ATTACK

218 2 0
                                    


"Richard, maghanda na tayo 12MidNight na." sabi ni Mark sakin.

Agad kong tiningnan ang oras at nagulat ako dahil 12midnight na nga.

"Ang bilis naman ng oras." sagot ko.

Ngumiti lang si Mark at naghanda kaya nag handa narin ako. Nakita ko ring handa na silang lahat, parang ako nalang yata ang hindi pa kaya nang matapos na ako sa pag hahanda ay agad na kaming nag tungo sa hideout nila.

"Richard,Naalala mo paba ang usapan ninyo ni Akihiro?" tanong ni Chito.

Tamango lang ako at sumagot.

"Oo, ang sabi niya ay makikipag kita daw siya satin, pero hindi sinabi kung anong oras. Kaya lulusob tayo ngayon at gugulatin natin silang lahat." sagot ko.

Hindi na sumagot si Chito at nagpatuloy na kami sa pag takbo.

31 minutes ang nakalipas ay nakarating na kami sa gubat na may waterfalls na sinabi ni Akihiro.

"Stella, mag spy ka." sabi ko.

Agad naman siyang dumura ng maliit na dugo at pinitik niya ang kanyang dalawang hinlalaki at bumuo ng small version ni Celesti gamit ang dugo, tsaka ito naglakad at pumasok sa bintana.

Doon ay nakikipag usap si Stella sa kanyang quinque gamit ang isip.

"Hindi raw niya mahanap si Celesti" sabi ni Stella.

"Okay lang yan, wag mong madaliin. Take your time." sagot ko.

Hinanap ng hinanap ni Stella  si Celesti ngunit hindi ito makita ng kanyang quinque.

"Wala talaga." sabi niya.

Lumipas ang limang minutong paghahanap ay parang may napansin akong kakaiba.

"Bakit hindi yata sila na alert na may ghouls?" sabi ko.

Agad namang napatingin sakin si Chito at nagsalita.

"Napansin mo rin, dapat sa mga oras na'to ay may kulay red na ilaw at may tunong ng alert na, dahil may dugo ng ghoul ang nakapasok sa hideout nila. Kusang madedetect yun ng A, D, D, or Authomatic Detector Device." sagot ni Chito.

"Oo nga, tsaka parang walang tao sa pinto, i mean walang guard." sabi ko.

"Baka alam nila na lulusob tayo?" sabi ni Mark.

Dahil dun ay napagpasyahan kong mauna kaming umatake, kaya inutusan ko si Stella.

"Stella, pasabugin mo ang quinque mo." sabi ko.

Agad naman nyang pinasabog ito at nagulat nalang ako dahil walang alert ang tumunog.

"Parang alam nila na darating tayo." sabi ko.

"Ano, sisirain ko na ba ang pinto?" wika ni Randie.

Walang ibang choice, kaya pumayag na ako. Agad namang sinugatan ni Randie ang kanyang sarili at pinapadaloy niya sa kanyang katawan ang mga dugo at ginawang armor sa pamamagitan ng chakrang dumadaloy sa buo niyang katawan.

"Kyaahh!!.." sigaw ni Randie  at tumakbo papuntang pintuan at agad niyang binangga ang pinto dahilan para masira ang metal na nakaharang at doon palang umalert at umilaw ng kulay red ang buong paligid ng hideout.

"Pasoookk!!..." sigaw ko at agad kaming tumakbo papasok.

Nang nakapasok na kami nila Randie, Mark, at Chito sa loob ay biglang may isang metal nanaman ang biglang lumitaw sa pinto at doon ay hinarangan ang labasan.

"Sabi na ehh, hinintay lang nila na makapasok tayo." sabi ko.

Tumango lang sila kaya nagsalita pa ako.

"Sige na, the plan is still the plan!." dagdag ko pa at agad na nagpunta si Mark sa monitor area kung saan kinukontrol ang lahat ng mga gamit.

Si Randie naman ay nagpunta sa kahit saan at sinubukang hanapin si Celesti, kami naman ni Chito  ay nagpunta sa prison area, dahil alam namin ang mga lugar dito sa loob dahil dati narin kaming tuta ng gobyerno.

***CELESTI's POV***

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto, kinakabahan dahil habang natutulog ako sa upuan ay biglang umilaw ng kulay pula at may napakalakas na tunog.

"I-ito na'ba ang sinasabi nilang digmaan?" tanong ko sa isip.

Nakita ko rin na maraming mga bantay ang nasa labas ng kwartong tinutuluyan ko.

"Anong nangyayare!?" sigaw ko ngunit walang sumagot.

"Hoy anong nangyayare!?" sigaw ko ulit ngunit denedma lang nila ako.

Hanggang sa dumating si Akihiro.

"Bantayan nyo ng maigi yan." sabi niya at tatanungin ko sana siya ngunit dumiretso siya agad sa labas, parang makikipaglaban dahil may dala siyang spear na may quinque sa ibabaw ng weapon.

Di ko alam kung ano ang gagawin ko, may mga nakabantay pa sakin na may suot suot na mga armor.

Hanggang sa narinig ko nalang na may sumisigaw. Boses yun ng lalaki, i think may ghoul sa harap na sinusubukan nilang talunin pero isa isa silang natatalo nito.

Sinubukan ko mang tingnan pero nakalock yung pinto na gawa sa metal.

Pero nagulat nalang ako dahil may isang guard na nakasuot ng armor ang lumipad paatras at tumama sa bubong at nawalan ng malay.

"Sinong may kagagawan nyan?" tanong ko sa isip at lumapit ako sa pintuan and then tumingin ako sa maliit na bintana pero hindi ko makita ang may gawa nun.

Hanggang sa may isang lalaki nanaman ang sumigaw. Hindi ako mapakali, at ramdam na ramdam ko na yumanig ang buong paligid sa tuwing may isang taong maglalakad, di ko alam pero parang napakalaki niyang tao.

***RICHARD's POV***

"Wala si Celesti dito." sabi ko kay Chito.

"nagalugad ko na ang lahat ng kulungan pero wala siya." sagot naman nito.

Aakmang aalis na kami sa lugar na yun nang biglang may nagpakitang Two high ranked detectives.

"Nagpapakamatay ba kayo?" tanong ng lalaki.

"Huwag mo naman silang takutin admiral." sagot ni Akihiro.

"Ha?... Natatakot na sila nun?.." tanong ng admiral.

Natawa ako sa intro nila
.

"Pagkakataon nga naman." sabi ko.

Ngumiti ang admiral at sumagot.

"Two Detectives Versus Trash Old Version ng mga Ghoul Hunters " sabi niya.

Agad namang natawa si Chito at nagsalita.

"Oyy!.. Oyy!.. Huwag mo naman kaming maliitin admmyyy.. Porket may hawak lang kayong spear na may halong quinque ang yayabang nyo na." sabi niya at ngumiti.

"Syempre, sino ba kayo? Isa lang naman kayong bigong experimento!.. Tsaka wag mokong matawag tawag na admyy ha?.. Ang badoy..." sagot ng admiral.

Natawa ako sa dalawa.

"Owss, hanggang salita lang ba kayo? Nakakabagot naman... Umatake kaya kayo nang mag enjoy naman ako?" pagyayabang ko pa.

Dahil dun ay agad na napikon ang admiral at sumugod samin.

Her Dirty SecretsWhere stories live. Discover now