Agad akong nagulat dahil tumigil nga siya sa kakaatake kay Richard at doon ay bumalik sa tabi ko.
Wala itong imik, nasa tabi ko lang siya habang nakatitig kay Richard.
"Ngayon, nakita mo na ang sandata mo. Anong masasabi mo?" tanong niya sakin at doon ay pinabalik niya sa loob ng katawan niya ang kanyang mga galamay.
Hindi ako makasagot, nakanganga lang ako habang nakatayo, yung ibang ghoul ay nanood lang saming dalawa at nakangiti dahil nailabas ko ang sandata ko.
"Hoy!.. Nanjan kapa!?" sigaw ni nelson at ibibigay sana niya sakin ang isang baso na puno ng dugo,
Agad akong naging aggressive at dali daling tumakbo papunta sa kanya nang biglang nagsalita siya.
"Teka!..." sigaw niya naikinabigla ko.
"B-bakit?.." tanong ko.
"Kailangan mong kuntrolin ang pagka uhaw mo, makukuntrol mo na yan dahil nagawa mong ipalabas ang quinque mo." sagot niya.
Oo nga pala, nasa sarili ako habang umaatake yung pagka aggressive ko.
Kumalma ako at huminga ng malalim, sa pagkakataon na ito ay agad na sinubukang ibigay ni Richard ang dugo at doon ay umaatake nanaman ang pagka aggressive ko pero nakuntrol ko na ang pagkauhaw ko.
Nagawa kong pigilan kaya inabot na niya sakin ang dugo at doon ay ininom ko.
"Ano ang pakiramdam mo?" tanong niya sakin.
Ngumiti ako sabay nagsalita.
"Okay na...(sabay ngiti) nga'pala, paano ko pababalikin ang maliit na ako?" tanong ko.
Natawa siya at nagsalita.
"Di nayan babalik, unless inumin mo sya. Dugo yan ehh, na form lang yan bilang ikaw dahil yan ang kapangyarihan mo." sabi niya.
"really ? Ibig sabihin nasa gilid ko lang sya at parating nakadikit?" tanong ko.
Natawa ang isang babae sa gilid at nagsalita.
"Haha hindi!.." sabi niya at lumapit sakin.
"Tingnan moko." dagdag pa niya.
Agad ko siyang tiningnan at doon ako nagulat.
Umubo lang siya at ang ubo niya ay dinura niya yun at nang makalabas na sa bibig ay agad akong nabigla. Kulay pula ito, at nag form ng isang butterfly.
"What the?! ..." sambit ko sa pagkamangha at talagang nakapagandang tingnan.
"Parehas tayo ng power, ngayun naman tingnan mo kung paano ko siya mapapaglaho." dagdag pa niya at doon ay pinitik lang niya ang kanyang dalawang hinlalaki at doon ay biglang nagiging normal na dugo ang butterfly.
"Easy peasy." sabi niya.
"Kailangan mo lang putulin ang koneksyon ninyo, at boom okay na." sabi niya at bumalik sa kinauupuan niya.
Napangiti ako, ang cool ko pala.
Ngayon, may panglaban na ako sa mga detective na yan. Kaya agad akong nagsalita na ikinabigla nilang lahat.
"Ahmmm... Maraming salamat sa inyo, malaking tulong ang tinuro ninyo sakin pero sana payagan ninyo ako sa kaisa-isang kong hiling. Gusto ko sana mamuhay ng normal, ayoko sumama sa inyo na nakikipaglaban sa mga detective." sabi ko.
"Ano? P-pero nakita kana nila... Kahit saan kapa napaparuon kung makikita ka nila ay ang unang pumasok sa isip nila ay isa kang ghoul, kaya huhulihin ka nila, kung magpupumilit ka ay papatayin ka." sabi ni nelson.
Ngumiti ako at nagsalita.
"Thank you for your concern. Pero may panglaban na ako, gagamitin ko to para maging ligtas ako." sagot ko pa.
Dahil dun ay hindi siya pumalag..
"Sige, kung yan ang gusto mo... Tsaka sorry kanina ha kung ginawa kanaming pain.." ika pa niya.
Oo nga, ang akala ko ay nahuli na talaga ako ng mga detective, ginamit lang pala nila ako para makuha ang pera.
"Welcome.. ." sabi ko.
"Ngayon, nasa'min na ang pera. Makakaalis kana ." sabi ng babae.
"Ang taray mo naman." sabi ko pero nakangiti.
Pagkatapos ng pangyayareng yun ay agad na akong umalis sa bahay nila, bumalik ako sa Condo ko, Agad ko kasing naalala na hindi ko pa nga pala naitatapon si Stefano.
Isang oras na paglalakad ay nakaalis narin ako sa gubat na yun, tsaka ako sumakay ng Taxi papuntang Condo.
Alas syiete ng gabi ako nakauwi, wala pa akong tanghalian, pagkapasok ko sa bahay ay medyo nangangamoy yung loob dahil na stuck doon ang hangin at hindi makalabas. Buti nalang hindi pinasok ng matandang Land Lady na yun.
Agad akong nagtungo sa gilid at doon ay nakikita ko pa ang itim na plastic, tsaka ko ito binuksan at nakita ko doon si lucas. Nilabas ko ang katawan niya at then sinubukan kong sipsipin sa tyanan at nagbabakasakaling may natitira pang dug0, buti at meron kaya tinabi ko muna yun, hinawakan ko ang binti ni lucas at doon ko kinain. Medyo nagugutom kasi ako kaya kumagat muna ako ng mga limang beses dahil nag diet naman ako tsaka ko sinipsip yung dugo sa tyan.
Pagkatapos ng dinner ko ay agad ko siyang pinasok ulit sa loob ng plastic at nahiga ako sa kama, hindi ko namalayan at nakatulog ako kaya nang magising ako ay alas kwatro na ng madaling araw.
Di ko alam kung itatapon ko ba si Stefano o dito na muna siya, kasi magugutom ako mamaya, at pag nagyare yun, maghahanap nanaman ako ng tao sa labas. Kaya mas mabuti kong dito na muna sya at kakainin ko ang ibang parte niya pag nagutom ako.
Agad akong tumayo at kinuha ang itim na plastic, tsaka ako nagtungo sa kusina, doon ay nilagay ko siya sa table at kumuha ako ng Boning Knife, yung pang tadtad ng baboy, baka, at tupa, pati na rin ang manok at isda.
Gagawin ko siyang karne, sayang din kasi, at ayoko na pumatay pa ng ibang tao para lang mabuhay.
Agad ko siyang tinadtad, bawat karne ay nilagay ko sa ref, maliban sa mga Atay, Utak, Baga, Puso, kidney, spleen, pancreas, thyroid and joints. Kakadiri kaya nyan. Pati yung mga buto, yan nalang din ang tinira ko, binalik ko sila sa plastic dahil hindi naman ako kumakain ng mga nun. Dugo at laman lang okay na.
Mga isang oras at trenta minuto ko ring natapos yun, kaya kumuha ako ng kunting karne at kinain para sa pang umagahan.

YOU ARE READING
Her Dirty Secrets
RomanceTITLE: Her dirty Secrets Genre: Romance| R-18 | SPG Content🔞 Author: Mitchaanngg -------------------------------------- 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: This story have an SPG CONTENT ARRIVED and it's not suitable for any young reader's below 18. 🔞 Read at your o...