"Kamusta? Masaya ba kayo sa 100k na ninakaw ninyo!?" tanong nito.
Agad kong ikinagulat ang boses na narinig ko, kaya napatigil ako sa ginagawa.
"Hoy ikaw!... Kilala ko ang boses mo!..." sigaw ko sabay lapit kay randie at kinuha ang phone.
"Ohh, the ghoul hunter is here." pakalmang sagot ng lalaki sa phone na may napakatulis boses na lumalabas sa bawat salitang bibitawan.
"Anong kailangan mo?" tanong ni Marlon.
"Oppss, hindi ako ang may kailangan...."
"Kayo ang may dapat malaman..." dagdag pa niya.
"Ha? Prāning kaba? Ano ang dapat naming malaman?" sagot ni ko.
"Kumalma kalang... Dahil pag sinabi kong nahuli namin si Celesti ay baka magpanic ka..." nakangiting sabi nito.
" and ?" pakalmang sagot ko.
"Gusto ko lang yan sabihin sayo baka gusto mo siyang iligtas, since may malaking utang na loob ka sa babaeng yun dahil tinulungan ka niya para makuha ang 100k." sagot naman ng lalaki.
"Saan tayo mag kikita?" sagot ni ko.
Ngumiti ang lalaki at sinabi ang address.
"Sa gubat na may waterfalls, kung saan namin nahuli ang babaeng to." sagot niya at pinutol ang koneksyon ng phone.
Agad ko namang binalik ang phone sa lalagyan at nagsalita.
"Ang layo nun sa city ahh, jan pala siya nagtago matapos mapatay niya ang tatlong detective." sabi ko, sabay kuha sa dyaryo at tiningnan ang mukha ni Celesti na nakadikit sa papel habang may napakadaming dugo sa mukha.
"Oo nga, nag improve siya kahit papano..." sagot naman ni Randie.
Agad namang natawa si Mark at nagsalita.
"Ang malas ng babaeng yan, bat kasi jan sya pumunta e'nanjan si Akihiro." sabi niya.
"Oo, simula nang malaman niyang kinain ni Randie ang kaniyang Ama ay wala na siyang ibang gustong gawin kundi ang patayin ang mga ghoul." sabi ko sa kanya.
"Di ko naman sinadya yun eh...Malay ko bang Detective pala ang Ama nya, tapos nakipaglaban pa sakin halata namang walang laban sa laki ng katawan ko, tsaka nagugutom ako sa mga oras na yun at saktong nadoon ang Tiyuhin niya na isa ring detective at nakita na kinain ko ang Lalaking yun.." pagpaliwang pa ni Randie.
"Nabuhay lang yata si Akihiro para pumatay ng mga kauri natin, at halatang halata na bata palang ay sinanay na sya ng tyuhin nya dahil sa kagustuhang makaganti." Sagot ko.
"Kaya nga umalis tayo sa lugar na yan ehh, dahil araw araw naglilibot si Akihiro." sagot naman ni Mark.
Maya maya lang ay nakarating narin sila Stella sa hideout.
"Hayyssstt... Wala talaga kaming nakuhang bangkay... Ilang araw na kaming pabalik balik sa ilalim ng tulay pero wala paring nag papakamatay..." dismayadong sabi ni Stella.
"Okay lang yan Stella, may fiesta mamaya." sabi ni Mark.
"Ha? Fiesta? Alam mo namang di tayo kumakain ng mga pagkaing tao ehh!.." pagtataray pa ni Stella.
"Hindi yan ang ibig kong sabihin, dahil may kauri tayong ginawang hostage ng mga detective, at ililigtas natin sya, yung ibang kakampi nalang ang hinihintay namin para pupunta na tayo sa lugar kung saan may napakasariwang dugo,laman at buhay." pagpaliwanag pa ni Mark.
"So, makikipaglaban nanaman tayo?" sabi ni Stella.
"Oo, at pwede mo silang kainin since birthday mo ngayon." ika pa ni Mark at ngumiti.
Ngumiti rin sila at maya maya lang ay dumating pa ang iba pa naming mga kaibigan at doon ay pinag usapan namin ang kanilang mga plano.
"Mamayang 1AM tayo susugod, sakto lang na tulog na sila. Ikaw Stella, gagawa ka ng fetus para pang spy gamit ang quinque mo." sabi ko
"Okay, I got it." sagot ni Stella habang maarteng tinitingnan ang kuko nya.
"Ikaw Chito, gagawa ka ng pagsabog at ikaw ang mauunang magpakita since ikaw ang tank sa group natin, at ikaw Mark, dalhin mo ang tatlong kagaya mo ng quinque at kayo ang papasok sa monitor area, mag assasination kayo dun at putulin nyo ang mga cctv at mga posibleng camera." pagpaliwanag ko pa.
"Ang huli, ako at si Rhandie (sabay tingin ko kay Rhandie) kami ang mag rerescue kay Celesti dahil parehas kaming ghoul hunter at marami na kaming experience sa pakikipaglaban. Kapag natapos nyo na ang pinagawa ko sainyo, dumiretso kayo samin, malinawag?" dagdag ko.
"Teka paano mo nalaman na nasa loob sila ng bahay?" tanong ni Chito..
"Sa ilalim ng waterfalls ang hideout nila, galing na kami ni Rhandie dun noong isa pa kaming pet ng gobyerno." sagot ko.
"Okay"
"Kapag nakalabas na tayo sa hideout nila ay wag kayong magdadalawang isip na tumakbo ng napakabilis, dahil once na makapasok na tayo sa hideout nila ay kusa itong malalaman ng headquarters dahil sa dugo natin na nilagay sa A,D,D or authomatic detector device." dagdag ko.
"wala na bang iba?" tanong ni Stella ng may pagtataray.
"Yun lang, kayo na ang gumawa ng paraan kung paano kayo makikipag laban." sambit ko at agad na tinapos ang plano.
***CELESTI's POV***
it been 4 hours ang nakalipas at nag tanghali na, pumasok si Akihiro sa kwarto at doon ay pinakawalan niya ang isa kong kamay para makakain.
"Kainin mo yan dahil may malaking labanan ang magaganap mamaya." ika pa niya.
"Wag ka ngang magpretend na concern ka sakin?" sabi ko at binigyan sya ng napait na ngitim
"Hindi, di naman pwedeng hindi ka busog. Baka akalain ng mga basurang kagaya mo na hindi kami marunong mag alaga ng isa pang basura." sagot niya sabay inabot ang isang kamay ng tao at isang baso ng dugo.
Since wala pa akong umagahan ay agad ko itong kinain at ininom ang dugo, pinanood lang nya ako habang kumakain.
"Masarap?" sabi niya.
Tumitig lang ako at hindi sumagot.
"Ubusin mo yan ha, wala kapa namang umagahan. Kawawa ka naman." dagdag pa niya.
Medyo nagpipigil lang ako sa taong to at the same time ay nag dadalawang isip kung gagamitin ko ba sa kanya si quinny, pero pag ginawa ko yun ay nilagay ko lang sa kapahamakan ang sarili ko kaya mas minabuti ko nalang na tumahimik, baka makakuha ako ng pagkakataon na makatakas ng hindi nasugatan at nahihirapan.
YOU ARE READING
Her Dirty Secrets
RomanceTITLE: Her dirty Secrets Genre: Romance| R-18 | SPG Content🔞 Author: Mitchaanngg -------------------------------------- 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: This story have an SPG CONTENT ARRIVED and it's not suitable for any young reader's below 18. 🔞 Read at your o...