Nagising nalang ako nang may tumama na tubig sa mukha ko
"Ahhh!.." sigaw ko dahil medyo malakas yung hampas ng tubig sa mukha ko.
Agad kong minulat ang mga mata ko at nagulat ako nang makita ko si Akihiro sa harapan ko na may kasamang mga detective.
"A-anong... I-ibig.. S-sabihin.. N-nito?..." nauutal kong sabi sa kanya.
Ngumiti lang si Akihiro at sumagot
"Kilala mo ba ang mga lalaking to?" sabi niya sabay turo sa pitong detective.
Agad akong nagulat nang makita ko sila, dahil sila yung piniperahan ni Richard.
"Oo, kilala ko ang mga taong yan.." sagot ko at aakmang kikilos nang bigla kong di magalaw ang mga kamay ko.
Sinubukan ko ring igalaw ang mga paa ko pero nakagapos ito, tsaka ko lang naramdaman na nakaupo pala ako sa isang upuan habang nakatali ang buo kong katawa sa electric chair.
"Anong gagawin nyo sakin!.." sigaw ko.
Agad namang lumapit ang isang detective na ka transaction ni Richard noon.
"Wala kaming gagawin sayo at hindi kami interesado sa basura, kaya tumahimik ka." sagot niya.
"Kung ganon, bakit nyo ako hinuhuli!.." sigaw ko.
"Simple lang, diba ginamit kang pain ng ghoul hunter para makakuha ng pera?" tanong niya.
"Ano nga ang pangalan nya? Richard ba yun?" dagdag pa niya.
Agad akong nagalit, nadamay nanaman ako sa away nila.
"Labas na ako dun!.." sigaw ko pa.
Agad namang natawa yung detective at nagsalita.
"Hindi pwede yun, masyadong malaki ang perang nawala para ipinagwalang bahala, kaya ganun rin ang gagawin namin. Gagawin ka naming pain para kunin pabalik ang nasayang na pera." sagot pa niya.
Dahil dun ay agad akong nagalit.
"Fuck youuuu!....." sigaw ko.
"Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko!..." dagdag ko pa.
Agad namang natawa si Akihiro at sumagot.
"Diba kakasabi ko lang sayo na kinain ng kauri mo ang Daddy ko?" ika pa niya.
Agad akong nagulat, sabi na nga'ba... Imposibleng mapapatawad lang niya ng ganun lang basta basta ang mga kauri ko, kaya imposibleng hindi siya galit sakin.
"Kung ganun, nagpapanggap kalang na mahal mo ako?" tanong ko sa kanya.
Huminga ng malalim si Akihiro at pinaliwanag ang ginagawa niya.
"Alam mo Celesti, di ko alam kung ilang taon kana. Kasi hindi naman kayo tumatanda, pero ito lang ang masasabi ko, noong unang pagkikita natin sa gubat ay may naramdaman akong kakaiba sayo, parang amoy dugo ka at may ibinabaon sa lupa. Kaya naisip kong isa kang ghoul, dahil tanging buto at mga nasa loob ng tyan lang ang hindi ninyo kakainin, kaya malamang sa malamang ay ililibing mo yun. At saktong nasa mission ako para hanapin si Richard sa mga oras na yun, dahil isa akong detective, nagpanggap lang akong isang normal na tao at kunwaring nakatira doon sa bahay kubo." pagpaliwanag pa niya.
Agad akong nagulat sa sinasabi niya at hindi halos makakapaniwala.
"Kung ganun, anong nasaisip mo at bakit sa kagubatan mo pa naisip magpunta?" tanong ko.
Tinawanan lang niya ako at sumagot.
"Dahil alam kong nasa kagubatan ang hideout nila Richard, kaya araw araw akong gumagala at nagdadala ng kambing para hindi halata, pero ang totoong pakay ko talaga ay ang hanapin ang hideout nila. Pero sa kasamaang palad. Nakita kita at sinadya kitang ipasyal sa ilog para maimbestigahan pa kita ng maigi, hanggang sa mag tanghalian na kaya naisip kong pauwiin ka, doon ay hinukay ko ang nilibing mo, at nang makita ko ang mukha ng taong kinain mo ay halos nangdidilim ang paningin ko sayo, dahil ang lalaking yun ay Kapatid ko! Si Stefano, kaya lintek lang ang walang ganti!." pagpaliwanag pa niya at halos namunula na ang mukha sa galit.
"n-nagtiwala ako sayo..." naiiyak kong sambit.
"Kaya nireport kita sa HeadQuarters at saktong kilala ka ng pitong detective na yan. Kaya habang papauwi ka ay sinabi ko ang lokasyon mo sa headquarters para hulihin ka don. Pero sa kasamaang palad, nakatakas ang basurang sinubukang iligpit ng mga baguhang detective. Kaya ako nalang ang huhuli sa'yo." dagdag pa niya.
Nabigla ako sa narinig ko, napakalaki ng mundo at sa dinami daming taong pwedeng makasalamungat ko ay ito pang si Akihiro at ang Kapatid niyang si Stefano.
"So, nagpanggap kalang talaga na mahal mo ako!..." sigaw ko sa kanya.
Nagtawanan naman silang lahat na nandon.
"Sa laki ng galit ko sa kauri mo sa tingin mo magkakagusto ako sayo?" ika pa niya.
Hindi ako makapagsalita sa narinig ko, at pagkatapos ng pag uusap na yun ay agad na umalis silang lahat at naiwan ako sa loob ng kwarto na pinapalibutan ng bakal, kahit bintana ay bakal. Napaka secure ng lugar.
Hindi ko alam ang gagawin ko...
***RICHARD's POV.***
"Kunin mo sya, dahil gagawin nating ulam yan." sabi niya sa isang ghoul na malaki ang katawan.
"Kailan ba tayo titigil sa kakakain ng mga taong nag suicide" tanong nito.
"Wala tayong choice Randie, Mga ghoul tayo, tanging tao lang ang pwede nating kainin. Tsaka ngayon ang kaarawan ni Stella, Kaya dapat madami tayong handa." ika Kohabang tumatakbo pabalik sa hideout nila.
"Nakakalungkot nga ehh, di tayo pwedeng kumain ng cake." dagdag pa niya.
Hindi sumagot si Randie at nagpatuloy lang sila sa kakatakbo hanggang sa nakabalik na sila sa hideout nila.
"Kamusta ang paghahanap ng mga taong nagpapakamatay?" tanong ni Mark.
"Okay lang naman, siguro gagawa tayo ng lugar kung saan pupunta ang mga tao pag sinubukan nilang magpapakamatay para naman may garden tayo."pagbibiro pa ni Randie.
"Kung gagawin natin yan, parang nag set up narin tayo ng sarili nating patibong, dahil malabong hindi pupunta ang mga detective sa sinasabi mong garden Randie." sagot ni ko.
"Oo nga no, may point ka." manghang sagot ni Randie.
Nagtawanan lang sila at aakmang pag pira-pirasuhin ang katawan ng ta0 nang biglang may tumawag.
*RING!...* *RING!...* *RING!...*
"Sagutin mo, baka sila Stella na'yan na kanina pa nag hahanap ng mga bangkay." nakangiting sabi ni Mark kaya pinuntahan ni Randie at sinagot.
"Hello, kamus-..."
Naputol ang pagbati ni Randie ng marinig niyang may matulis na boses ang nagsalita.
"Magandang umaga mga basura!..." hiang sabi ng lalaki na may napakatulis na boses.
Agad namang ni loudspeaker ni Randie para marinig namin ang boses sa kabilang phone.
"Kamusta? Masaya ba kayo sa 100k na ninakaw ninyo!?" tanong nito.
A/N: mag aapload ako ng ilang chapters mga beshy ha? Para naman maenjoy nyo ang HollyWeekend🤭
YOU ARE READING
Her Dirty Secrets
RomanceTITLE: Her dirty Secrets Genre: Romance| R-18 | SPG Content🔞 Author: Mitchaanngg -------------------------------------- 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: This story have an SPG CONTENT ARRIVED and it's not suitable for any young reader's below 18. 🔞 Read at your o...