Chapter 14

1.2K 46 15
                                    

"Manong, salamat po."

Inabot ko sa driver ang bayad at agad na bumaba sa tricycle, halos patakbo na ang lakad ko dahil sa tuwa kung sino ang dumating sa bahay. May kulay itim na big bike ang naka-park sa labas ng bahay namin, at mas lalo akong kinakabahan habang papalapit sa loob ng bahay namin.

Nung pumasok ako sa loob ay halos tumigil ang buong mundo ko sa nakita. Kausap siya ni Chan at mukhang close na agad sila, nakatalikod ito mula sa may pinto kaya hindi niya ako napansin agad. "Luan Ken?" nanginginig ang boses na tawag ko sa kaniya. Naibagsak ko ang dalang bag  sa tiles at agad siyang nilapitan, tumayo naman ito at sinalubong din ako.

"Saji?" He softly said.

Ilang sandali ko siyang niyakap bago ko siya pinakatitigan. Mas lalo siyang tumangkad at nagmukhang tao. "It's been a long time. Papaano mo ako nahanap? Kailan ka pa umuwi?" sunod sunod kong tanong sa kaniya.

"Sandali interview ba iyan?" he jokingly said.

"I miss you so much, Luke." Mahinang bulong ko at muli siyang niyakap, he said, hugging me back. "I've missed you since the day that I flew away from you, I'm sorry. Wala ako sa tabi mo nung mga panahong kailangan mo ako-"

"Naintindihan ko, and you keep writing letters naman during those times, and I know you never forget about me..."

Seeing him gives me peace. Matagal na rin talaga simula noong huli kaming magkita, hindi ko inaasahan ang pagkakataong ito ngayon.

"Luh naman sila, hoy kayong dalawa! Nandito pa ako oh?" sigaw ni Chan sa amin ni Luke.

Sabay naman namin siyang nilingon.

"Ano, third wheel ako rito?" natatawang reklamo niya.

Umayos ako sa pagkakatayo at pumagitna sa dalawa. "Hindi ko alam kung pormal na kayong nagkakilala, but I want to formally introduce you to each other, Luke." baling ko sa kaibigan. "This is Chanty Sanchez, my third-degree cousin from my mom's side."

"Also her sister and best friend." agap ni Chan at nagtaas noo pa kay Luke.

"And Chan, this is Luan Ken Saavedra, my kababata; I mentioned him na before, remember? siya si Luke." malumanay na sabi ko.

"Ay ikaw pala iyong patay na patay dito kay Saji?!" nakangusong tanong ni Chan sa kaniya. Agad ko naman siyang kinurot.

"Hoy, exaggerated ka, Miss. First love ko lang iyan, pero ni-reject ako kaya ayon, hayst." napakamot pa sa ulo si Luke. "Tsaka kami naman talaga sana noon,umepal lang iyong si-" hindi na niya naituloy ang balak na sabihin nung pinandilatan ko ito ng mata.

"Anyways, Luke, may lahi ka bang chinese?" tanong ni Chan dito. Napansin siguro niya ang singkit at maputing balat ni Luke; natangkad din ito at maputi.

"Nope, I'm half Korean and Hong Kong, kaya solid Korekong," Luke jokingly said.

Si Chan naman ay humagalpak ng tawa. "Akala mo nga namang kanal humor ka rin pala, apir tayo dyan!" sabi niya at ginawa naman iyon ni Luke.

"Kaya pala nakasunod ka ni Saji, kasi same rin pala tayo ugali. Girl version 'ata kita?" Luke said.

"Nga eh, buti natagalan natin siya noh?" sabi ni Chan at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Siraulo rin iyan noon, na broken lang kaya ayon naging ganyan-" nahinto muli si Luke nung sipain ko siya.

"Shut up!" inirapan ko siya.

"Shut your face, toothpaste!" pambabara ni Luke tumawa naman lalo si Chan sa kaniya.

"Angas ah, bespren na tayo Luke." sabi ni Chan.

Knock Again, Professor [GL• #1]Where stories live. Discover now