EXPERIMENT

457 3 0
                                    

Di ko alam kung paano nila ito kinukontrol dahil wala naman silang ginawa kundi ang tumingin lang sa daanan.

Maya maya lang ay nakarating kami sa isang parte ng gubat na may isang bahay, at doon ay ibinaba na ako ng lalaking nagbitbit sakin.

"Richard.. Ipaliwanag mo nga sakin ang mga nangyayare!.." sigaw ko sa kanya.

Agad naman syang huminto  sa paglalakad at ang ibang ghoul na kasama niya ay pumasok sa loob ng bahay.

"Madami ka sigurong katangungan." kalmang sabi niya.

"Oo!.." kunting sagot ko.

"Sge, magsimula tayo sa una mong tanong, ano ang una mong katanungan?" ika niya.

"Sino ba talaga ang kakampi mo!?" tanong ko.

"hmmm...Depende." sabi niya.

"what?! Anong depende?" dagdag ko pa.

Huminga siya ng nalalim at nagsalita.

"Depende sa uri ng pag iisip ng mga tao, minsan sa ghoul, minsan din sa detective. Pero parehas ko sila kaaway." sabi niya.

Naguguluhan ako sa paliwanag niya.

"I dont fucking Understand you" sagot ko.

Ngumiti lang si Richard at tumitig sa mga mata ko.

"Tumingin ka sa isang mata ko." sabi niya.

Tinitigan ko ito at laking gulat ko ng bigla itong naging kulay red.

"I-isa... K-kang... Ghoul?" bigla kong sabi.

"Oo, isa akong half human and half ghoul." kunting paliwanag pa niya.

"Pero paano yan nangyare?" tanong ko.

"Ganito kasi yan, kaya ako galit sa goberyerno dahil sa experimento nila." sabi niya.

Agad akong nagtaka, kaya tinanong ko siya.

"Bakit, ano ba ang experimento nila?" tanong ko.

Tinaas niya ang isang kamay at doon ay tinuro niya ang kanyang sarili at nag salita.

"Ako." sabi niya.

"I-ikaw?..." sagot ko.

"Oo, nang malaman nilang pwede palang i-transplant ang isang uri ng ghoul sa loob ng isang tao ay agad nila itong sinubukan. Ang purpose nila ay para daw may magamit silang tao para lumaban sa mga totoong ghoul, at tinatawag nila kaming ghoul hunter." pagpaliwanag pa niya.

Ngayon alam ko na kung bakit ang bilis niyang malaman na isa akong ghoul doon sa coffee shop.

"So, ibig sabihin... Isa kang experimento ng gobyerno?" tanong ko.

"Oo, ginawa kami upang pumatay ng mga kagaya mo." ika pa niya.

"Ehh?... Bakit mo kami tinutulungan ngayon?" tanong ko ulit.

Huminga siya ng malalim at sumagot.

"Pag isinagawa ang pag transplant ng isang ghoul sa katawan ng tao ay may 15% lang ang chance mabuhay ka." sabi niya.

"So? Nagalit ka dahil jan?" tanong ko.

"Actually wala akong paki sa mga tao, ang ikinagalit ko lang ng husto ay nalaman kong isang buong pamilya pala kaming pinag experimentohan, yung asawa kong walang ibang ginusto kundi ang makabuo ng isang pamilya ay pwersahan nilang kinuha at ginawang kagaya ko, pero hindi sila nagtagumpay. Ang kasunod ay ang anak kong 5 years old na walang kaalam alam, ginawa nila siyang kagaya ko pero hindi rin umipekto." sabi pa niya.

Agad akong nagulat sa sinabi niya, tsaka nagsalita pa siya.

"Kumuha ng Isang libong  katao ang gobyerno dahil sa pandemya. Noon kasi ay napakadami ninyo, at halos maubos na ang mga tao sa isang bayan dahil sa araw araw ninyong pagkain. Kaya gumawa ang gobyerno ng paraan upang sulosyunan ang problema. Kaya kumuha siya ng Isang libong tao at doon ay sinubukan nilang e'halo ang ghoul at tao sa iisang katawan. Sa Isang libong ka tao ay Dalwamput tatlo  lang ang nakasurvive. Kaya bawat pamilya namin ay kinuha nila dahil naniniwala sila na dahil sa genes kaya nakasurvive kami. Pero mali, dahil ang mga pamiilya namin ay lahat sila binawian ng buhay. Kaya dahil dun ay sobrang galit ang nadarama ko. Tinrain nila kami upang lumaban sa mga ghoul na kagaya mo, at tinawag nila kaming ghoul hunters." pagpaliwanag pa niya.

Wala akong masabi, sa kwento niya.

"Lumipas ang anim na raang taon, nagawan rin ng paraan ng mga tao kung paano nila kayo kalabanin." dagdag pa niya.

Agad akong nabilaukan, ang tagal na pala...

"600 years?" sabi ko.

"Oo, pagkumain ka ng tao at uminom ng dugo ay hindi ka tatanda. Kaya hanggang ngayon ay nag e-exist parin ang mga ghoul" sabi niya.

"Kung ganon, masyadong matagal na pala... At habang tumatagal ay paunti ng paunti ang kauri ko." sabi ko.

"Oo, sinubukan nilang magparami noon pero pag nabuntis ang babaeng ghoul ay 6% over 100% lang ang chance na mabuhay ang bata." pagsasabi pa niya.

"So, saan pala nanggaling ang kauri ko? Bakit kami nandito?" tanong ko pa.

Huminga si Richard ng malalim at mg e-explain nanaman.

"Isa rin kayong experimento ng scientist, kaso bigo. At hindi nila inakala na ganyan ang kinalalabasan." sabi niya.

Agad akong nagulat, kagagawan rin naman pala nila ang lahat.

"Kaya pala... Naintindihan ko na.. Sinubukan nilang gawan ng sulosyon ang sarili nilang pagkakamali sa pamamagitan ninyo." sabi ko.

Tumango lang siya at doon na natatapos ang pag uusap namin. Pero bakit wala akong maalala? Yan yung tanong ko sa utak ko.

Baka isa lang ako sa mga batang nabuhay noong sinubukan nilang magparami kaya wala akong alam sa mga ganyan.

Pagkatapos nun ay agad na kaming pumasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko ay agad akong nagulat, napakaraming mga bangkay ng tao ang nakasabit.

"P-pumapatay din kayo ng mga tao?" tanong ko sa kanilang nandoon, bali siyam silang lahat sa loob.

Natawa naman siya at nagsalita.

"Wag mo kaming pagtawanan pero ang mga taong yan ay ang mga nag Suicide, tumalon sa tulay tapos pinulot namin para kainin." sabi niya at nag salita pa.

"Di kami pumapatay ng tao, kaya ikaw huwag ka ring pumatay maliwanag ba?" sabi niya.

Medyo nakakadiri dahil ilang araw na ang mga taong nakasabit tapos kakainin pa nila kahit mabaho na.

Di ko sure kung magagawa ko ba ang sinabi ni Richard, pero isa lang ang masasabi ko, mas masarap pag bagong bago at buhay pa. Kaya di ako kakain ng mga taong kagaya nyan.

Her Dirty SecretsWhere stories live. Discover now