Before...
I came home after an incredibly joyful day with Sam. It was the most beautiful memory I've ever had in my entire life. I didn’t want to leave her yet, but she insisted that I should go home.
Nasa may labas palang ako ng bahay namin nang natigilan ako at nagulat nang makita ang tatlong itim na sasakyan sa labas. Halatang mamahalin ang mga iyon, kaya labis akong nagtaka.
Sino kaya ang may ari nito?
Pinakatitigan kong maigi ang isa sa mga ito, dahil nakita ko na ito sa parokya noon. Sa grandparents ito ni Sam. Pero impossible naman siguro na narito sila?
Marahan akong pumasok ng bakuran namin at sa bungad ay nakita ko ang mga naka suit na lalaki, sa gitna nila ang isang may edad na babae na senior citizen.
Their aura screams power. Ang grandparents rin ni Sam ay nandito bagay na mas ikinagulat ko.
Ano ang ginagawa nila dito?
Seryoso ang bawat isa sa kanila, medyo malayo ako kaya hindi ko marinig ang pinag-usapan nila.
Kaharap nilang lahat ang mga magulang ko, si mama na umiiyak si papa na seryoso lang ang tingin doon sa isang babae na kahawig ni Sam. Si Kuya Zaint na nakayuko at minamasahe ang noo. Kahit na lilito ako sa nangyayari ay napatuloy lang ako sa pagpasok sa loob.
Lumingon ang iba sa akin, pero 'yung iba ay busy sa seryosong usapan kaya wala halos pumansin sa akin. Lumapit ako kay kuya Zaint.
"Kuya, anong nangyayari? Sino sila?" tanong ko kahit kilala ko naman talaga iyong grandparents ni Sam.
"Pumasok ka na sa loob!" sigaw nya sa akin pero imbes na umalis ay nanatili ako sa tabi nya.
Sa unang pagkakataon ay ngayon palang ako nasigawan ni Kuya Zaint, kaya alam ko na ang tension na ito ay napaka seryoso.
"After so many years, Sarina? Ngayon mo pa talaga naisipan na guluhin kami?!" sigaw ni Papa doon sa babaeng kamukha ni Sam.
Malaki ang pagkakahawig nila because she has the same eyebrows with Sam, maging ang shape ng mukha nila.
"Because in those years, you chose to hide from me, kasama pa talaga ang anak natin!" sigaw din nung babaeng Sarina ang pangalan.
Nagulat ako sa sinabi nya, bigla akong kinabahan. Sinong anak ang tinutukoy nya?
Si Kuya Zaint ba?
Alam ko naman simula noon na hindi kami same ng mother ni kuya Zaint dahil iyon ang kwento na naririnig ko sa iba. Kahit kailan ay hindi ko rin naman naitanong sa mga magulang ko dahil iniiba nila lagi ang usapan. Kaya nagulat ako sa sinabi nung Sarina.
Mas lalong umiyak si Mama, gusto kong lumapit sa kanya pero nanigas ang aking mga paa dahil sa gulat. Naguguluhan ako sa mga nangyayari at the same time naawa kay mama, because she looked so exhausted and betrayed.
"Nanahimik ako dahil pinili kong maging malaya kasama ng taong mahal ko!" matigas na sigaw ni papa doon sa Sarina.
Sarina gave him a wicked smile.
"Oh, really Hector? She was your first love, wala akong duda roon, but we're married!" she yelled back.
"Because you force me to marry you!" sigaw din ni papa sa kanya.
YOU ARE READING
Knock Again, Professor [GL• #1]
Romance[English/Tagalog] Zsalm Jelani A. Gomez is a very talented, smart, and yet cold and distant student. She always wants to be alone, and she only talks with her noisy best friend, Chanty. Everything about her life is fine, like a fine wine, but not un...
![Knock Again, Professor [GL• #1]](https://img.wattpad.com/cover/348150266-64-k400284.jpg)