33

2.3K 26 23
                                    

It's Okay

"Mommy..."

A soft and small voice called in the void. Sobrang layo ng pinanggalingan ng munting tinig na iyon ngunit pakiramdam ko ay nasa malapit lang din ito.

My ears started ringing bells inside.

"Mommy... Help..."

Kumunot ang noo ko sa muling narinig.

Nawawala yata yung bata at hinahanap ang mommy niya. Ngunit napakatahimik ng paligid, kaya sa tingin ko ay kami lamang dalawa ang narito.

It's weird.

Napayakap ako sa sarili nang makaramdam ng lamig. Tila binabalot nito ang buong katawan ko. I looked around and everything was... white. As in, puti.

Confusion filled in me.

What's happening? Where am I?

"Mommy, help me, please..."

Tatlong beses akong kumurap bago pumihit patalikod.

Namilog ang mga mata ko sa nakita. My hand automatically flew to my parted lips. I gasped in horror. Tumambol bigla ang dibdib ko at unti unti ay bumibigat ang aking paghinga.

A little boy... was lying on the ground, on his stomach. Nakaharap sa direksyon ko ang kanyang mukha. Nakaputi ito ngunit nababalot ang buong katawan ng... dugo.

Fresh blood was even trickling down his forehead.

I started shaking.

"Oh my g-god..." my lips trembled as I mumbled my disbelief away in silent whispers.

Nanginginig man ay mabilis ko itong dinaluhan. Lumuhod ako sa tabi niya. My eyes started to well up at the poor sight of the little boy in front of me.

Natatakot ako. Hindi ko siya mahawakan dahil natatakot ako na baka mas lalo ko itong masaktan! Where — How should I hold him?!

I panicked more when more blood started gushing out of his mouth.

Napasinghap ako. Hindi alam ang gagawin.

I sniffed. "Hey, baby... Let's bring you to the hospital, hm?"

Katahimikan.

Tanging katahimikan ang pumalinlang sa pagitan namin ng bata. Malamlam ang mga mata ko habang tinititigan siya. Pumapatak na rin ang aking mga luha.

Sa hindi malaman na dahilan ay parang nilukumos ang puso ko ng todo. Sobrang bigat sa pakiramdam. Sobrang sakit.

Hindi ko mapigilan ang paghagulhol.

He just stared at me through his innocent eyes.

The more I stared at him, the more I felt the familiarity. It was as if I have known him all my life, when in fact, this is the first time that I saw him. At sa ganitong sitwasyon pa!

"Mommy..." the hush in his strained tone echoed. However, it was flown by the wind in a snap... hindi ko iyon naproseso kaagad.

Natulala ako rito. Nakaawang ang labi at bakas ang gulat sa mukha ko. My eyes were wide. My heart started beating so fast.

N-No...

I breathed in through my mouth.

"Hi..." I did my best not to stutter. Ramdam ko ang pagkatuyo ng aking labi. "Did you get lost? We will find your mommy, okay? But first, I need to bring you to the hospital, baby. You are b-bleeding..." Naitikom ko ang bibig nang pumiyok ako sa bandang dulo.

Mercedez 3: Wildfire GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon