Cruzette, ito na naman siya sa pag-kukumbinsi sa akin na sumama sa banda nila. Ilang beses ko na rin siyang na reject pero makulit talaga ang isang 'to.

"Ayaw ko nga sabi!" I irritatedly said at binawi ang kaliwang kamay sa kanya.

"Couz, huwag mo pilitin kung ayaw, okay?!" sigaw naman ni Luke.

"Promise kahit isang kanta lang, hindi na ako mangungulit kahit kailan I swear!" sabi ni Cruzette at talagang itinaas pa ang kamay as a sign of her promise pero I shook my head.

"Saji, pagbigyan mo na, manonood kami ni Luke." nakangising sabi ni Chan sa akin, pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Isa ka pa, ikaw nalang kaya kumanta!" sigaw naman ni Luke sa kanya.

"Oo, basta 'di aalis mga customer sa boses ko." Chan playfully said, napailing nalang si Luke.

"Saji, naman pumayag ka na please please, gusto mo ba lumuhod pa ako sa harapan mo pumayag ka lang?" tanong ni Cruzette at akmang luluhod na sana nung biglang dumating si Nicole at pumagitna sa amin.

"What's the matter here?!" She asked with her president aura again.

"Nothing pres, ito kasing si Cruzette pinipilit kumanta sa banda nila si Saji." sabi ni Chan.

"And I don't want to." malamig na sabi ko.

"Eh, bakit nga naman pinipilit mo Cruzia?!" mataray na sabi nya sa pinsan ni Luke.

"Pres, wala kasi iyong vocalist namin, and I heard from my beloved cousin," she said pertaining to Luke. "Magaling kumanta itong kaibigan nya, kaya niyaya ko konting tulong lang sana pres." pagpapa-awa ni Cruzette kay Pres.

"Ganun ba? Eh, bakit hindi nalang iba, mukhang ayaw talaga ni Saji kaya don't pilit her." utos ni Pres, nanlumo naman si Cruzette.

"Malaking deal kasi iyong mga bisita mamaya sa bar, baka hindi na kami payagan ulit tumugtog kapag hindi na naman maayos iyong kakanta, nung nakaraan na tinanggihan ako ni Saji, muntik na kami batuhin ng bote dahil sa boses nung vocalist namin." madamdamin na sabi ni Cruzette, looking at me na nagpapa-awa.

Napahinga naman ako ng malalim at pinag isipan ang magiging desisyon. "Magkano talent fee niyo?" kalmadong tanong ko sa kanila.

Lahat sila ay sa akin ang tingin. "Payag ka na ba?" nakangising tanong nilang lahat.

"Magkano talent fee?" tanong ko ulit.

"Ah, depende kasi kapag mismong bar ang magbabayad mga nasa twenty five thousand per hour, anim tayong maghahati tapos kapag naman may request songs sila baka umabot ng 5 to 6 digits depende sa mga customer, kaya malaki talaga ang ambag nung vocalist sa amin." she explained that made me interested.

"Ganun kalaki?!" gulat na tanong ni Luke, Chan at President Nicole.

""Yes, that's why having a vocalist is really important to us," Cruzette said gently, her voice filled with a calm assurance that emphasized the significance of the role. She looked thoughtful as she continued, "A vocalist brings a unique energy and emotion to our music, making it resonate more deeply with our audience."

"Puwede ba kami mag-apply?" tanong naman ni Nicole kay Cruzette, tinignan lang siya nito ng may pagduda. "Depende." she said.

"I'm in, pero sa isang kondisyon." malamig kong sabi at tiningnan si Cruzette.

"Kalahati ng kikitain natin ay sa akin, hindi muna ako papasok sa coffeeshop na pinagtatrabahuan ko, para lang sumama kaya sasali ako kung akin ang kalahati." sabi ko na may katuwiran.

Knock Again, Professor [GL• #1]Where stories live. Discover now