QUINNY

385 2 0
                                    

kung mamatay man ako ay tinatanggap  ko.

Hanggang sa may nagsasalita nanaman sa isip ko.

"Kontrolin mo ako." sabi niya.

Agad akong nabigla.

"Sino ka?" sabi ko.

"Ako ang quinque mo, namatay man ako kanina marahil ay napakaliit lang ng nilabas mong dugo, kung marami lang sana yun ay sana naproteksyonan kita ng maigi." dagdag pa niya.

"Paano ko palalabasin ang mga dugo sa katawan ko kung sa maliit palang na dug0 ay nahihirapan na akong ipalabas yun." sagot ko.

"Ramdamin mo ang mga dug0 sa paligid, amoyin mo. Yung dug0 ng tatlong lalaki. Amoyin mo." sabi niya.

Agad ko itong inamoy...

"Napakasarap." sabi ko.

"Anong nararamdaman mo?" sagot niya.

"Gusto ko silang inumin." sagot ko.

"Amoyin mo ulit." sabi niya.

Inamoy ko...

At...

Parang may isang enerhiya na nagtutulak sakin na pag ipo-ipunin ko ang mga dugo sa paligid...

Napansin kong may dumadaloy sa mga dugo ko sa kamay...

"Napakalamig." sabi ko.

"Iyan ang Chakra mo ." sabi niya.

"Ha?... Ano yun?..." sabi ko.

"Sa pamamagitan ng chakra, makukuntrol mo ang mga dugo sa paligid, ang kailangan mo lang gawin ay i release ito sa labas ng kamay mo." pagpaliwang pa niya.

"P-paano?" tanong ko.

"Amoyin mo ulit ang mga dugo sa paligid." sabi niya.

Inamoy ko ito, at sa sobrang sarap at sa kagustuhan kong inumin ay kusang gumalaw ang isang kamay ko, pilit itong inabot ng kamay ko kahit hindi niya. maabot, tsaka gusto kong inumin. Pero hindi ako makagalaw, dahil nanghihina na ako. Pero nauuhaw ako at natatakam ako sa dugo.

Hanggang sa hindi ko na matiis ang pagkauhaw ko at doon ay naging aggressive ako.

Agad kong minulat ang mga mata ko at doon ay nakita ko silang dalawa na tinatalian ang magkabilang paa at kamay ko.

"WRRAAAHH!!..." sigaw ko dahil napakalapit lang ng dugo sa ilong ko.

Agad naman silang nagulat at doon ay pilit akong kumawala, sa sobrang pagkauhaw ko ay bigla kong naramdaman na nagiging malakas yung kanang kamay ko at doon nga ay nakawala ito sa lubid at pilit kong inabot ang dugo na nasa katawan ng dalawang lalaki.

Sa sobrang pagkauhaw ko at sabik sa dug0 ay pilit kong inaabot ang dalawang lalaki gamit ang isa kong kamay at nagulat nalang ako nang parang nawawala yung lamig sa kamay ko at doon ay nagsilapitan ang mga dugo na nagkalat sa paligid papunta sa kamay ko at doon ay napalitan ng init ang malamig kong kamay, dahilan ng pagkabuhay muli ang small version na ako, pero sa pagkakataong to ay malaki na siya. Dahil marami ang dug0 na nagkalat sa paligid at lahat ng yun ay nagsama sama na ikinabigla ko.

"WWRRAAAAHHHH!!.." sigaw nito at pumwesto sa harap ko, sakto lang na madepensahan ako kung sakali mang may balak silang magpaulan ulit ng bala.

Agad na nagulat ang dalawang lalaki, ganun rin ako. Halos kasing laki siya sa kalahati kong katawan.

"F-fire!...." sigaw ng lalaki.

Doon ay pinapaputukan nila ang quinque ko, at nagulat ako dahil sobrang tigas niya, hindi tumatalab sa kanya ang mga bala.

Nagtagal ng mga 30 segundo ang pagpapaulan nila ng bala tsaka sila nag reload.

"Order me." sabi niya sa isip ko.

Agad akong natauhan..

"Iligtas mo ako Please!... Paalisin mo sila dito sa pamamahay ko!..."." sabi ko.

Agad naman siyang kumilos at doon at pinatay niya isa isa ang mga lalaki, sinaksak niya ito sa mga dibdib at inipon ang mga dug0ng lumabas at pinainom niya sakin.

"Inumin mo para bumalik ang lakas mo." sabi niya.

Agad niyang pinainom sakin at siya na ang nagbuhos ng dugo sa bibig ko dahil hindi ako makakilos sa sobrang hina.

Nang maubos ko yun ay biglang nanumbalik ang mga lakas ko, nakatayo na ako at yung mga pasa ko sa katawan ay biglang gumaling, pero hindi gaano kagaling dahil sa tuwing kumikilos ako ay may mga kirot parin.

Yung mga bala naman ay lumalabas sa katawan ko, iwan ko ba pero para akong mutants.

Pagkatapos nun ay naupo ako sa sofa at nagiging matiwasay na ang lahat. Tiningnan ko ang quinque ko pero wala na siya. I think kung hindi lang ako nakarecover ay malamang hindi pa yun mawawala.

Kaya napaisip akong bigyan ko siya ng pangalan, at ang naisip ko ay quinny, simula ngayon ay tatawagin ko na siyang quinny.

Dahil nabusog ako sa dug0 ay agad akong nahiga sa sofa at kalaunan ay nakatulog.

.

.

.

.

*1 day passed.*

.

Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng bahay.

"Lagyan nyo muna ng caution yan." boses na narinig ko.

Aakmang tatayo ako nang bigla kong naramdaman na may nakabalot sa buong katawan ko.

"A-ano to?" sabi ko sa isip.

Agad akong napamulat, at nagulat nalang ako dahil nakita ko ang isang puting tela ang nakabalot sa buo kong katawan.

Kaya agad akong bumangon...

"E-secure nyo muna yung bangkay." sabi ng lalaki sa labas ng bahay.

"A-anong nangyayare?.." sabi ko sa isip.

Tumingin tingin ako sa paligid, nakita ko yung tatlong lalaki na tinabunan rin ng tela sa sahig.

Tiningnan ko ang katawan ko, napakadaming dugo...

Na'aalala ko, binuhusan pala ako ng dugo ni quinny para makarecover bago pa siya naglaho.

Agad akong naglakad lakad sa loob ng Condo ko, napakadumi at may mga nakalagay na caution sa mga gilid gilid.

Now i know, ang akala siguro nila ay patay na ako kaya tinabunan nila ako ng tela.

Aakmang pupunta ako sa ref nang biglang may nagbukas ng pinto kaya dali dali akong nagtago.

"Ahhh!..... Yung bangkay ng babae!.. Nawalaaa!..." sigaw ng lalaki.

Agad akong nagulat, confirm nga. Akala talaga nila na patay na ako..

Dali daling lumabas ang lalaki kaya kinuha ko ang pagkakataon na yun para lumabas din, dali dali akong nagpunta sa likod at binuksan ko ang bintana at doon ako tumalon.

Pagkabagsak ko ay agad akong sumilip sa harapan, nakita kong napakadaming detective. Tsaka naalala ko ang mga suot ng tatlong lalaki kanina, kagaya yun ng sa kanila, hinunting pala ako ng tatlong yun.

Pero ang tanong, sinong nagsabi na doon ako nakatira?

May pahilim kayang nakatingin sa'kin?

Kung meron man, kailangan kong malaman agad, dahil kung hindi, baka ito pa ang ikakamatay ko.

Her Dirty SecretsWhere stories live. Discover now