Chapter 32

4.2K 105 24
                                        

"Saji, naman tama na oy!" Chan said at inalog pa ang balikat ko. I didn't look at her, sa halip ay ininom nalang ang mapait na liquid na nakalagay sa baso. Pagkatapos inumin ay tiningnan ko lang ito.

It's been days since the parking lot incident happened, hindi ako makapasok ng Pendleton University, dahil sa banta ni Zaint. At sa takot din na baka tuluyan niyang ilayo nya sa akin si Sam, kaya sumunod ako sa utos nya.

"We can't bear to see you like this, so please stop, Saji!" Luke pleaded and forcibly took the liquor from my hand. Inis ko naman siyang tiningnan.

"Leave me alone, guys!" sigaw ko sa kanila.

"Bakit kasi niyaya mo pa rito si Saji, ate?!" inis na sigaw ni Luke sa pinsan na si Cruzette.

"Nagkusa siyang sumama, okay?!" mataray na sagot sa kaniya nung pinsan.

"Pinilit mo kasi!" inis ding sigaw ni Chan.

"May sumasama ba na pinipilit? malamang ginusto nya mapunta rito!" sigaw ulit ni Cruzette.

Mas nanaig ang sigawa nila kesa sa ingay nung disco music sa bar na ito. Pati ilan tuloy ay tinitingnan na rin kami.

"Eh, kung hilahin ko lalamunan mong babae ka!" sigaw naman muli sa kanya ni Chanty at akmang susugurin si Cruzette pero hinila siya pabalik sa upuan ni Luke, kaya umirap nalang ito.

Mas ilang lalaki ang nakaitim na nakikinood sa amin, kaya medyo nakaka agaw na rin ng atensyon, lalo pa at kilala nila si Cruzette.

May gig kami sa Bar na ito, at pagkatapos ay inaya ako ni Cruzette uminom, it wasn't my thing pero sa tingin ko, kailangan ko ito para sandaling makalimutan ang sakit na nararamdaman.

"Girl chill, hindi ikakamatay ng friend niyo ang alak na 'yan, tsaka I am just helping her."

"Anong chill? At anong helping? Mukha mo!" inis na sigaw ni Chan sa kanya at muli akong nilapitan. "Tara na Saji! Magagalit si Nanay kapag nalaman niyang uminom ka!" pagsasalita niya

Binawi ko ang kamay sa kaibigan. "No, ayaw ko dito lang ako," malungkot kong wika at muling kinuha ang glass na inilayo ni Luke at deretsong ininom iyon. "Hoy, ano ba!" sigaw ni Luke.

"Puwede ba, hayaan niyo na ako!" iritado kong sigaw sa kanila, tumayo na rin si Luke at masama ang tingin sa akin.

"Nung unang beses na nasaktan ka because of her! Naroon ako sa tabi mo, nakita ko kung gaano ka nasaktan sa kanya, we warned you already na tama na, pero because you loved her so much, kaya hinayaan ka namin, kasi desisyon mo naman iyan at nararamdaman pero, now?!" pasigaw nyang tanong at sandaling nahinto. "Look at yourself, Saji! Naulit na naman iyong bagay na ayaw na naming makita sa'yo!" he added.

"Ito kasing bruha na 'to!" inirapan muli ni Chan si Cruzette na inosente namang nakataas lang ang kamay.

"I understand your concern, pero please hayaan niyo muna ako, gusto kong mawala saglit iyong sakit." mahinahon kong sagot sa kanila.

"Saji, kung gusto mong mawala iyong sakit na nararamdaman mo, alisin mo nalang ang puso mo," Sabi ni Chan pero hinampas lang siya ni Luke kaya nahinto ito sa pagsasalita.

"You're not helping, Chan!" bulong ni Luke at itinulak si Chan umalis sa harapan ko.

"Tara na uuwi na tayo!" aya ni Luke sa akin, pero agad akong binawi ni Cruzette mula sa kanya.

"She's with me, kaya ako ang mag uuwi sa kanya." sabi nito at mahigpit ang hawak sa kamay ko, nakatingin lang din ako sa kanila dahil masyado na akong nahihilo dahil sa nainom.

"Alam mo ba kung saan siya nakatira?" mapang-asar na tanong ni Chan at inilapit pa ang mukha niya kay Cruzette.

"She's your cousin, magkapitbahay kayo, of course I know." taas kilay naman na sabi ni Cruzette kaya muli akong hinila.

Knock Again, Professor [GL• #1]Where stories live. Discover now