Chapter 2

1.9K 70 4
                                    

I was about to grab the door handle when someone called me. "Hey, Saji." tawag sa akin ni Boss.

Nilingon ko naman ito. "Bakit, Po?" Tanong ko.

"I'm sorry about what happened earlier." I cut her off.

"Hindi naman po iyon bago, Ma'am." Malumanay na sabi ko.

"Still, I want to apologize, especially since Audrey is my friend, she said with a deep sigh. Actually, nakainom sila, galing sa katabing bar na pagmamay ari rin ng kaibigan namin. I'm really sorry talaga, Saji," she sincerely said.

"Siya po ang need mag-sorry ma'am. Tsaka hindi naman po ako gaanong nasaktan, kaya ayos lang po ako" I assured her.

May kung ano siyang kinuha mula sa bulsa. "Someone wants to give this pala to you, Saji," she said, handing me an envelope. Kinuha ko naman iyon at agad na binuksan at nang makitang pera iyon ay agad ko itong ibinalik.

My brows arched. "From whom Po?"

"My friend, Samara Lewis Fernandez," she said, which made me almost lose my balance.

Oh, great, that Fernandez woman.

"Don't worry, mula naman daw ito sa kanyang pu-" I cut her off.

"Salamat nalang po sa kanya ma'am, pero huwag na po." magalang kong sabi. Hindi naman gaano katanda sa akin si ma'am siguro ay nasa eight years ang gap namin, pero dahil nirerespeto ko siya ay nagpo-po ako.

"Ay, naku Saji sige na," she insisted, but I shook my head.

"Hindi ko po talaga matatanggap iyan ma'am. Mauna na po ako." Sabi ko at nahihiyan yumuko nalang sa kanya.

Nang lumabas ako ay medyo pumapatak na ang ulan, kaya agad kong kinuha ang aking payong. Lumakad ako patungo sa waitingshed para pumara ng trike, pero dahil sa lakas ng ulan at gabi na rin bibihira ang mga sasakyan.

Kinuha ko ang phone at tinext si Chan.

To: Tulog na ba si Nanay?

Ilang minuto ako naghintay bago siyang nag-reply.

From Chanty: Kanina pa. Pauwi na ba u?

To: yep : )

From Chanty: Okay, take care.

To: ty! 

From Chanty: Huwag ka sana mabangga ka, hihi.

Napailing nalang ako at itinago ko nalang ang phone dahil kumikidlat, baka tamaan pa ako delikado na, baka tawanan pa ako ni Chanty, dahil hindi nga ako nabangga tinamaan naman ng kidlat.

Malakas rin ang buhos ng ulan, at malamig ang ihip ng hangin, may bagyo siguro?

Ilang sandali akong nakatayo roon ng may isang mamahaling sasakyan na huminto sa harapan ko. Napatingin ako rito at halos manlaki ang aking mga mata nang makita kung sino ang lumabas rito.

"Lane?'" tawag niya sa akin at may dala itong payong na kulay itim. Lumapit siya sa akin.

Ako naman ay nanatiling walang emosyon habang nakatingin sa kaniya. Nalanghap ko muli ang napakabango niyang amoy, kaya lumayo naman ako sa kaniya, hindi ko rin pinansin ang mga tawag niya sa akin.

"Akala ko aabutan kita sa shop. Mabuti at nakita kita rito, sinabi ko kay Feliz na huwag ka muna pauwiin eh." malumanay niyang sinabi, as if I care.

Napabuntong hininga lang ako.

"Uuwi ka na ba, Lane?" Tanong niya sa akin, pero hindi ko siya pinansin. "Sumabay ka na sa akin, maghahating gabi na wala nang sasakyan, baka kung ano pa mangyari sa'yo here," she worriedly said, ngunit wala pa rin akong kibo. 

Knock Again, Professor [GL• #1]Where stories live. Discover now