36

5.6K 53 17
                                        

Hollow

The very same day, when the night came, Viau suddenly fetched me. Tinawagan pala siya ni Hadzri para sunduin ako. He packed my things for me. Hindi naman lahat. Halos mga damit ko lang at ilang necessities. Yung iba, iniwan nalang namin doon.

Grabe ang kabog ng dibdib ko nang lumabas kami ng mansion nila. Magkahalong takot at kaba ang bumalot sa akin. I feel like, one flick of a finger and I'll snap. The panic and anxiety is overwhelming that I just want to drop on the ground.

At mukhang napansin iyon ng kapatid ko dahil binalot niya ang sarili sa akin, just enough to assure me that I am safe. Doon ko lang din napagtanto na nanginginig na pala ako.

I didn't see Hadzri anymore. Ni hindi niya ako hinatid o ano. Ni anino niya, hindi ko nahagilap.

Wala rin ang mga magulang niya at si Izo. Hindi naman na bago iyon dahil madalas naman talaga silang abala lahat. His mom is a very active socialite. Izo helps his dad with their companies. Si Hadzri lang halos kasama ko rito palagi.

Habang nagmamaneho paalis ay lumingon pa ako para tingnan kung nasa paligid lang ba siya. I had to make sure. A glint of hope flickered inside me. Pag asa na kahit hinahatid niya lang ako ng tingin, basta narito siya.

I looked at each balcony there is in their house, pero wala. Sa mga bintana naman, hindi ko makita ng maayos. Pero pakiramdam ko ay wala rin. Wala siya. Hindi ko alam kung nasaan siya kanina't ngayon, pero ano ba ang ine-expect ko? Pagkatapos ng naging sagutan namin, paniguradong sobrang nasaktan ito.

Miski ako ay hindi iyon maitanggi.

I wanted this but that doesn't mean that I am not hurting. I just really need this to sort my mind out. To help myself. Because no matter how much he would build my broken pieces by himself, if I couldn't try it by my own, balewala rin.

I don't think my environment there in their home is healthy for me. Mentally and emotionally. Hindi naman sila nagkulang sa pag aalaga sa akin. It's just that... not right now. That isn't what I need right now.

I feel like kapag nagtagal pa ako ro'n baka masaktan ko pa siya lalo. In a way that I would regret in the end. At ayaw ko no'n. Mahal ko iyon, eh. The last thing I want is destroy him-no matter how destroyed I am-it would break me more, irreparably.

Kaya bago pa kami umabot sa puntong iyon, kailangan kong iligtas ang sarili para mailigtas kaming dalawa. Kung hindi man, kahit siya nalang.

Tahimik kaming dalawa ni Viau sa loob ng kotse niya. Nanatili sa labas ang aking paningin, dinadama ang bigat ng aking puso. Unti unti ay nararamdaman ko ang pagkaubos ng sarili. Para sa sarili.

The busy streets outside, despite the tall buildings, and the pedestrians crossing, it felt empty right before me. It looks lively but... it also looks lame. Na para bang lahat ng nakikita ko ay surface level lang.

Dati, wala naman akong pakialam, pero ngayon ay napupuna ko. Sa sobrang busy ko naman na tao, wala na akong oras para pagtuonan ng pansin ang bawat kanto na nadadaanan ko. Ngayon na halos lumutang ang katinuan ko sa ere, heto ako at napapansin sila.

Ang bilis nilang lagpasan. Kahit hindi naman nag ooverspeed si Viau, hindi ko maappreciate ang tanawin. Or more like, hindi ko mahinuha ang lahat. Ang bawat establisyemento. Ang bawat sasakyang aming nakakasalamuha. Ang bawat streetlight. Ang bawat tao na nadaraanan namin.

Nanubig ang aking mga mata.

Nangatal ang aking labi.

This is life right before my eyes.

My life.

How everything changes so fast...

While I am looking out a window from the running car, I can feel the fear inside me intensifying. Everything that changes so fast, feels like the life I am living.

Mercedez 3: Wildfire GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon