2

4.9K 49 0
                                    

Birthday

It's been days since the last time I talked to my bestfriend. I got so busy with work and dahil do'n ay nawala na rin sa isip ko kalaunan ang pag iignore niya sa akin.

I know he was purposely ignoring me. I've called him at times and even though it rings thrice, he rejects it right after. I don't know what was his problem.

I looked back at our last conversation and... I remember us talking about his new girlfriend. Malabo ang ibinigay niyang sagot sa akin, hindi kagaya ng dati na 'oo' o 'hindi' lang. He left me that night and never showed up in front of me since then.

What's the matter? Nanghimasok ba ako? Hindi naman siya ganito magreact noon ah? Ylanier really never fails to confuse me with everything. Iyong bilib ko sa kaniya ay over the roof na talaga.

I sighed in frustration. At imbes na lunurin ang sarili ko sa kalituhan ay tumayo nalang ako at kinuha ang susi ng kotse sa drawer. Hindi rin naman ako makatulog at mas lalong hindi ko naman makokontak si Ylanier ngayon na kailangang kailangan ko siya.

I decided to go out and get some booze. At dahil ayoko namang pumunta sa exclusive club ng kaibigan ko dahil wala naman kaming party tonight, I went to Blinding Lights. Mas maigi na rin iyon para walang makakilala sa akin. People I know would always ask where Ylan is every time they see me. Wala nga lang ako sa mood ngayon para sagutin iyon kaya I think this is better.

I just wore a black sleeveless dress. It was a simple outfit dahil tinatamad na akong maghanap. I want to leave right away, ayaw ko nang magsayang pa ng oras. I don't want to miss the fun, 'no!

My hair was in a messy bun. Naka blonde highlights ang harap at nakakulot nang kaunti. Naglagay din ako ng simpleng mga alahas. Thin golds. Just to accentuate my overall fit.

Tumalikod ako sa salamin at hinagod ang puwet ko gamit ang mga kamay. It's protruding. Sexy, huh.

Humarap ulit ako para mag ayos ng make up. I just did a light one. Simple lang. I didn't need much of it, anyway. I'm already naturally beautiful without it.

I fished out my phone from my hand bag. Kaagad kong tinext kay Steve ang pag-alis ko. I always update him to assure him that I am safe everyday. Baka kasi mag-alburuto na naman iyon kapag hindi ko natext. It happened before and I don't want it to happen again.

To: Steve

Hi, buang!!! BL ako tonight.

He knows that I party almost every night. I know he's just worried so this is my way of assuring him that all is well with me.

Alam ko rin na may hindi siya sinasabi sa akin. Sana lang hindi iyon tungkol sa black out episodes ko. Wala kasi talaga akong maalala kapag gano'n. Buti nalang at hindi niya ako inuusisa. Hindi rin kasi ako handang mag open up.

Ewan ko ba. Sabi nga ng psychologist ko, mas mainam na makapag open up ako sa iba... lalo na sa mga taong pinakapinagkakatiwalaan ko. But... it's just so hard. Wala pa nga akong mababanggit, hahagulhol na ako, 'e. Enough na sa akin ang doctor ko.

Kakalabas ko lang ng elevator sa parking lot nang tumunog ang phone ko dahil sa kakapasok lamang na message. It was a reply from my cousin.

From: Steve

Okay, ingat ka. Sino kasama mo? Si Ylan ba?

Ylanier is his cousin from his mother's side. Kaya sobra sobra rin ang tiwala nito sa kaniya kapag tungkol sa akin. My cousins know that something more is going on between us. Mag make out ba naman kahit sa harap nila. Ang landi rin kasi ni Ylan... eh, malandi rin ako kaya pinapatulan ko rin.

Mercedez 3: Wildfire GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon