23

2.7K 32 1
                                    

France

"Here, Miss Mercedez!"

"Dito po!"

"Hi, Mr. Arculli and Ms. Mercedez! This way po," nangibabaw ang boses ng organizer na kaagad kaming dinaluhan pagkababa namin ng kotse.

Si Hadz ang naunang bumaba para maalalalayan ako. The security immediately secured us from the media and fans.

Nakaangkla ang aking kamay sa braso ng lalaki. Nakapatong naman ang isang kamay niya sa kamay ko na nakalingkis.

I was still smiling despite the continuous flashing of the cameras and the loud cheers of the crowd. Hindi ko sila maaninag pero wari ko naman na nagkakagulo na sila.

Halo halo ang naririnig ko ngunit nangingibabaw ang pagkamangha at pagkahumaling nila sa aming dalawa ng aking date.

Though, mostly sa kababaehan ay parang nasungkit kaagad ng charm ni Hadzri.

"Ang gwapo niya pala talaga!"

"Bihira lang umaattend ng mga ganito ang mga Arculli kaya kaunti lang din ang pictures sa internet. Grabe, isang biyaya na nakapunta ako!"

"Ang swerte ni Madame Haliya..." rinig ko pa ang parang pagkalugmok sa tono ng kung sinong nagsabi no'n.

Lihim na lamang akong natawa.

Sorry, girls. Na-mine ko na.

The organizer led us all the way to the red carpet where we posed.

Tuwid akong tumayo at binigyan ang bawat camera ng isang matamis na ngiti. We did some poses for the left side of the crowd, then the right side, and for the center.

Hadz' arm snaked around the small of my waist, pulling me closer to him. Dikit na dikit kami, na pakiramdam ko ay mahihiya nang dumaan ang hangin sa aming pagitan.

Nahinuha ko ang satisfaction sa mukha ng mga photographers.

"Nice shot!"

"More here, miss!"

We took a couple more bago kami sumabay na sa organizers papasok.

"Walking through the red carpet now are the casts of Constaciandra!" I heard the host's announcements. The loud cheers of the fans immediately followed.

Tuloy tuloy lamang kaming pumasok hanggang sa narating namin ang seats na nakaassign sa amin. Nasa pinakaharap kami na row. Kasama namin sa kumpulan ang mga producers, directors at ang mga casts.

Ngunit bago pa man ako naupo ay bigla akong nilapitan ng host. I instantly smiled at the camera. Nagflash iyon sa malaking LED screen sa harap. My date remained standing, too.

"Miss Mercedez! Fancy meeting you here po. Who are you wearing tonight?"

I glanced at my sparkling black halterneck evening gown. Pinasadhan ko iyon ng palad ko bago bahagyang pinakita ang likurang bahagi saka ngumiti sa camera. Then, muli akong pomormal.

"It's Ella Millari, of course!"

"Wow! A very nice piece, indeed!" Puri nito. Saka ito bumaling sa aking katabi. "How about you, Mister Arculli?"

He bent a little to reach the mic. "Millari, too. This is just a simple suede three piece suit but it goes along my baby's gown perfectly. I want her to shine, that's why."

Napangisi ang host sa kapreskuhan ng aking manliligaw.

"Best believe she's still bejewelled, huh?"

Napatakip ako sa bibig at mahinang natawa.

Mercedez 3: Wildfire GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon