Hindi ko na halos mabilang kung ilang beses nga ba akong napabuntong hininga dahil sa pagkailang sa babaeng nasa harap ko. She's been pestering me for about an hour.
Nakasalubong ko ito at muli ay nangumbinsi siya sa pag-sali ko sa banda nila. Ngiting ngiti ito at hindi niya yata alam na napipikon na ako dahil sa kulit niya.
"Sige na, Zsalm. Promise you won't regret it."
She even had the guts to touch my left arm, which made my brows furrow. "I have a competition tomorrow, and I don't really want to join if sumagi man sa isip ko ay ayoko pa rin. So please, stop annoying me." inis kong sabi sa kaniya. I don't even remember her name. Ang alam ko lang ay third year na ito at architecture rin.
Her smile faded. "Hayst, sayang naman kung ganun talaga ang desisyon mo ay nakakalungkot naman, pero," she stopped for a while. "Ayaw mo talaga?" mapilit pa rin ito.
Ilang beses na akong humindi rito at kung sasabihin ko na susubukan ko ay baka tigilan na niya ako. "Okay, fine, after this week, tapusin ko lang iyong competition ay pupuntahan ko ang sinasabi mong bar, so okay na? Puwede ka nang umalis." inis kong pagtataboy sa kaniya.
Ngumiti naman ito nang pagkalaki. "Oh, sabi mo 'yan ha, wala nang bawian pa?"
"Yah."
"We'll have a surprise for you then." she whispered pero hindi ko gaanong pinansin iyon.
Tipid nalang akong ngumiti sa kanya at humakbang na palabas ng gymnasium, katatapos lang din ng P.E. namin nung harangin ako ng makulit na drummer na ito. Nauna si Chanty na umalis dahil a-attend siya sa last period, ako naman ay excuse na buong maghapon dahil kailangan kong mag-focus sa pag-rereview sa History.
Mag-isa kong tinatahak ang daan patungo sa library kung saan naroon si Ma'am Castro, Ma'am Venison, and Ma'am Lopez. Sila ang magte-test sa akin kung sapat na ba ang nalalaman ko sa history.
Hindi ko alam kung naroon si Ma'am Fernandez, simula kasi kanina ay hindi ko pa ito nakikita. Bali-balita rin na hindi talaga siya nakapasok, kung ano man ang dahilan ay hindi ko na dapat pang iisipin iyon. Hindi ko rin naman siya hinahanap kaya wala akong alam.
Pumasok ako sa library gaya nung inuutos nila sa akin. Sa conference room sana para private at tahimik ngunit may mahalagang bisita raw na ka-meeting ang Dean kaya dito nalang muna kami, wala rin gaanong estudyante kaya hindi ako maiilang or even feel pressure.
Nakita ko ang tatlong magagandang professor, at agad na yumuko ako para bumati sa kanila. Si ma'am Venison lang ang magiliw na ngumiti sa akin, ang dalawang mas matandang professor naman ay tipid na ngumiti lang.
"Did you review well?" Ma'am Lopez coldly asked, ngunit wala sa akin ang tingin niya kundi naroon sa papel na inabot sa kaniya ni Ma'am Castro, ito iyong reviewer na galing kay Ma'am Fernandez.
"As I should, ma'am Lopez." magalang ko ring tugon.
Tumango lang ito at muling ibinalik ang tingin kay ma'am Castro. "Ma'am Fernandez said she studied all the general and most basic parts of history, but she didn't include the mathematical systematic process, which is the timelines. The data from the past is important as well, because we can use mathematics to interpret historical data, such as population graphs and charts, as well as other statistical data. It seems like she just memorized all the possible questions, but didn't really know how that specific answer really happened." malamig niyang wika.
Hindi ko naman ito agad naintindihan, basta may math at puro math lang ang ipinaglalaban niya. Ni hindi ko nga inisip na dapat pala ay may math din sa history, tanda ko naman nga ang date tama siya roon, at tama rin siya na hindi ko alam ang data na tinutukoy niya.

YOU ARE READING
Knock Again, Professor [GL• #1]
Romance[English/Tagalog] Zsalm Jelani Alcantara Gomez is a very talented, smart, and yet cold and distant student. She always wants to be alone, and she only talks with her noisy best friend, Chanty. Everything about her life is fine, like a fine wine, but...