Mga ilang minutong pananatili ko sa bahay ni Akihiro ay parang na bobored ako dahil bukod sa kami lang dalawa ang nandito, wala pang pwedeng gagawin.
"Mahal, maglakad lakad lang ako ahh..." pagpaalam ko sa kanya.
"Okay, basta wag kang pupunta sa bayan." sagot niya.
Ngumiti lang ako at lumabas, nagpunta ako sa ilog dahil gusto ko ang sariwang hangin dun at malayang malaya akong gawin ang lahat ng gusto ko dahil ako lang mag isa.
Nang makarating na ako dun ay agad akong naligo sa ilog, mga ilang minutong paglalangoy ko ay naalala ko ang mga damit ko kahapon na puno ng mga dugo,kaya agad ko itong pinuntahan at itatapon sana pero bigla akong nagulat, dahil pagdating ko sa lugar kung saan ko nilagay ang mga damit ko ay bigla itong maglaho na sana ay nandoon lang dahil kahapon ko palang yun sinadyang iwan. Pero ngayon ay wala na.
Nagtataka ako, sino ang kumuha nun?
Agad akong naglibot sa ilog at sinubukan kong hanapin pero wala talaga, posible kayang kinuha yun ni Akihiro at tinapon?
Tsaka wala akong alam sa background nya, pero malabo naman yata kung isa siyang detective diba?,
Ang daming pumasok sa isip ko pero hindi ko na ininda, nagpatuloy na ako sa pagligo.
Mga ilang minutong pagligo ko ay agad na akong umahon at bumalik sa bahay ni Akihiro, doon ay agad akong pumasok at nagsalita para alam niya na bumalik na ako.
"Mahal!?.." sigaw ko.
"Nandito na ako!.." dagdag ko pa.
Di ko alam kung pinaglaruan ba nya ako pero di kasi siya sumagot.
"Mahal!?... Pakiabot ng tuwalya!.." sigaw na tanong ko.
Pero wala talagang sumagot, nakakapanghinala na siya.
Nagtataka na ako sa kanya, bakit bigla bigla nalang siyang nawawala. Kabilin bilinan nya lang sakin na huwag akong pupunta ng city.
"Ano ba talaga ang background ng lalaking to?"
"Tsaka bakit ayaw niyang mag punta ako sa city?"
"May tinatago ba siya? O sadyang concern lang siya sakin?"
"Pero natatakot ako, siya na nga ang nag sabi na kinain ng aswang ang papa nya. Pero hindi siya naniniwala na aswang yun."
"Tapos nalaman pa niyang ako yung babaeng nasa dyaryo na sinasabing aswang."
"Malabong wala siyang gawin."
"Ano ba ang plano ng lalaking to sakin?"
"May galit kaya sya? Isusumbong ba niya ako sa pulis?"
"Malabo naman yata, may nangyare na samin "
Napakadami talagang pumasok sa isip ko, sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip, nakaramdam ako ng hilo at tuluyang nagsuka, halos iluka ko na lahat ng bituka ko.
Hindi ko ininda ang lahat ng nasaisip ko at agad na akong nagpunta sa kwarto at kumuha ng damit, pagkatapos kung mag bihis ay agad akong naupo sa sala at doon ay naghihintay sa kanya.
Ilang minuto lang ang nakalipas tsaka lang siya nagparamdam.
"Mahal, nandito na ako..." sabi niya at nandoon siya sa pintuan.
Agad akong lumingon sa kanya at nagtungo.
" san ka galing?" tanong ko.
"Sa City, bakit?" sagot nya.
"Anong ginawa mo dun? Tsaka magpaalam ka naman sakin kung may gusto kang puntahan." ika ko pa.
Agad naman siyang ngumiti at napakamot sa ulo.
"Ayy sorry, di ko kasi alam kung nasan ka ehh kaya kusa na akong nagpunta sa city." sagot nya.
"Paano na ang bahay? I mean walang niisang tao ang nandito pag wala ka, paano kung pinasok ng magnanakaw?" panermon ko sa kanya.
Natawa lang siya at sumagot.
"Mahal, Sino bang magkaka interes na pasukin tong bahay natin? " pagbibiro pa niya.
"Pero kahit na!.." sagot ko.
Hindi na siya umangal pa at nagsorry kaya pinatawad ko.
"Im sorry okay? ito na yung kape, diba sabi mo kape lang ang inumin mo?" tanong niya.
"Oo, pero mas masarap ang kape pag hinaluan mo ng kunting dugo." nakangiti kong sabi.
Natawa siya sakin at agad na nagtungo sa kusina para ipagtimpla niya ako ng kape.
"Sweet naman ng mahal ko,.." sabi ko sa kanya sabay yakap sa likod niya.
Masaya kaming nagsama sa munting kubo, at nang matapos na niyang itimpla yung kape ay agad niyang binigay sakin.
Nakangiti ko itong kinuha at nagsalita.
"By the way mahal, I think buntis ako." sabi ko sa kanya.
"T-talaga? Magiging Tatay na ko?! ." pagpaliwanag pa niya.
Nabuhayan ako sagot nya, dahil aware pala siya sa mga nangyayare samin.
"oo mahal ko...?" naexcite kong sabi.
Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo.
Kinilig ako dun, i think mas swerte ako sa kanya, dahil pinaninindigan niya ako.
"Oh teka mahal, inumin mo na muna tong kape mo. Baka lumalamig pa yan" sabi niya sakin.
Agad kong naalala na may kape pala akong bitbit kaya ngumiti ako sa kanya at tumitig, dahan dahan ko itong ininom habang nakatingin ako sa mga mata ni akio. Ang sweet nya talaga.
Nang maubos ko na ito ay normal lang ang naramdaman ko, iba talaga pag may nag aalaga sayong tao.
"Kamusta?" tanong niya sakin.
Ngumiti lang ako at sumagot.
"Okay lang, masarap ang kape basta ikaw ang mag timpla." nakangiting sabi ko at kinindatan ko siya.
Ngumiti rin siya at nakatayo lang sa harap ko.
Medyo nakaka awkward dahil ang tahimik namin. Hindi siya sumagot sa sinabi ko sa kanya.
"So, kamusta?" sabi niya.
Medyo nawi-wierdohan na ako sa kanya, dahil kinamusta nanaman niya ako.
"Gaya ng sabi ko maha-.."
Naputol ang pagsasalita ko nang nakaramdam ulit ako ng nahilo.
"okay kalang?" pabiglang sabi niya.
Napahawak ako sa noo ko at medyo umiikot ang paningin ko kaya napahawak ako sa balikat ni Akihiro.
"Celesti?... Okay kalang?..." dagdag pa niya.
Agad akong napayakap sa kanya, sobrang sakit ng ulo ko, umiikot pa ang paningin ko.
"T-tulong..." hinang sabi ko.
"Tumalab na ba mahal?" dagdag pa niya.
Agad akong nagulat sa sagot niya sakin.
"A-anong....?..." nauutal kong sagot at agad akong nawalan ng lakas, dahilan para mapahiga ako sa dibdib ni Akihiro at doon na ako nawalan ng malay.
A/N: kamusta ang Botohan sa barangay nyo??? Nanalo ba ang ibinoto nyo?😁
YOU ARE READING
Her Dirty Secrets
RomanceTITLE: Her dirty Secrets Genre: Romance| R-18 | SPG Content🔞 Author: Mitchaanngg -------------------------------------- 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: This story have an SPG CONTENT ARRIVED and it's not suitable for any young reader's below 18. 🔞 Read at your o...