DEAL

567 2 0
                                    

NAKARAAN...

Nagpunta ako sa kagubatan para ilibing ang ibang parte ni Stefano , pagkatapos kung ilibing yun ay may lumapit saking lalaki.

Tinanong niya ako kung ano daw ang ginawa ko sa gubat. Sagot ko naman ay naglakad lakad, pampawala ng stress kaya may tinuro siyang lugar para daw mawala ang stress ko at doon ay sinamahan nya'ko.

Pagkarating namin sa lugar na sinasabi niya ay agad akong nagulat dahil napakaganda ng lugar, dinala niya ako sa ilog.

Doon ay naligo siya kaya sinamahan ko, hindi ko alam na maginaw ang tubig kaya bigla akong gininaw at dinikit ko ang balat ko sa balat ni niya.

Hindi ko sinadya ang manginit kaya inakit ko sya, pero sa kasamaang palad ay hindi siya naakit. Kaya kinumbinsi ko na tutulungan nya lang ako makaraos pero ang sagot niya ay...

CONTINUE...

"Help me, magparaos kumbaga " dagdag ko pa.

"Thursday Celesti, thursday okay? " sagot nya.

"deal..." sabi ko ng may pnghihinayang na tono.

Nakakapanghinayang, kung kailan ako nanginit tsaka pa siya umayaw. Pero okay lang.

Lumipas ang ilang oras at hindi ko namalayang nag alas dos  na pala, napakasaya niyang kasama, napaka openminded magkakasundo talaga kami nito.

"So, pano bayan... I have to go." sabi ni Akihiro

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Malamang, mag alas dos na...Hinahanap na ako ni Uncle." ika pa niya.

Ngumiti ako at nagsalita.

"Okay, nice to meet you." sabi ko.

"Nice to meet you din." sabi niya at nag bihis na ng mga damit.

Ganun rin ako at pagkatapos nun ay agad na kaming umalis sa ilog na yun.

Naglakad kami pabalik kung saan kami unang nagkita, pagkarating namin dun ay napansin ko pa ang lupang pinaglibingan ko kay Stefano.

"Bye." sabi niya.

"Bye, take care." sagot ko.

Pero bago paman siya umalis ay binigay ko sa kanya ang address ko, pagkatapos nun ay umuwi nako sa Condo ko.

30 minutes ang nakalipas nang makarating na ako sa Condo, aakmang hahawakan ko sana ang doorknob dahil i unlock ko sana ang pinto, pero laking gulat ko nang makita kong nakabukas ito ng kunti. Kaya medyo kinabahan ako.

Sinilip ko yung nasa loob pero wala namang tao, tsaka napansin ko ang hangin, amoy katawan na malapit na mabulok, im sure na amoy yun sa katawan ni Stefano. Pero bakit nakalabas? I mean hindi naman yun mangagamoy kung hindi binuksan ang ref kaya nagtataka ako.

Dahan dahan kong hinawakan ang doorknob, pero bago ko ito binukas ng malaki ay pinakiramdaman ko muna yung mga dugo na nakastuck sa katawan ko, nang maramdaman ko yun ay agad kong tinusok ang lalamunan ko, para kunti nalang at masuka ako.

Pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto at nagkunwaring hindi kabado, tsaka ako pumasok sa loob.

Doon ay napakanegatibo ng hangin, dahan dahan akong naglakad papuntang kusina nang biglang may natapakan akong lubid, doon ay agad itong naitali sa paa ko na ikinabigla ko.

"Fire!!..." sigaw ng lalaki.

Sa gulat ko ay agad kong tinusok ng madiin ang lalamunan ko sa mahaba kong hinlalaki at doon ay nasuka ng ako.

Agad na nagsilabasan ang mga dug0 sa bibig ko at nakita ko nanaman ang small version ko sa harap ko habang sinasalo niya ang lahat ng bala.

Agad akong nag bagong anyo at namula ang mga mata ko, yung dila ko humaba, yung ngipin at kuku ko ay nagiging matulis.

"Firee!... Wag titigil hanggang hindi mamatay ang ghoul!.." dagdag pa niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko, natamaan ako ng tatlong beses bago pa nakalabas yung small version na ako.

"Ahhh!!..." sigaw ko sa sakit at dali daling kong pinutol ang lubid gamit ang matulis kong kuku.

