Hindi siya umimik, ikaw ba naman ang mawalan ng magulang di kaba malulungkot? Kaya hinayaan ko muna siya.
Kinabukasan...
Nagising ako dahil sa ingay ng mga manok, tsaka sa pagmulat ko ng aking mga mata ay napansin kung wala na si Akihiro sa tabi ko.
"Hayyyyyy!..." sambit ko sabay stretch sa katawan.
Agad akong bumangon at pagdating ko sa sala, nabigla ako dahil walang ni'isang tao.
"Nasan na kaya ang mag uncle na yun?" sambit ko sa isip.
Dahil ang sarap pa nga ng tulog ni Akihiro kagabi habang naka subsub yung mukha nya sa dibdib ko eh, tapos ngayon bigla nalang maglalaho ng walang pasabi.
Lumabas ako ng bahay kubo pero walang tao sa bakuran, kaya bumalik ako sa loob ng bahay at nag hanap ng orasan, pero wala akong nakitang ni'isang nakasabit dun.
Kaya napagpasyahan ko nalang na maupo sa sala at maya maya lang ay may napansin akong dyaryo sa lamesa, kaya kinuha ko yun at agad akong nagulat sa nakita ko.
Dahil may isang picture ko na duguan ang naka display sa harapan, ang nakalagay na mga salita ay..
*BRIGADA NEWS!..*
Natagpuan na ang babaeng sinabing aswang dahil sa pag patay niya sa tatlong detective habang iniimbestigahan siya sa Condo Unit nya, kaya tinanong namin ang pulis na nagbantay dito kagabi at ito yung sabi.
Pulis: Ang akala namin ay biktima rin yung babae ng aswang dahil napuno ng dugo ang katawan niya, pero kalaunan ay nagulat kami dahil bigla siyang nawala.
Reporter: Paano nyo nasabing siya nga ang suspek?
Pulis: May nakakita kasi sa kanya na isang teenager na tumalon galing sa likod ng Unit nya, tsaka napakabilis pa tumakbo.
Reporter: Sigurado kabang aswang yun?
Pulis: Oo, dahil ang isang detective ay may kagat sa leeg, at ganun ang kagat ng mga ghoul.. este aswang..
Reporter: Ghoul?.. Teka Ano yun?
Pulis: Ah, Aswang, Aswang ang may kagagawan nito. Makakaalis na kayo.
Reporter: teyka sir!.. Sir!.. Sir!..
Yan yung pag uusap nila kanina, kaya kung makita ninyo ang babaeng to ay ipag alam na kaagad sa mga pulis dahil nagpapanggap lang yan bilang isang tao at pag nakaramdam na siya ng gutom ay ikaw ang magiging ulam niya. Sa ngayon, hanggang jan na muna at i a-update ko kayo sa susunod pag may nakuhang balita na patungkol sa aswang.
-BRIGADA.
Agad kong nabitawan ang dyaryong hawak ko, kaya pala wala nang ni'isang tao dito sa bahay dahil natatakot sila sakin.
Agad akong naiyak .
Humagulhol ako ng iyak dahil heto nanaman ako. Nag iisa at walang ni'isang tao ang malalapitan.
Hanggang sa may biglang nagbukas ng pinto na ikinagulat ko.
"Ak-Akhiro..." pagtawag ko sa knya ng may pag aalinlangan.
"Ohh? Gising kana pala mahal." ika niya.
Agad akong nagtaka, at the same time ay napangiti at agarang tumayo, tumakbo ako papalapit kay Akihiro at doon ko siya niyakap ng mahigpit.
"Akihiro..."
"O'bat umiyak ang mahal ko?" tanong niya.
Natuwa ako sa reaksyon niya. Kaya hindi ko mapigilan ang humagulhol ng iyak.
"Okay lang yan..(sabay tingin sa dyaryong nasa sahig) nabasa mo na pala ang balita." sabi niya.
Tumango lang ako at umiyak ng umiyak habang niyakap ko si Akihiro.
"Wag ka mag alala, hindi kita isusumbong." dagdag pa niya.
Agad na lumaki ang mga mata ko sa narinig ko, at humiwalay ako sa kakayakap sa kanya at tumingin ako sa mga mata nya tsaka ako nagtanong.
"Teka, Hindi kaba natatakot sakin?" tanong ko.
Ngumiti naman siya at sumagot.
"Mukha ba akong takot?" sabi niya.
"Pero..."
Napangiti ako at yumakap, niyakap nya rin ako pabalik at nagsalita.
"Palagi akong nasa tabi mo, pangako." sabi niya.
Tumingin ako ulit sa mga mata niya at ngumiti, hinalikan ko ang labi niya at pilit kong pinigilan na magsilabasan ang mga luha ko.
"Kaya ikaw, magpapakabait ka sakin ha?" dagdag pa niya.
Tumango ako at ngumiti.
"By the way, Umuwi si Uncle sa Lola ko sa Laguna. May sakit kasi eh si Uncle nalang ang natitirang mag aalaga kay Lola. Alam mo naman ang nangyari kay Dad." sabi niya.
Ngumiti lang ako habang nakatitig sa mga mata ni akio.
"Aatt...may dala akong pasalubong sayooo..." palambing niyang sabi.
Doon ay may inabot siyang isang plastic at nang mabuksan ko ang plastic ay agad akong natawa, dahil ang laman nun ay karne ng manok at mga atay.
"Mahal ,eh kasi, di ako kumakain nyan." pagtataray ko pa.
Agad naman niya akong tinawanan at nagsalita.
"Edi sorry, wala akong Isang milyon para ipambili ng parte ng tao, pero pag nagpadala na si Mom ng allowance ko, promise ibibili kita, but for now.. wag ka muna magpili ." pagbibiro pa niya.
Agad na nawala ang lungkot ko sa mukha, at niyakap ko nanaman siya ulit at hinalikan sa labi.
"It's okay mahal... Bibili nalang tayo ng isang kakutak na kape. Yun lang kasi ang pwede kong inumin." sabi ko pa.
"Pero, wala kang vitamins na makukuha." sagot niya.
"Lagyan mo nalang kahit isang kutsara lang ng dug0 mo." nakangiting sabi ko.
Ngumiti rin naman siya at sumagot.
"Well, di na masama, pero isa lang sa isang araw ha?" ika pa niya.
Natawa ako sa sinabi niya. Akala siguro nito isang araw lang ako kakain.
"Mahal, kagaya mo po ay tatlong beses rin akong kumain sa isang araw." sabi ko.
"Pero di kanaman kakain ehh, iinom lang." sagot nya.
Medyo timang rin ang taong to, pero okay na keysa naman walang laman ang tyan ko.
Pagkatapos namin mag usap ay agad niyang niluto ang dala niyang karne ng manok at mga atay. pagkatapos niyang lutuin yun ay nagpunta siya sa kusina kaya sinundan ko. Kumuha siya ng plato at hinain sa lamesa ang ulam tsaka siya kumuha ng kanin at umupo. Masaya siyang kumakain habang ako ay nakatitig lang sa kanya.
"Mahal, nagugutom ako.." paglalambing ko sa kanya.
Tinawanan nya ako at inabutan ng atay ng manok sabay sabing...
"Saayy Ahhh!..." ika nya.
Agad ko siyang tinarayan, di ko alam kung may sira ba'to sa utak, kakasabi ko lang na hindi ako kumakain ng mga ganyan ehh.
YOU ARE READING
Her Dirty Secrets
RomanceTITLE: Her dirty Secrets Genre: Romance| R-18 | SPG Content🔞 Author: Mitchaanngg -------------------------------------- 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: This story have an SPG CONTENT ARRIVED and it's not suitable for any young reader's below 18. 🔞 Read at your o...