NICE PLAN

553 4 0
                                    

"Normal lang na mamaliitin kami ng mga detective, kaya sasabihin ko na may susi sa dibdib mo pag hindi nila ako galawin, pero pag sinaktan niya ako, hindi ko sasabihin na may susi sa dibdib mo, gamitin mo yan para makatakas." sabi niya.

"tss, ano ka ba? wala ring kwenta yan, kahit na makatakas pa ako ay mahuhuli rin nila ako, dahil lalaki sila, mas mabilis tumakbo." sagot ko.

"Oo, Alam ko, tutulungan naman kita. Alam ko kung saan sila dadaan kaya hintayin moko doon, at doon kita palalayain." dagdag pa niya.

Di ko alam kung bakit niya ako tinutulongan. Pero pumayag na ako dahil ayoko naman makulong, baka ano pang gawin nila sakin don.

Pagkatapos ng pag uusap na yun ay dumating na ang mga detecticve.

*END OF FLASHBACK*

Sa ngayon, naghihitay nalang ako sa sinasabi ni Richard , sana totoo dahil sinaktan naman siya ng mga detective.

Maya maya lang ay biglang nag traffic, dahilan para matagalan sila. Di ko alam kung kasali din ba to sa plano niya  pero kung oo ay hanga na talaga ako sa kanya, i think alam niyang mag kakatraffic dito.

Mga sampung minuto ang lumipas bago makatakbo ang Van ng mga detective, habang nasa laksada kami ay bigla nilang iniba ang daan na ikinatakot ko.

"Saan nyo ba ako dadalhin!?" tanong ko.

"Saan pa, edi don sa kulungan ng mga kagaya mo." sagot nya.

"Anong gagawin nyo sakin!?" dagdag ko pa.

Ngumiti lang siya at sumagot.

"Depende, pag aaralan  ang katawan mo. Para makakuha kami ng impormasyon tungkol sa mga ghoul, pero pag wala kaming nahanap. Edi papatayin namin kay-..."

Naputol ang pagsasalita niya dahil biglang may isang malaking pag sabog ang naganap.

"Aahhh!!..." sigaw ko sa takot.

"Dont hold your fire!.." sigaw ng leader nila.

"Kung may kahina hinala ay barilin nyo agad!..." dagdag pa niya.

"Anong nangyare!." sigaw kong tanong.

"Buwesit na lalaking yun!..." pagrereklamo pa ng isa pang detective.

"Sana pinatay mo nalang ang walang kwentang Ghoul hunter na yun!." dagdag pa ng isa pang detective.

Parang ito yung sinasabi ni Richard, di ko alam kung bakit ang init ng dugo nila sa isa't isa.

Sa sobrang busy nila sa kakahanap ni Richard na  may gawa ng pagsabog ay kinuha ko ang pagkakataon na yun para kunin ang susi sa dibdib ko, at doon ay agad kong napakawalan ang sarili ko sa pusas. Ang problema ko nalang ay paano ako makatakas dito.

Tumingin tingin ako sa gilid gilid at doon ko nakita si nelson na nakatago sa isang building, may hawak siyang sniper. Parang nag hihintay siya ng pagkakataon.

Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan, nagulat nalang ako nang bigla itong huminto.

"Bakit ka huminto!?" tanong ng detective sa katrabaho niya.

"May isang lalaki na malaki ang katawan!... Ang pula ng mata niya!... I think isa siyang ghoul sir!.." pagrarason pa nito.

Dahil dun ay agad na nanlaki ang mga mata ko, anong ginawa niya dyan? Tsaka hindi ba niya alam na mga detective tong mga nasa loob ng Van?

Medyo kinabahan ako dahil baka papatayin pa nila yung kauri ko. Hanggang sa lumitaw si Richard sa likod ng sinasakyan ko at doon ay binasag niya ang salamin sa likod na ikinagulat ko.

"Itaas ang kamay!..." sigaw niya.

Agad na tumingin ang apat na detective sa likod at doon ay tinutukan ng baril si Richard.

"Ang sabi ko itaas ang kamay!.." dagdag pa niya.

Hindi sinunod ng mga detective ang sinabi niya. At nag salita ang isa sa mga detective.

"So? Satingin mo kaya mo kami?" tanong nito.

Ngumiti si Richard sa tanong niya at nag hand sign na may pinalapit.

Dahil dun ay agad akong nagulat dahil may biglang nagbasag ng salamin doon sa harap ng kotse at nang tumingin ako ay agad akong nabigla, dahil ang bumasag ay yung lalaki na malaki ang katawan na sinasabing nilang ghoul.

Hindi ko alam kung ano ang mga nangyare, akala ko ba ghoul hunter siya, pero bakit nagkampihan silang dalawa?

"tsk..pano ba yan?  tanong ni Richard na nakangiti.

Napansin ko ring may tatlo pang nagsidatingan at ang pula ng mga mata nila. Doon ay inasikaso nila ang isa pang sasakyan kung saan nakasakay ang tatlo pang detective

Hindi nakasagot ang mga detective, at walang magawa kundi ang itaas ang kamay.

"Nice plan ha..." pakalmang sabi ng detective at ngumiti.

"Ngayon, akin na ang natitirang 30k." sagot naman ni Richard.

Natawa ang leader ng mga detective sa lakas ng loob na pinapakita ni nelson at doon ay nag banta.

"Haha, sulitin nyo lang ang pagkakataon nato, dahil ngayon lang to at hinding hindi na ito mauulit pa." sagot naman ng leader nila at tinuro ang likod ng taxi at doon ay lumapit ang isang ghoul at binuksan ang likod ng taxi.

Nakuha nga nila ang kalahating pera.

"Ngayon, akin na ang mga baril ninyo." sabi ni Richard.
.

"Sige, pagbigyan ko kayo ngayon... Dahil na corner nyo kami... Pero sa susunod nating pagkikita, humanda ka dahil papatayin kita!.." sigaw ng detective at doon ay binigay nila isa isa ang mga armas nila.

Agad naman akong kinuha ng maskuladong lalaki, binuhat niya ako at doon ay tumakbo silang lahat na dala dala ako.

Walang magawa ang mga detective at doon ay naiwan silang walang kalaban laban. Di ko tuloy alam kung sino ba ang kakampi ng hunter na'to, mga detective ba o mga ghouls.

Tsaka hindi ko naintindihan ang lahat, sabi kasi ng detective kanina na 'NICE PLAN HA' ano kaya ang ibig niyang sabihin nun? Posible kayang ginawa lang akong pain ni Richard? Pero bakit?

Napakadaming Pumasok sa isip ko, pero alam kong ipapaliwanag naman ni Richard ang lahat pag nakarating na kami sa hideout nila.

Habang tumatakbo sila ay kanina ko pa napansin ang mga likod nila, may mga bagay itong nakalabas. Iwan ko ba kung anong uri ito ng armas pero kusa itong kumikilos, di ko alam kung paano nila ito kinukontrol dahil wala naman silang ginawa kundi ang tumingin lang sa daanan.

Her Dirty SecretsWhere stories live. Discover now