Date
Hindi ko alam kung bakit ako narito pa rin sa counter katabi niya. Kanina pa kami walang imik dalawa at umiinom lamang ng sariling drinks. Nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko ba siya o hindi dahil wala naman talaga akong gustong sabihin. Kaya bahala na siya riyan at mag enjoy na lamang.
Kanina ko pa nga napapansin na may mga babaeng panay subok ng lapit at kausap sa kaniya pero kaagad niyang nirereject ang mga ito. Nakakapagtaka.
Pero sa isang banda ay naaasar din ako dahil kapag may lalaking sinusubukang lumapit sa akin ay bigla niya akong babakuran. He would suddenly lean his head on my shoulder or wrap his arm around my waist possessively. He was like marking his own territory. Kapag naman aalis nalang ang lalaki ay saka siya hihiwalay sa akin. Tinataliman ko siya ng tingin pero parang balewala lang naman sa kaniya at nagpapatuloy lamang sa pag inom.
Hindi na nga lang ako nakatiis nang muli niya iyong ginawa. Nang makaalis ang lalaki ay saka ko siya binalingan.
"The hell is your problem?"
His eyes rolled.
"What?" Matabang at mapakla na ang boses niya.
My sharp tone surfaced. "Stop doing that!"
Matalim ang tingin na ipinukol nito sa akin pagkatapos pabagsak na inilapag ang kaniyang baso sa counter.
"You're not flirting with other boys, Haliya. If you want to flirt then flirt with me," nalaglag ang panga ko sa pagsusungit nito. "You keep on ignoring me," he added.
Napaingos ako sa kaniya.
"Oh my gosh," I murmured under my breath. Hindi ako makapaniwalang ganito siya!
His thick brows were furrowed making his handsome face crumple. The blush painting his face right now is adding more to his assets. Kahit na dahil sa alak iyon, alam ko na kapag nainitan siya o nagagalit ay nagbablush pa rin siya. Halata naman sa sobrang puti niyang kutis. His hair is longer than the usual men's cut. Katulad ito ng haircuts ng most na korean celebrities. And it's making him more attractive in my eyes.
Mabilis akong umiling sa isipan. Ano ba 'tong iniisip ko?! Did I just compliment him inside my head? Pucha.
"I'll take your deal."
My forehead knotted in confusion. Bigla bigla naman 'tong nagchichange topic, hindi ako makasunod!
"Anong pinagsasabi mo riyan?" Tinaasan ko siya ng kilay saka humalukipkip.
He moved closer to me and faced me with his whole body. Inilapit niya ang mukha sa akin hanggang sa maging isang dangkal na lamang ang layo namin sa isa't isa. Heto na naman ang dibdib ko at tumatambol sa hindi malaman na dahilan. Kailangan ko na yatang magpacheck up.
"Flings. I'll take it. That's all you can offer me, right? Then I'll deal with it. Give me three months." Desidido niyang ani.
His hand gently held my elbow. Napaawang ang labi ko.
Three months? Flings for three months?!
Bakit, Hali? Si Ylan nga, ilang taon mo nang fling eh.
"You're right. It's just lust. Bitin na bitin ako no'n kaya siguro hinahanap hanap ko. Hindi ako makampante, Hali. I want you so bad," bulong niya na puno ng lambing. Pumungay ang mga mata niya.
I felt something in my throat. Biglang may kung anong humarang do'n kaya nilunok ko iyon. I did a thick swallow and his eyes shifted there. His lips parted then his fingers made way to my throat. He traced it like a feather at halos makiliti ako ro'n.
BINABASA MO ANG
Mercedez 3: Wildfire Games
RomanceHaliya Wedden Mercedez who is the CEO of a record production and artist management company that she brought to existence by herself at a very young age, is always labeled as strong, independent and carefree. Likely, Hadzri Atlas Arculli is already a...