Call
I was clutching my tummy as I get out of bed. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Sa nagdaang mga araw na nandito ako sa bahay, medyo ganado na akong kumain. Palagi rin akong gutom kaya napapasobra na ang kain ko.
My parents hired a nutritionist kaya siguro gano'n. Our cook and chef always make sure na favorable sa akin yung dishes na hinahanda nila. Bawat meals namin ay ang pinagbabasehan nila ay kung ano ang binigay ng nutritionist ko.
My nutritionist doesn't come here. We only do an online consultation since hindi pa rin ako komportable na lumabas o makihalubilo sa ibang tao. Mas domoble nga ang seguridad sa bahay, saka mas naging mahigpit din sina mommy at daddy.
Bumisita na rin sina abuela rito kahapon pero saglit lang din para mangamusta. Hindi pa nila alam kung ano ang nalalaman nina daddy. Same to my other cousins. Wala akong plano na ipagsabi iyon sa iba at mas lalo yata na ayaw ng mga magulang ko iyon.
Hindi man nila sabihin, sikapin man nilang itago sa akin, alam kong sobra silang naapektuhan dahil do'n. Ramdam ko na madalas ay tahimik sila around me, na para bang nahihiya sila o ano.
Siguro, the good thing about it is that, nananatili na sila rito sa bahay. I don't know if they took a leave from work or what pero simula nung araw na iyon ay hindi na sila umalis pa para pumunta sa trabaho. Isa pa, masayang masaya si Denver dahil do'n. Siya ang pinakanatuwa. Palagi niyang niyayaya maglaro sina mommy, tapos excited din siyang matulog dahil binabasahan siya ng story ni dad.
Viau has been here, too. Ewan ko ba sa isang iyon at wala yatang pasok. Our parents often check on him, too. Medyo nakakapanibago at weird sa pakiramdam dahil hindi naman sila gano'n. Viau even tells me how he feels the same way. Halos kada minuto tinatanong kung kamusta siya, kung may problema ba siya, kung may kailangan ba... Natatawa nalang ako kapag nagkukuwento ang aking kapatid.
However, deep inside me, tuwang tuwa ako. Dahil ito yung pangarap ko... naming magkakapatid dati, eh. Kaya naman pala nila kaming bigyan ng ganito kahabang oras at undivided na atensyon, sana matagal na nilang ginawa.
Gayunpaman, hindi pa naman huli ang lahat. I'm glad they started to do this now. Ayaw ko na pati si Denver ay magdamdam dahil dito. Tama na na kaming dalawa ni Viau ang sumalo sa bigat ng damdamin na iyon.
"Vann, kailangan ka nga ro'n! Kanina pa tumatawag si ate Vienna."
"Kaya nga hindi ko sinasagot, hindi ba?"
Napahinto ako sa tahimik na paghakbang sa hallway nang marinig ang pagtatalo ng aking mga magulang. Mahina at mababa lamang ang kanilang mga boses ngunit dahil na rin siguro tahimik na ang buong kabahayan ay dinig na dinig iyon.
The lights are already dimmed. May isang dim light lang na umiilaw sa buong hallway. Tulog na rin siguro ang mga kapatid ko.
Pansin ko na bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto nina daddy kaya lumapit ako doon, ingat na ingat ang mga galaw, iniiwasang mag ingay.
Idinikit ko ang tenga sa maliit na awang.
"Babe, what if I'll resign?" Maingat na tanong ni dad.
I heard my mom gasp.
"Huh? Why?"
I can hear the confusion from her voice. A moment of silence filled in the air before dad spoke again.
"May enough na ipon naman na tayo, hindi ba?"
"But Viau is in flying school while he's in university. Hindi kayang tustusan iyon ng sweldo ko as a teacher. May Denver pa tayong pinapaaral. Sobrang layo pa ng kailangan nating tawirin."
BINABASA MO ANG
Mercedez 3: Wildfire Games
Roman d'amourHaliya Wedden Mercedez who is the CEO of a record production and artist management company that she brought to existence by herself at a very young age, is always labeled as strong, independent and carefree. Likely, Hadzri Atlas Arculli is already a...