THE PERFECT ALLIBY

133 0 0
                                    

Di ko alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit niya gustong makita ang anak ko, pero sana naman wala siyang gagawin sa anak namin.

"Pwede ba mahal?" dagdag pa niya.

Dahil sa sinabi niya ay agad akong nagalit.

"Ang kapal naman ng mukha mo akihiro, matapos ng lahat lahat na ginawa mo sa'kin at magpapakita ka nalang ng basta basta na para bang walang nangyare ha? Bakit? para guluhin mo ang buhay ko?!" sabi ko.

"hindi ako bumalik para sirain ang buhay mo.. gusto ko lang makita ang anak ko." sambit nya ng may lungkot.

" ano ako, tanga? matapos ang lahat lahat.  sa tingin mo ba talaga may balak akong ipakilala ka sa anak ko?" pag mamatigas ko.

"anak natin." sambit nya ng may diin.

tama nga sya. anak namin, pero hindi kasi ganun kadali na mapatawad sya. mula ng mangyari ang mga bagay na yun, madaming nawala sa akin at bago palang akong bumabangon sa pagkakalugmok ko, at dahil yun sa anak ko. ANAK KO.

"Please Celesti, parang awa mo na, all i want is to see my daughter. please." sabi niya sabay akmang hahawakan ang kamay  ko pero agad ko iyong tinabig.

"Bigyan moko ng magandang rason para ipakita ko sayo ang anak ko" patuloy kong pagmamatigas.

" That time... pinagsisisihan ko yung lahat Celesti.. hanggang ngayon patuloy ko pa ding sinisisi ang sarili ko sa lahat ng nangyari, ng dahil dun nahiwalay kayong dalwa ng anak ko. " pagpapatulou nyang pangungumbinsi sa akin.

bakas na sa mga mata nya ang nag aambang mga luha. 

" diretsohin mo na kasi ako Akihiro!" pagsigaw ko dahil sa inis. kita ko sa Pheripiral vision ko ang pag lingon ng Bar Tender sa amin pero binaliwala ko na iyon. Malay ba nila kung ano ang namumuong tensyon sa amin ng lalaking kausap ko ngayon.

"Nagawa ko lang yun dahil itinimbre ka ng aking Ina sa mga awtoridad. ang tangi ko na lamang paraan ay magkunwaring dakpin ka." 

"ano na namang kasinungalingan ba to Akihiro?! nung una pinaniwala mo kong mahal moko. tapos ngayon paiikutin mo na naman ako?? pasensya na pero..its all for now." agad akong akmang tatalikod ng bigla nyang hilahin ang braso ko.

" please.. listen to me first Celesti, maniwala ka sakin. ginawa ko yun para sa inyo ng anak natin." sambit nya ng may pag susumamo. naupo ako sa tabi nya at akmang makikinig.

" dinala kita sa headquarters dahil alam kong mas safe ka dun kesa sa labas. maraming detective ang nakapalibot sa lugar kaya sigurado akong ligtas ka duon at ang pinagbubuntis mo, pero kailangan kong magpanggap na dinakip kita."

" Alam mo bang muntik ng mamatay ang anak ko, dahil sa katarantaduhan mo?" sambit ko ng may paninisi at pagkamuhi.

"i know...i know that, pero iyun lang ang naiisip kong paraan. sana mapatawad mo ako.. " agad nya akong niyakap.

Ngayon, naintindihan ko na kung bakit nasa isang secured na  kwarto ako imbes na sa kulungan ng mga panahong yun.

"Kelan  mo sya gustong makita?" Sambit ko na ikititig nya sa akin.

"talaga?" hindi makapaniwalang usal nya, bakas sa kanyang mga labi ang kagalakan at pananabik sa anak nya.

dali dali ko syang hinila palabas ng Bar. Dumampi sa aking alat ang malamig at sariwang simoy ng hangin na hindi tulad sa loob na masyado ng polluted. agad nyang kinuha ang kotse nya at pinasakay ako.

napakatahimik ng mga oras na ito. tanging kabog lamang  ng dibdib ko ang naririnig ko at ganun din ang paghinga nya.

Ng makarating kami sa tapat ng aking bahay ay huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Dirty SecretsWhere stories live. Discover now