TW: Mention of Abortion
Baby
"Yes, I will. Thanks, doc."
Kasabay ng maingat na pagsara ng pinto ay ang marahan ko ring pagbukas ng aking mga mata.
My vision was bad and blurry so I had to blink a couple of times to adjust it. Hindi naman ako nabigo.
The familiar ceiling of Hadzri's room greeted me.
Huh? Why am I here?
Gumalaw ako ng kaunti. Halos mapapitlag ako nang biglang may humawak sa aking siko. Napabuga ako ng hangin nang mapagtantong si Hadzri lang pala. Marahan akong bumangon. Inalalayan ako nito sa gusto kong gawin.
"Are you okay? How do you feel? Nahihilo ka ba? Nasusuka?"
Kumunot ang noo ko. Parang sa sunod sunod niya yata na mga tanong ako mahihilo, eh.
Dahan dahan akong umiling. Saka ko na siya sinulyapan nang maayos na akong nakaupo. Inayos nito ang mga unan sa likod ko kaya komportable akong sumandal doon.
"What happened?" Tanong ko sa malat na boses.
Bahagyang lumubog ang kutson nang umupo siya sa gilid ko, nakaharap sa akin.
I noticed how careful his movements were. His face is also void of anything. I don't know what's running in his mind.
"You passed out," sagot niya sa malamyos na tinig.
I processed it for a moment until I remembered what happened.
Napasapo ako sa noo.
Did I just pass out at the party? A party where his mom invited me? Oh, fuck. I hope I didn't disappoint her again! This is so embarrassing!
"Did I ruin the night? I hope I didn't!" I uttered worriedly.
Kaagad naman itong umiling. Pero hindi ako napanatag roon. I am sure as hell that I caused a scene!
"Your mom, Hadzri!"
Mariin itong pumikit, umigting din ang kanyang panga. Napahinto ako. When he opened his eyes again, I was greeted by his weak and wary orbs.
"You passed out," he repeated sternly, emphasizing what happened—which I totally comprehend that's why I'm worried about the party! "The last thing I want you to worry about is my mother."
Hindi ako nakapagsalita.
"Did you know why it happened?" Curiosity laced his tone.
Mabilis akong umiling.
"Anong sabi ng doktor? May sakit ba ako? Wala naman akong kakaibang nararamdaman sa katawan," I tried to feel my body pero parang normal lang naman. Well, aside from nanghihina pa ako dahil kakagising lang.
What is it?
I hope it's not fatal!
Silence filled the air for a moment. Nanatili akong nakatitig lamang sa kanya, naghihintay ng kasunod.
"I just want to know your opinion on this one..."
His seriousness caught me off guard.
What did the doctor say? May sakit ba ako? Is it terminal?!
Gagi, mas lalo tuloy akong natakot dahil sa pumapasok sa isip ko!
"About what?"
He sighed heavily, looking so problematic. Umalon ang kanyang lalamunan dahil sa paglunok. Napakurap ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/295110624-288-k868893.jpg)
BINABASA MO ANG
Mercedez 3: Wildfire Games
RomanceHaliya Wedden Mercedez who is the CEO of a record production and artist management company that she brought to existence by herself at a very young age, is always labeled as strong, independent and carefree. Likely, Hadzri Atlas Arculli is already a...