Never Equal
Nakatulala ako sa aking terrace, ang malamig na hangin na humahaplos sa aking mukha ay hindi sapat para pawiin ang init ng mga problemang bumabalot sa akin. Lahat ay biglang naging kumplikado - ang aking reputasyon, ang aking relasyon kay Hadz, ang aking kompanya.
Hadzri and I had a row earlier. Fine, I get his point. Pero... importante rin sa akin ang pamilya. And to hear him say that? That what his mother said didn't matter and shouldn't matter, hurts me.
Deep inside me, I know, their relationship would be tainted because of me. Dahil sa akin, ulit. At ayaw ko ng ganoon.
Pinagmamasdan ko ang madilim na kalangitan, ang mga bituin na tila naglalaro sa itaas. Ano ba dapat ang maging unang hakbang ko? I'm Haliya, the successful Mercedez heiress who built her own empire. Na sa isang iglap ay ang naging tinaguriang "playgirl of the century". Ang sakit pakinggan. Hindi ko hiningi ang titulo na iyon, hindi ko hiningi na maging sentro ng mga balita at tsismis.
Wala sa sarili akong natawa.
Nais ko lamang magpasaya ng mga tao sa pamamagitan ng musika, na siya ring kasiyahan ko. Ngunit ngayon, baka maapektuhan pa ang aking mga alaga dahil sa mga balitang ito. Ang hirap pala kapag ang isang parte ng iyong nakaraan ay ginagamit laban sa iyo.
Naging maingat naman ako, ah? All these years, I was discreet about it.
Nakaramdam ako ng pagkalito, takot, at pangamba. I'm scared to admit it but this might affect my relationship with my boyfriend. Mahal ko siya, at alam kong mahal niya rin ako. Ngunit paano kung masira ang lahat dahil sa mga balitang ito? Paano kung mawala siya dahil sa mga salitang binitawan ng kanyang ina sa telebisyon?
He said it shouldn't matter, yes. But there were times before na every time we talk about his family and mine... kitang kita ko sa kaniya kung gaano kahalaga ang mga ito sa buhay niya. He loves his mom so much. Makakaya ba talaga ng konsensya ko na hayaan silang magkasiraan nang dahil sa akin?
That's why it hurt so much to hear his mom call me that way on live telecast.
Napansin kong may mga luha na pumapatak mula sa aking mga mata. Hindi ko na mapigilan. Ang sakit. Ang bigat. Nakakapagod.
I was so determined to fix everything when I left Paris.
But...
I never got hurt this way before. And I just couldn't contain it.
Wala naman talaga akong pakialam kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa akin pero siguro nga rin ay dahil mahal ko si Hadz kaya importante sa akin ang opinyon ng mga mahal niya sa buhay about me. Which includes his mom.
It's surprising nga that they didn't meddle when that issue with Hadz being a third party of Ylan and I's relationship broke out.
Naramdaman ko ang isang maingat na kamay na humaplos sa aking balikat. Napalingon ako at nakita ko si Hadz, nakatitig sa akin, ang mga mata niya puno ng pag-aalala... at sakit.
"Hali," bulong niya, ang kanyang tinig ay parang musika sa aking mga tenga, "Please... Mahal kita, at wala kang dapat patunayan sa akin o kanino man. Lalo na sa pamilya ko. Just forget about it, please. This is hurting you."
Mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib.
Paano ko iyon makakalimutan? His mother hates me. Despises me. Thinks of me as a whore.
I'm a whore to her.
Unworthy of her great son.
Umigting ang kaniyang panga.
"You are stronger than this," dagdag niya pa. Nabobosesan ko na ang frustration sa kanyang mababang boses.
Kumalat ang bikig sa aking lalamunan.
BINABASA MO ANG
Mercedez 3: Wildfire Games
RomanceHaliya Wedden Mercedez who is the CEO of a record production and artist management company that she brought to existence by herself at a very young age, is always labeled as strong, independent and carefree. Likely, Hadzri Atlas Arculli is already a...