Counter
"Kamusta?"
Bahagya akong humiwalay sa kaniya para silipin ang kaniyang mukha.
I don't know what it is but I can see this special glow in him. Maybe his new hair, huh? Parang hindi niya kasi pinagupitan. It is long but well-maintained and groomed. Hindi buhaghag o ano.
"Good, good." He chuckled heartily. "It's good to see you again. I really missed you."
Napanguso ako.
Ano ba naman 'to, si OA! Napaka-OA talaga! Pero na-miss ko rin, ah?!
Ylan and I went to the sala at doon na nag-catch up ng ilang oras. We talked about what he has been doing the past months, and whatnot.
"I have stalkers," bulong niya.
Napangiwi ako. "Dati pa naman ah. Lumalayo lang kasi akala nila magjowa tayo," I scoffed.
He laughed. His eyes disappeared while his mouth opened so big na para bang mangvavacuum na ng kung ano, char!
"Na-miss ko 'yon!" Kinalma niya ang sarili. "Ngayon, hindi ko na mataboy."
"Ilan ba?"
Napatingala ito. Umaktong nag-iisip.
Ilang sandali bago siya umiling.
"Hindi ako sigurado."
We were chit chatting, talking, laughing and just having a good time. Nahinto lamang kami nang tumunog ang tiyan ko. Sabay pa kaming napatingin sa tiyan ko na nasapo ko nang wala sa oras at natawa dahil do'n.
Nauna itong tumayo sabay pagpag sa kaniyang puwetan. "Ako na. I'll cook," he volunteered kaya hinayaan ko na.
"What do you want to eat?" Tanong niya sa malakas na boses galing sa kusina. Nanatili kasi akong nakaupo sa sala. Tinatamad na sumunod.
"I miss your special pork adobo kaya iyon nalang siguro."
"Do you have pinya?"
Nilingon ko ang kusina. "Check mo sa ref. Parang kumpleto naman ang ingredients diyan."
"Nagluto ka?" Nalukot ang mukha ko nang marinig ang panunuya sa kaniyang tono. "Minsan, bakit?" Maangas kong balik.
I heard his laughs echoing. "Niloloko mo pa ako."
"At least kumpleto ang ingredients, duh?" I rolled my eyes.
Napuno ng bangayan ang unit ko. My heart actually felt full. This is my bestfriend. I missed this version of Ylan. So much.
Wala sa sarili akong nangiti habang nakahalukipkip. My head is resting on the couch's headrest with my eyes closed.
When he was done cooking our ulam and kanin, he called for me. Kaagad naman akong tumulima at dinaluhan ito.
I was the one who arranged the table for the two of us. Naglagay ako ng dalawang pinggan, dalawang set ng utensils, dalawang baso at dalawang placemats. We continued chattering while eating.
Ang tagal na rin noong huli. And it felt good to have him around again. Parang walang nagbago. Parang walang nangyari. It's more wholesome now because we aren't the same sexually frustrated pair every time we see one another.
After eating, he insisted to wash the dishes. Lubos lubusin ko na raw at ngayon lang 'to. Siyempre, sino ba naman ako para tumanggi sa biyaya, ano?
Nauna na lang ako sa sala at naghanap ng movies na pwede naming panoorin. Sakto at may bagong movie akong nabili na hindi ko pa napapanood.
BINABASA MO ANG
Mercedez 3: Wildfire Games
RomanceHaliya Wedden Mercedez who is the CEO of a record production and artist management company that she brought to existence by herself at a very young age, is always labeled as strong, independent and carefree. Likely, Hadzri Atlas Arculli is already a...