Nang marinig ng maliit na ako ang sigaw ko ay agad siyang tumingin sakin, dahilan para madistract ko ang pagdedepensa niya at napunta sakin ang atensyon niya.

Dahil dun ay natigil niya ang pag salo ng bala at natamaan nanaman ako sa paa.

"Aahhh!..." sigaw ko ulit sa sakit.

Napansin ko ring tatlo lang sila sa loob at nanghihina na yung maliit na ako kaya agad akong kinabahan.

Hanggang sa sabay sabay silang nag reload at doon ko na dinikit ang dila ko at ngipin.

"Atakee!... Ipag tanggol mo ako!.." sigaw ko sa isip.

Agad naman siyang umatake at sumunod ako sa kanya para dalawa kami, doon ay napatay niya ang isang lalaki habang nakareload sa pamamagitan ng pag saksak niya sa kanyang kamay sa dibdib. Ako naman ay inatake ko rin ang isa pang lalaki, gamit ang limang hinlalaki ko na may napakatulis na kuku. Hindi siya namatay pero napaluhod siya sa sahig dahil sa dibdib ko tinusok yung mga  kuko ko.

Tumingin ako sa isa pang lalaki at aatakehin ko sana nang biglang nakareload siya at doon ay pinaulanan ako ng bala. Pero agad namang nakadepensa ang maliit na ako at sinalo niya ang mga bala. Pero dahil nga  nanghihina na siya ay hindi narin makakilos ng maigi, doon ay natamaan na naman ako sa balikat at sa pesnge.

"Aahhhh!..." sigaw ko dahil yung mga bala ay lumalagpas na sa katawan ng maliit na ako at dumiretso na sakin, parang nagiging malambot sya.

"Patawad..."

Nabigla ako dahil may nagsalita sa isip ko, kaya agad akong tumingin sa maliit na ako at doon ay nakatingin din sya sakin habang nakangiti, pagkatapos nun ay bigla siyang sumabog at bumalik sa normal na dugo.

Di ko lubos maisip na mamatay siya, at yun ang kauna unahang narinig ko ang boses niya.

Nakita kong nagulat yung lalaki sa pagsabog ng small version ko.

Dahil dun ay agad akong umatake, kinuha ko ang pagkakataon na yun para atakehin ang lalaki, dahil nga sumabog ang small version ko ay nagulat siya at nakatingin lang sa dugo, hindi niya namalayan na gumalaw na ako at doon nga ay sinaksak ko siya sa dibdib, tsaka ko kinagat ang leeg niya gamit ang napakahaba kong mga pangil.

"Aaahhhh!... Bwesit talaga kayo sa mundo!.."" sigaw ng lalaki.

Kinagat ko ng kinagat ang leeg ng lalaki hanggang sa hindi ko namalayan na nakabangon na pala yung lalaking sinaksakko rin sa dibdib at doon ay pinaulanan ako ng bala sa likod..

"Aahhh!..." sigaw ko pa sabay talon sa kahit saan basta makaiwas lang ako sa bala, sobrang sakit lang sa katawan dahil halos nasalo ko lahat ng balang pinakawalan ng lalaking yun sa likod ko.

Hanggang sa napunta ako sa likod ng table sa kusina sa kakatalon, at doon ako nagtago.

Halos hindi ako makaisip ng matino dahil sa mga naramdaman ko sa katawan. Nahihilo ako at umiikot yung paningin ko, unti unti na'ring dumidilim yung paningin ko, nahihirapan na akong huminga.

Napahiga ako sa sahig dahil sa sobrang hina na ng katawan ko. Hangang sa wala na akong makita at doon ay napapikit nalang ako dahil napakadilim na ng paningin ko.

Pati narin sa pag hinga ay nahihirapan na ako, hindi ko alam kung dito na ba ako mamamatay, narinig kong nagsasalita yung dalawang lalaki pero wala na akong magawa, hindi ko na kaya ang kumilos pa. Hindi ko na rin maintindihan ang mga sinasabi nila. Hanggang sa hinayaan ko nalang kung ano ang mga susunod pa na mangyare at kung mamatay man ako ay tinatanggap  ko.

A/N: hanggang 10 chapters nalang muna tayo mga guys😅 antok na ako eh🤣

Her Dirty SecretsWhere stories live. Discover now