Determination
Umahon ang aking dibdib sa narinig.
What does he want to hear from me? Hindi ko siya maintindihan!
And he smells like alcohol.
Observing him more, I realized that he had some shots before coming here! His face is so flushed, down to his chest. It was due to his contained anger and alcohol intake combined.
"I think you should go home. Nakainom ka," I gritted my teeth. Sinabi ko iyon sa mahina pero madiin na boses habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
He scoffed then smirked at me sarcastically. Disbelief was written in his eyes.
"I think we should talk." Giit niya. Napabuntong hininga ako. "Bakit hindi ako? Why is it always him?!"
Mas lalo akong naguluhan sa gusto niyang isaksak sa kokote ko. Ano daw?
"Ano ba ang pinaglalaban mo diyan?"
Sa totoo lang ay umaalpas na rin ang inis sa kaloob looban ko. Bakit ba kasi siya nandito? At ano itong mga pinagsasabi niya?
Honestly, him being like this... na para bang naghahabol siya sa akin... is ridiculous. Because why? Para saan pa? We were already done months ago! And even before that! Hindi ba ay pinalitan niya na ako bago pa man kami natapos?
Gagawin pa akong tanga nito, ampucha.
"I just..." He paused. "It's just so unfair."
Iginilid niya ang ulo sa kaliwa. Umigting ang kaniyang panga habang galit na ipinukol ang paningin sa kawalan. His fist that was rooted on the door beside my head clenched, making his forearm muscles tighten.
Kumunot ang noo ko. Dinala ko ang kamay ko sa dibdib niya. Inilapat ko doon ang aking palad. Kailangan ko pang pigilan ang sarili na mapasinghap dahil sa damang dama ko kung gaano ka-matipuno ang parteng iyon ng kaniyang katawan. His eyes followed its movements as I tried to push him. Hindi naman ito natinag. Marahil ay dahil sa kaunting panginginig ng aking kamay, naging mahina lamang ang pwersa no'n.
"Unfair?" Usal ko sa garalgal na boses. Pumapait na rin ang aking panlasa.
My lips quivered and my eyes started to water.
"Anong unfair?" Nag uumpisa nang tumaas ang aking tinig.
Tila napupuno itong nagpakawala ng hangin.
"This!" He frustratedly uttered. Dinala niya ang libreng kamay sa kaniyang ulo para suklayin ang magulong buhok gamit ang mga daliri na sa huli ay naging sabunot na rin.
Marahas siyang napabuntong hininga. He licked his lower lip making it redder before bringing his eyes back to mine.
Natauhan ako.
"This?"
He immediately nodded. Diretso ang tingin niya sa akin na para bang desperado na siyang makuha ko kaagad ang pinupunto niya.
"Yes, this. You."
Napaatras ang ulo ko sa gulat. Hindi ako makapaniwala! Ako? Unfair? Sa kaniya?!
"Who?!" I snapped.
Umirap ito.
"You, Haliya Wedden! You are so unfair to me!" Bulyaw niya gamit ang kontroladong boses. Halata namang pinipilit niya lang ang pagiging stable ng kaniyang pananalita, pero hindi pa rin nakaligtas sa akin ang bahid ng galit na natutunugan ko ro'n.
Napailing ako, hindi makapaniwala sa naririnig.
"What the fuck..." Nanlaki ang aking mga mata. Ilang sandali ko siyang tinitigan bago ako natawa. "Ako?! Gago ka ba?!" I said between laughters.
BINABASA MO ANG
Mercedez 3: Wildfire Games
RomanceHaliya Wedden Mercedez who is the CEO of a record production and artist management company that she brought to existence by herself at a very young age, is always labeled as strong, independent and carefree. Likely, Hadzri Atlas Arculli is already a...