QUINQUE

360 4 0
                                    

Mas masarap pag bagong bago at buhay pa. Kaya di ako kakain ng mga taong kagaya nyan.

"So, ilan nalang pala tayong natitira dito sa mundo?" tanong ko.

Ngumiti siya at sumagot.

"Marami pa, yung iba ay nagtatago, namuhay ng normal at nag asawa. Kaya hindi na nakakapagtataka na may mga half human and half ghoul sa panahon ngayon. Sa panahon ko kasi limitado lang." sagot ni Richard.

"Ang problema lang ay kung paano nila palalakihin ang anak na hindi kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Tsaka limitado lang ang mga batang nabuo, dahil kadalasan ay namamatay rin ang mga bata sa sinapupunan palang." dagdag pa niya.

"Anim na raang taon na ang nakalipas, noon nakapaimportante naming mga hunter dahil kami lang ang alas noon ng gobyerno, pero patagal ng patagal ay nagagawan nila ng paraan. Yung mga ghoul na nahuli nila ay pinag eksperimentuhan at kinukuha nila ang mga quinque ng ghoul." sabi pa niya.

Agad akong nagtaka at hindi ko ma gets kaya nag tanong ako.

" quinque?" sabi ko.

"Tss.. Sandata yun na ginawa mula sa kakuhou ng ghoul na ginagamit ng mga imbestigador ngayon. Kaso limitado lang ang pwedeng gumamit nun, yung mga professional na talaga." sabi pa niya.

"h-hindi kita maintindihan eh..."

"Hmm,Nakita mo naman kanina diba na may nagsilabasan sa mga likod namin? Yun ang quinque, yun ang sandata nating mga ghoul. Kaya nga kami ang alas noong sinaunang panahon dahil kami lang ang may ganoong ispada, pero patagal ng patagal ay kinuha nila iyon at ginamit bilang armas at pinapagamit ng mga detective para panghuli sa mga Ghoul na kauri natin." pagpaliwanag pa niya.

"So, ibig sabihin meron ako nun?" tanong ko.

Tumango lang siya.

"Pero paano ko magagamit ?" tanong ko ulit.

"Pagsipsip ng mga dugo." kunting sagot niya.

"Ha? Di ko ma gets, paano mailabas nun kung sisisip lang ako ng dugo?" tanong ko pa.

"Ang ghoul ay sumisipsip ng mga dugo mula sa kanilang biktima, Natitipon ang mga ito sa katawan mo at pagkatapos ay dumadaloy ang mga dugo sa mga ugat mo, maliban nalang sa mga vinamins na makukuha mo dahil kusa silang mag titipon sa loob ng katawan mo, para mailabas mo ang iyong quinque ay ramdamin mo ito kong saan sila nagtitipon." sabi niya.

"Paano ko naman ito mararamdaman?" tanong ko ulit.

"Ano ba ang mararamdaman mo sa tuwing nakakainom ka ng dugo?" tanong niya.

Iniisip ko kung ano nga'ba ang nararamdaman ko sa tuwing nakasipsip ako ng dugo.

"Ano lang, nalalasahan ko ang tamis, napakatamis at pag nalunok ko na yun ay hindi mawawala ang tamis sa bibig ko, tapos... Bigla nalang akong nabusog at kalaunan ay makatulog dahil sa busog." sagot ko.

" ibig sabihin sa tyan?" tanong niya.

"Di ko alam, basta nabubusog ako pag nakainom ng dugo." sagot ko pa.

"Ngayon, ano naman ang pakiramdam mo pag nauuhaw ka at may bibibiktimahin kang tao?" tanong niya ulit.

Inalala ko nanaman at sinabi.

"Ahmm.. Nakaramdam ako ng pagkauhaw, tapos hindi ko mapigilan ang sarili ko kahit ayaw kong kagatin ay makakagat ko." sabi ko pa.

Inalyze naman iyon ni Richard at mga ilang minuto lang ay nagsalita siya.

"I got it!, nasa bibig mo mismo ang sandata mo." sabi niya.

Dahil dun ay agad akong nagtaka. Tiningnan ko siya at kumuha siya ng dugo na nasa ref at doon ay pinaamoy niya sakin.

Dahil dun ay agad na nagiging pula ang mata ko, bigla akong nauuhaw at hindi ko mapigilan ang sarili ko, gustong gusto kong inumin ang dugo, kaya agad kung kinuha ang baso at doon ay aakmang iinumin ko ng biglang pinigilan nya ko, hinawakan niya ang mukha ko at dahil uhaw na uhaw na ako at sa kagustuhan kong mainom ang dugong yun ay halos mawawala na ako sa sarili, di ko ma control ang katawan ko, hanggang sa nasiraan na ako ng bait at doon ay imbes na inumin ko ang dugo ay bigla akong nagiging aggressive at kinagat ko ang kamay ni Richard.

Agad kong sinipsip ang dugo niya, nang masipsip ko yun ay agad ko ring dinura. Ang pangit ng lasa. Dahil dun ay bumalik ako sa katinuan. Nahihilo ako sa lasa ng dugo nya at doon na ako kumalma.

"Nandidiri ka naman?... Malamang kauri moko, kaya magkatulad lang tayo." sabi niya.

Tinapat ulit niya ang dugo sa harap ng mukha ko at doon ay nabigla ako dahil naramdaman ko na may gustong lumabas galing sa tyan ko, pero di ko alam paano ito palalabasin, parang gumagapang ito palabas sa bibig ko kaya agad ko itong pinigilan dahil masusuka ako, di ko alam pero ang hirap niyang pigilan dahil kakaiba siya.

Parang may kamay at mga paa, pilit niyang lumabas, hanggang sa di ko na makayanan pa at agad kong dinura ang nasa loob ng katawan ko at doon ako nagulat, may isang maliit na version na kagaya ko.

Kuhang kuha niya ang mukha, paa, kamay, ilong, katawan ko, i mean lahat talaga ay kuhang kuha niya. Pero ang pagkakaiba lang ay ang balat namin, dahil ang kulay niya ay red. Yung kulay mismo ng dugo.

Doon ay inatake niya si Richard kaya napaatras si Richard at doon ay may biglang lumabas sa likod niya. Isang mga galamay ng mga gagamba, aakmang aatake ang maliit na ako pero hindi siya makalapit dahil kung saan patungo ang maliit na ako ay doon rin gagalaw ang bawat isang galamay ni Richard na nasa likod niya.

Nagulat talaga ako, hindi ko lubos maisip na may ganyan pala akong kakayahan.

"Celesti!... Naririnig mo ba ko!?" sambit ni nelson.

Tumango ako habang nakanganga.

"Kuntrolin mo ang quinque mo!.." sabi niya.

"P-Paano?.." tanong ko.

"Hanapin mo ang mga nagbago sa katawan mo!.." ika pa niya.

Doon ay agad ko itong hinanap at napag alaman kong nag iba ang mga kuku ko, nagiging matulis ito, tsaka yung ngipin ko, nagiging matulis din, tsaka ang dila ko, nagiging mahaba ito. Kasing haba ng pinakamaliit na hinlalaki sa kamay pag nakalabas ang dila ko.

"Nahanap ko na, anong gagawin ko!?" tanong ko.

"ipagdikit mo para mabasa niya ang utak mo!.. Yan ang ginagawa namin, kung napansin mo kanina habang tumatakbo tayo ay may mga lumalabas sa likuran namin, tapos kusa silang gumagalaw, kasi nga utos namin yun!.." sabi niya.

Dahil dun ay agad kong dinikit ang dila ko sa ngipin ko at nagsalita sa isip.

"Tumigil ka!.." sigaw ko sa isip.

Agad akong nagulat dahil tumigil nga siya sa kakaatake kay Richard at doon ay bumalik sa tabi ko.

A/N: Quinque are weapons made from ghoul's kagune. They emit electrical signals, which stimulate the Kakuhou to release and control it. Source: Google

Her Dirty SecretsWhere stories live. Discover now