Namumula ang pisngi nito at halatang wala talaga sa wisyo. Nung makalapit ito ay amoy ko rin ang liquor na ininom niya, napailing nalang ako.
She was pouting habang pabalik-balik ang tingin sa amin ni Ash.
“How come you're so concerned about her if she already ate while you don't even care about me?” nanginginig ang boses niyang tanong sa akin at pagiwang-giwang na naglakad patungo sa isang lamesa.
Nagkatinginan naman kami ni Ash.
“Ito ‘yung kasama nung babaeng nanggulo nung nakaraan diba? Kaibigan din siya ni Boss, Saji? Kilala mo siya?” tanong niya.
“She's just drunk, don't mind her.” Sabi ko at iiwan na sana siya nung may marinig akong nabasag mula sa gawi ni Ma'am Fernandez.
Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya. Nakita ko ang basag na baso sa tapat niya at ito naman ay nakatingin lang doon, basa rin ang kaonting part ng legs niya, kaya kinuha ko ang napkin na nasa table at pinunas iyon sa kanya.
“Careless, tsk!”
Ang dress pa namang suot niya ay may slit kaya mas giginawin siya nito.
“Lane...” mahinang saad niya.
“You should have been careful, Ma'am.”
Hindi siya nagsalita kaya.
Kaya muli ay tinanong ko ito. “Sinong naghatid sa'yo, bakit ka rin uminom?”
Seryoso kong tanong sa kaniya.
Tinignan ko rin ang paa niya kung may sugat ba siya o wala? Nakahinga naman ako ng maluwag nang wala akong nakita.
Why am I even concerned?
“Doon ka na sa kanya!” seryosong sabi ni Ma'am Fernandez at mahina pa akong tinulak.
Napataas ang kilay ko. Hindi ko alam ang sasabihin.
“Doon ka na, I don't need you here!” she said and pushed me away from her, pero wala namang lakas iyon kaya hindi rin ako napaalis.
My lips parted.
Habang nakatingin ako sa kaniyang mga mata ay kitang-kita ko ang namumuong mga luha roon. Parang may kung anong kumirot sa puso ko dahil doon.
Naawa ba ako sa kaniya?
Or is it just so hard for me to resist her?
Wala pa naman gaanong customer, kaya umupo ako sa harapan niya. Nakatingin lang din sa akin si Ma'am Fernandez.
“Oh, why are you still here? Didn't I tell you na doon ka na sa babaeng iyon?!” she said at itinuro pa ang pwesto ni Ash na tahimik na nagmo-mop lang naman ng sahig.
“Gusto mo ba iyon?” I softly asked.
Pinawi niya ang luha. “You hate me so much.” her voice cracked.
I bit my lower lip while looking at her.
“Why are you drunk? Sino nagsabi sa'yong puwede kang uminom at magdrive?” I hope it doesn't sound like I'm concerned.
Tumaas ang kanang kilay niya. “I know it's hard for you to act like you cared about me!”
I took a deep breath. “You think so?”
“Hindi ko pa nahahanap ang pakealam mo so I won't answer that.” she drunkenly said.
Natawa naman ako sa kaniya. Sineryoso niya talaga ang sinabi kong iyon, huh?
YOU ARE READING
Knock Again, Professor [GL• #1]
Romance[English/Tagalog] Zsalm Jelani A. Gomez is a very talented, smart, and yet cold and distant student. She always wants to be alone, and she only talks with her noisy best friend, Chanty. Everything about her life is fine, like a fine wine, but not un...
![Knock Again, Professor [GL• #1]](https://img.wattpad.com/cover/348150266-64-k400284.jpg)