35

5.5K 52 18
                                        

Use

Humahangos na bumangon ako sa kinahihigaan nang magising. I woke up from another nightmare. My son is blaming me again. Pinagtatawanan ako ng dalawang babae, habang sinasaktan ako ng isang lalaki. Nakakatakot dahil naghaluhalo at nagsama sama sila! Wala akong magawa!

Hinablot ko ang mga unan sa tabi saka isa isa iyong itinapon. Tumama iyon sa pamilyar na dingding ng kwarto. Mas lalong bumalot sa akin ang sari saring emosyon dahil sa kabuuan ng lugar.

It is dimly lit. Everything is dull and wood accentuated. The masculine touches was too much, it was torture.

Itinapon ko ang kumot, hinablot ko ang bedsheet at sinubukan iyong tanggalin ngunit nalihis lamang iyon kaunti at hindi tuluyang natanggal. Nasugatan pa ako sa daliri dahil sa aksidenteng pagdiin ng kuko ko roon.

Hindi ako tumigil. I threw all the things I could hold... all the things I could touch. I was like an active volcano that finally erupted after a very long time of sleeping.

I screamed. Bumaluktot ako sa higaan habang nakaupo at nakasandal ang likod sa headboard. I pulled my hair out of frustration. Unti unti akong nakakaramdam ng paninikip ng dibdib. I continued crying so loud while screaming all my pain out.

Dahil sa halo halong emosyon na bumabayo sa aking dibdib, pakiramdam ko ay mababaliw na ako!

"Hali!" The door opened aggressively with full force. Tumama pa iyon sa dingding nang bumukas.

It revealed my boyfriend. Worry was clearly painted on his face. He was heavily breathing, his eyes darted sharply on me. It slowly trailed all over my body until it stopped on my hands. Namilog ang kanyang mga mata at sa mabilis na mga hakbang ay narating niya ang kinaroroonan ko.

Napaigik ako nang bigla nitong hinila ang kamay ko na nakahawak sa aking palapulsuhan. Natuon ang aking paningin roon. My eyes widened as I watched the red fluid gushing out of a big cut on my skin.

I swallowed thickly, feeling terrible, nervous, and scared. I transferred my eyes back to Hadzri, full of hesitation. Tumindi ang takot na bumalot sa akin nang makitang galit na galit ito.

Wala sa sariling napaatras ang katawan ko nang pabagsak itong lumuhod sa aking harapan. Sa lakas ng impact, sigurado akong sumakit iyong mga tuhod niya. Gumuhit ang sakit sa kanyang mukha dahil sa aking pag galaw. My lips parted. His jaw clenched as his eyes surveyed my wrist.

Sa nanginginig na kamay ay binuksan niya ang drawer sa bedside table. Inilabas niya roon ang first aid kit. Ilang beses na itong nangyari ngayong buwan kaya dito niya na nilalagay.

Nagbaba ako ng tingin. Nahagip ko pa ang pagtaas ng kanyang balikat nang humugot siya ng malalim na hininga, tila pinapakalma ang sarili.

Ramdam ko ang galit niya kaya nanatili akong tahimik. Actually, he's used to it. To my deafening silence. Dahil hindi naman na talaga ako nakakausap ng maayos. But I talk naman na when I want to. When I can.

Pagkatapos noong nangyari sa burol, nagising nalang ako sa kwarto niya sa bahay nila. May doktor na nagcheck sa akin at sinabi ay stress at fatigue daw ang dahilan. At posibleng post partum depression.

His parents insisted na doon muna kami sa kanila. My parents didn't agree at first, dahil gusto nila akong iuwi. Ngunit sumabat si Viau at sinabing paano raw nila ako maaalagaan doon kung parehas sila na magiging abala sa trabaho. Also, there's still Denver who needs to be taken care of, too. Ayaw ko man isipin, pero ramdam ko na tunog panunumbat iyon. I even noticed how my parents got hurt by that, ngunit wala akong lakas na pumagitna. I was dealing with my own messy mind.

Sa huli ay pumayag na rin sila sa kagustuhan nina tita Alejandra. Tito Maximillian also took over for the meantime, para daw masamahan na muna ako ni Hadzri. Hindi ako sang ayon doon, dahil alam ko na maraming responsibilidad na maiiwan sa kompanya nila. But Hadzri also expressed his need to rest his mind and emotions kaya hindi na rin ako nagsalita pa. Izo is helping din naman daw kaya sinigurado ng ama niya na wala nang dapat pang ipag alala ang boyfriend ko.

Mercedez 3: Wildfire GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon