39

2.7K 19 0
                                    

Anklet

The next day, nag impake kaagad ako. Nasa isang malaking maleta lang naman ang dala ko dahil kaunti lang din ang mga damit na sinecure ko like pambahay halos then may mga swim suits at two piece din kahit na indefinite ang magiging leave ko.

Sigurado naman kasi ako na hindi ako lalabas sa rest house anytime soon. But once I'd feel like it, I will really push myself to go out na. Pwede ko lang namang utusan si Viau na bilhan ako o ano, kung sakaling kailangan ko ng mga damit pang alis.

However, nagtabi rin ako ng tatlong bags, footwears, accessories and other necessities ko. Kaya malaking maleta ang pinaglagyan ko.

"Sigurado ka bang hindi ka na namin ihahatid sa airport, anak?"

"Hindi na po, mommy," bahagya akong umiling. Her eyes softened at my response.

Nasa driveway na kami sa harap ng bahay. Hinihintay namin si Viau na kinuha pa ang sasakyan niya sa parking space namin. It's already 3 PM and alas kwatro ng hapon ang lipad namin. May gig kasi si Viau ng 1 AM mamaya kaya kailangan naming umalis kaagad. Gusto ko pa sanang hintayin si Denver, baka kasi magtampo iyon dahil hindi ako nakapagpaalam, pero ayoko namang macompromise ang schedule ng piloto ko.

Dad, who was standing beside mom, stretched his arm out to me then enclosed me in his embrace. Hinalikan ako nito sa tuktok ng aking ulo.

"We love you, princess," he solemnly mumbled, making me smile. "I love you both, too, parents."

Itinunghay ko ang ulo nang marinig ang tunog ng sasakyan palapit sa aming kinatatayuan. Ang bagong supercar niya pa talaga ang nilabas niya! Napairap na lamang ako sa kawalan. Ugh, Viau is really so flashy!

He rolled the window at the shotgun seat down. Inalis niya ang suot na wayfarer saka inilagay iyon sa ibabaw ng kanyang ulo. He tipped his head to the side, sending me a signal.

Napaingos ako.

"I brought a big maleta, hoy!"

His jaw dropped.

"Bakit, dinala mo ba ang buong kwarto mo?!"

Napaka-OA! Muli akong napairap nang bumaba siya sa sasakyan. He took my maleta with a heavy sigh. "Akala ko kasing laki ng cabinet. Kokontak na sana ako ng truck for it."

"Buang!" Hinampas ko siya sa braso na ikinatawa nilang tatlo. Napanguso ako. "Joke lang, ate. Ito naman!" He was still semi laughing when he turned his back to secure my things in his car.

"Kasya ba 'yan? Ba't kasi iyan pa? May iba ka pa namang kotse. Saka hindi mo naman iyan madadala sa Cebu!"

He chuckled lightly, "iyon na nga, ate! Hindi ko madadala. Mamimiss ko kasi 'to kaya ito ang gagamitin natin ngayon. Saka nakakaexcite kaya umuwi rito knowing na yung favorite kong kotse ang sasalubong sakin paglapag." Umiling iling pa siya. "I swear, mas nakakatuwa pa iyon kaysa sa mga pabanner ng mga sundo from hotels!"

"Loko loko ka talaga!" Tinanggal ko ang kanina pang nakahalukipkip ko na braso saka padabog na lumapit sa kapatid.

"Ang pikon mo, ate!" Reklamo niya, may nang iinis na ngisi sa labi. Tinaliman ko ito ng tingin kaya tatawa tawang mas nilakihan nito ang pagbukas ng pinto. Hindi na ako tumanggi nang alalayan ako nito hanggang sa naging komportable ako sa loob.

"Balitaan mo kami tungkol sa ate mo, 'nak, huh?" Pahabol ni mommy.

"Yes, mom. Once a month, roger!" He faked a salute. Our parents laughed. Fine lines are showing on their faces, a proof of their genuine joy. I smiled. "We'll go now," hinalikan niya ang mga ito sa pisngi. Then umikot na siya papasok sa driver's seat. I blew a flying kiss towards my lovely parents then waved my hand as my brother started the engine. Their smiles widened. Kumaway din sila pabalik. Then we drove off.

Mercedez 3: Wildfire GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon