8

4.2K 40 3
                                    

Don't

"Here," tinanggap ko ang baso ng tubig na inilahad niya sa akin.

Dahan dahan ko iyong ininom. Umuga ang kama ko dahil sa pag upo niya sa aking tabi. Halos isang oras ang lumipas bago ako tuluyang kumalma. He was so patient with me though. Hinayaan niya lang akong umiyak. He just hugged me the whole time, letting me know that I am safe and that he's here.

He didn't ask. Nang matapos akong umiyak ay kinuhanan niya lang ako ng tubig at tahimik na pinagmasdan.

Masuyo ang tingin niya sa akin and it warmed my heart. I also wonder how I could let myself be vulnerable in front of him. Nang ganito kadali.

Sinisinok pa ako nang magsimula itong magset up. He lit up a scented candle and put it on my bed side table. He dimmed the lights. Iyong lamp shade lamang ang iniwan niyang nakabukas. Chineck niya rin ang aircon at hininaan iyon ng kaunti.

He was moving around and I just remained seated on my bed, my back leaning lazily against the head board while watching him.

"Do you have more pillows?" He asked gently.

I nodded.

"Yes. Nasa cabinet."

Kaagad siyang pumaroon. I rubbed my swollen and itchy eyes. I scrunched my nose saka suminghot ulit. Pagbalik niya ay may dala na itong apat na unan.

"Let's try to put you back to sleep, shall we?"

Marahan akong tumango saka humiga na. Inalalayan niya pa nga ako. Then he placed the pillows around me. Umupo siya sa tabi ko saka niya inabot ang aking buhok.

My eyes wavered and threatened to close when he gently massaged my scalp. It felt calming to my nerves. Hanggang sa tuluyan ko na ring pinagbigyan ang sarili na pumikit.

He sang me a lullaby until I fell into the oblivion.

Naalimpungatan lamang ako nang mag alas tres na ng bukang liwayway. Nagising ako na nasa tabi ko ito. His clothes were still the same from last night.

Napangiwi pa nga ako nang mapansin ang posisyon niya. I felt uncomfortable for him. Paano ba naman kasi, kalahati lamang ng katawan niya ang inihiga niya sa kama. His long legs were hanging on the edge of the bed. He probably did that to give me more space. Hindi naman kailangan kasi malaki naman ang kama ko.

I slowly moved, iniiwasang masyadong gumalaw dahil baka magising ang katabi ko. He was sleeping peacefully and he looked so cute with his intertwined hands on his rock-hard stomach.

I giggled silently.

Napailing na lamang ako.

I moved the pillows out of the way. Kinuha ko iyong inilagay niya sa gitna namin saka inayos iyon sa ulunan. I took the duvet that covered my body and stood up. The cold floor touched my feet kaya kaagad kong isinuot ang indoor slippers ko.

I went to his side of the bed, tried to put both of his legs on the mattress gently. Nang mailapat ko iyon sa kama ay bahagya itong gumalaw kaya napatigil ako. He groaned and changed his position. Nakadapa na ito at inabot ang libreng unan saka ibinaon ang mukha doon.

I reached for the duvet and covered his body with it.

I stared at him for a while... full of wonders... How could we end up being entangled in this situation? Parang... ang bilis naman yata?

Ang bilis kong maging comfortable sa presensya niya.

Ang bilis naming magkasundo.

I mean... sure, I am a social butterfly but I always make sure that all of my relationships are built in a strong foundation called time. Kinikilala ko yung tao kahit na alam ko na hihiwalayan ko rin naman kaagad.

Mercedez 3: Wildfire GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon