UNPERFECT EXPERIMENT

115 0 0
                                    

"NAGIGING AGGRESSIVE SIYA!... KAILANGAN MONG PIGILAN BAKA YAN PA ANG IKAKAMATAY NIYA!.." sigaw ko.

Agad na nanlaki ang kanilang mga mata, kaya agad na nag transform si Marlon  into Full Body Armor at dali daling tumakbo papunta kay Mark.

Nakita ko rin ang detective na wala nang buhay pero patuloy parin niya itong ini-smash.

"Waahh!.." sigaw ni Marlon at aakmang pipigilan niya si Mark nang biglang sinuntok siya nito at tumilapon sa pader.

Nagulat ako sa nakikita ko, dahil agad na nawalan ng malay si Marlon.

Agad na tumingin samin si Mark at nang makita niya kami ay agad siyang huminto sa kaka smash at dali daling tumakbo papunta sa kinaruruonan namin na may galit sa mukha.

Nang makita ko ang mga mata niya ay may isang pangyayare sa nakaraan ang bumalik..

*FLASHBACK*

1982, june 14.

Habang papunta ako sa laboratoryo ay may isang malaking pagsabog ang aking narinig kaya agad kong binitawan ang nahuli kung ghoul at agad akong nagtungo sa laboratory.

Pagkarating ko dun ay nakita ko ang mga scientist na nagpapanik, yung iba tumatakbo palayo, sa curiosity ko ay agad akong pumasok sa loob at laking gulat ko nang may nakita akong isang napakalaking halimaw na may hinawakan.

"Bitawan mo ako!...." sigaw ng scientist.

"Bw£sit na ghoul ka!.. Bitawa moko!... Isa kang bigong experimento!.." dagdag pa niya.

"Bitawan moko basura!.. Wala kang silbi!.. Isa kang bigong experimento!.." pagsisigaw pa niya at doon ay nagwala ang halimaw at kinain ng buo ang scientist.

Nang makita ko yun ay agad akong napaatras, hindi ko alam na may isang potion pala sa sahig at natapakan ko yun. Kaya nakagawa ako ng ingay.

Nang marinig iyon ng halimaw ay agad niya akong nakita at dali daling tumakbo papunta sakin at aakmang papatayin ako gamit ang dalawa niyang kamay nang bigla siyang napahinto at sumigaw.

"AAHHHH!!.... TAKBOOO!!..." sabi niya.

Agad akong nagulat sa sinabi niya.

"TUMAKBO KANA HANGGA'T KAYA KO PANG PIGILAN!.." dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Isa pa akong nagpapanggap na ghoul hunter ng panahong yun.

Hanggang sa biglang sumakit ang ulo niya at may mga usok ang nagsilabasan sa buo niyang katawan.

Pagkatapos nun ay unti unti siyang nagiging maliit at kalaunan ay nagiging tao.

Doon ko nakita ang mukha ng halimaw, at pagkatapos nun ay nawalan siya ng malay.

Agad ko siyang kinuha at dali daling nilabas sa laboratory dahil sasabog na ito dahil sa ginawa niyang pag smash sa mga device.

Ilang araw ang nagdaan ay nagising rin sya at doon ko nakilala si Mark.

Simula nun ay nagiging kaibigan ko siya. At dahil dun ay tinigil ko na ang pagpapanggap na ghoul hunter.

*END OF PLASHBACK*

"CELESTI!... MAKUKUNTROL MO ANG MGA DUGO DIBA!?.." sigaw kong tanong sa kanya.

Tumango siya at nakatingin sakin.

"IPUNIN MO YUN LAHAT AT PAGSAMA SAMAHIN!.. TSAKA KUNIN MO YUNG KATAWAN NG TATLONG DETECTIVE!.. ITIPON TIPON MO SILA!.." sigaw ko sabay pinalabas ko ang walong galamay ng gagamba sa likod ko.

Nang nakalapit na sakin si mark ay aakmang e smash nya ako nang bigla kong ginawang panangga ang mga galamay ko at aakmang tatakbo nang biglang sumabog at nagiging dug0 ang walo kung galamay.

Agad akong nabigla at sa itaas ko ay nandoon si Mark tsaka niya ako ini-smash.

"AAAHHHHH!!..." sigaw ko kasabay nun ay nandidilim ang aking paningin, at nagsilabasan ang mga dug0 ko sa bibig.

Nabali ang mga buto ko sa kamay, binte, braso. Nawawala rin ang mga lakas ko at ang natitirang mga galamay ay bumalik sa likod ko...

Pagkatapos nun... Nawalan na ako ng malay...

***CELESTIs POV.***

Habang papatakbo ako papunta sa mga katawan ng mga detective ay nabigla nalang ako nang biglang ini-smash ni Mark si Richard.

Agad akong kinabahan pero hindi ako huminto sa kakatakbo hanggang sa nakuha ko ang mga bangkay.

Tumingin ako kay Mark at doon ay tinapon tapon niya si Richard kahit hindi na ito gumagalaw.

Medyo natataranta ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya aakmang lalapit na sana ako nang biglang tumingin si Mark sakin na galit na galit.

Dali dali siyang tumakbo at ako naman ay paatras.

"H-huwag... P-please.." hinang sabi ko habang hawak hawak ang mga bangkay.

Nang makalapit na siya sakin ay agad akong napapikit at doon ay kinuha niya ako at binuhat.

Agad kong minulat ang mga mata ko at laking gulat ko nang makita ko si Mark na naka nganga, samantalang ako ay malapit na sa bibig niya. Hindi ko alam ang gagawin kaya tinapon ko ang isang detective sa bunganga niya. Doon ay ninguya nguya niya ito.

Mas lalong nagiging aggressive si Mark kaya tinapon ko nanaman ang isa pang detective sa bunganga niya. At sa pangalawang pagkain niya ay agad niya akong binitawan at siya naman ay tumalon talon.

Di ko alam kung ano ang ginagawa niya, sumisigaw rin siya.

"H-Hoy!.. O-okay kalang!?" sigaw kong sabi pero hindi siya nakinig.

Tumalon talon lang siya habang sumisigaw, di ko alam kung ano ang ginawa niya hanggang sa nagsimula na siyang humawak sa ulo niya.

Di ko talaga ma gets, yung buong paligid ay yumayanig sa tuwing tumatalon siya hanggang sa may mga usok ang nagsilabasan sa mga katawan niya.

Nakanganga lang akong nakatingin, first time kong makakita ng ganun at kalaunan ay bigla humina ang pagtalon niya. Tsaka napansin kong lumiliit siya. Kaya di ko maiwasan ang mag alala.

"Hoy.. Okay kalang diba?..." tanong ko sa lalaki.

Hindi niya ako pinansin hanggang sa lumiit siya ng lumiit at magkasingtangkad lang sila ni Richard, doon ay agad siyang nanghina at halos hindi makagalaw. Nakatitig lang siya sakin at sa tingin ko ay gusto ng mga mata niya ang pumikit pero pinigilan lang niya ito.

Kaya lumapit ako sa kanya at doon ay inilalayan ko siya at tinabi kay Richard, nang maitabi ko na si Mark ay doon na sya nawalan ng malay. Kaya parehas na silang tatlo na walang malay, tiningnan ko rin si Marlon at parang magtatagal pa kaming apat dito sa laboratoryo.

To Be Continue...
━━━━━━━━━━──────────
A/N: FhenFhen112 shoutout sayo pinsan☺️ thanks for supporting☺️wabyu♥️♥️

Her Dirty SecretsWhere stories live. Discover now