THE SCIENTIST

322 2 2
                                    

"Ano na Chito?... Bat di ka masapagsalita?... Masyado bang masakit ang pagkakatusok ko sayo ng spear ha?" ika pa ni Akihiro.

Ngumiti lang ako at hindi nagpahalata na sobrang nasaktan ako sa sugat na natamo sa katawan.

"Swerte kalang, dalawa kayo." sagot ko pa kay Akihiro habang yung admiral nila ay nakatingin sakin habang tinutukan ako ng spear, wala akong kawala dito at na corner ako.

"Hahaha, bat kasi di nalang kayo mamatay at maubos? Nang wala nang problema." sabi niya at kinamot ang likod.

"Anong gagawin natin sa kanya, admiral?" dagdag pa niya sabay kamot sa likod.

Agad namang ngumiti ang admiral sabay taas ng spear at ipapalo sana niya sa ulo ko nang biglang may sumabog sa likod ni Akihiro, dahilan para magsilabasan ang mga dug0 niya.

"Aaaahhh!!..." sigaw niya sa sakit.

Tiningnan ko ang dugo at nagulat ako nang malaman kong kay Stella yun.

"P-paano nakapasok ang dugo niya sa loob e'hinarangan naman ng metal ang buong paligid?" tanong ko sa isip.

***MARK's POV.***

Habang tumatakbo ako ay agad akong napahinto nang biglang sumalubong sa harapan ko ang tatlong detective na kinuhaan namin ng pera noon at si Celesti pa ang pain na ginamit namin.

"Ohh... Pag sinu swerte ka nga naman..." sabi ng isang lalaki.

Agad na nanlaki ang aking mga mata, tatlo sila, isa lang ako.

"Kamusta? Long time no see." dagdag pa ng isa pa niyang kasama.

"Ito, nangungulila parin sa dugo." pakalmang sabi ko.

Agad namang natawa ang lalaki at sumagot.

"Gusto mo ba ng dugo ko? Halika ka at lumuhod ka sa harap ko." nakangiting sabi nito.

Napansin ko ring may dala silang sandata, isang sword na gawa sa quinque. Parang pinag handaan nila talaga kami.

Agad ko dinikit ang dalawang hinlalaki kong kamay at doon ay tumaas ang pangil ko at dila, kasabay nun ay tumaas rin ang mga kuku ko at nagiging kulay pula ang dalawa kong mata.

"Sumugod kayo, anytime!.." sabi ko at hinanda ang mga matutulis kong mga kuko.

***CELESTI's POV.***

Nandito kami sa loob ng isang room, kung saan may mga damit nila pampatulog. I think nasa kwarto kami ng isang soldiers dahil sa kama niyang may mga damit pang hindi naibalik sa aparador.

"Ano Randie, kaya mo nabang depensahan ang sarili mo?" tanong ko sa dambuhalang lalaki.

"Sorry Celesti, pero hindi ko pa kaya at ang mga chakra ko ay hindi pa mapakali." sagot niya.

Wala kaming choice kundi ang magpahinga pa dito sa kwarto.

***CHITO's POV.***

Agad na nakuha ang atensyon ng admiral kay akihiro kaya kinuha ko ang chansang yun at agad akong tumayo at tumalon ng mga sampung hakbang palayo sa kanilang dalawa.

"Aahhh!!.. Fuck!... Sino ang may gawa nito!.." sigaw ni Akihiro.

Agad namang lumapit ang admiral sa kanya at doon ay pinunit niya ang damit ni Akihiro at hinarang sa likod dahil may malaking pasa.

Tiningnan ko ulit ang dugo, at nagulat talaga ako dahil totoong dugo yun ni Stella.

"Ano bayan Chito!... Bakit ka sugatan!.." sigaw ng babae sa likod nila Akihiro.

Agad kung tiningnan ang nagsalita at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Stella na pumasok sa loob.

"H-hoy!... Bakit ka pumasok sa loob!.. Kabilin bilinan lang ni Richard na huwag kang papasok at sa labas kalang!.." sigaw ko sa kanya at nagulat nalang ako nang may dalawa pang mage na kagaya niya ang tumambad sa kikod habang dala dala ang pitong ulo ng mga baguhang detective.

"You know what Chito mas nakakatakot sa labas keysa sa loob?" sabi niya at nagsalita pa.

"bakit?!" pasigaw kong tanong.

"it's because may limpak limpak na detective ang nakapalibot sa labas at naghihintay kung kailan kayo matatapos dito, kung hindi ako papasok sa loob ay malamang patay na kami dahil sa dami nila no!.." panermon pa ni Stella sakin.

May point din naman siya, dahil kung hindi sila dumating ay baka patay na ako ngayon dahil sa spear ng admiral.

"Ganun ba, bahala ka." sagot ko at ngumiti.

Ngumiti rin silang tatlo at doon ay sabay silang umatake sa admiral, ako naman ay naka focus kay Akihiro dahil parihas kaming dalawang sugatan.

***RICHARD's POV.***

Nandito ako ngayon sa lab, ewan ko ba pero hanggang ngayon ay pinag experimentohan parin nila ang katawan ng mga ghouls.

Tumingin tingin ako sa paligid at napakaraming mga ghoul ang nakasabit sa mga dingding.

lalapitan ko sana ang isa sa mga experiment body nang biglang may isang galamay ng octopus ang tumama sa balikat ko. Dahilan para matumba ako sa lakas ng pagkapalo nito sa likod ko.

"Aahhh!.." sigaw ko at agad na pinalibutan ang beywang ko ng isang galamay at doon ay tinapon ako sa dingding.

"Ahhh!..fuck!.." sigaw ko pa kasabay nun ay pinalabas ko ang walong galamay ng gagamba sa likod ko, nagiging kulay pula ang mata ko, humaba ang kuko at pangil ko at doon ay nagsalita ang lalaki.

"Long time No See, Richard." nakangiting sabi nito.

Agad ko siyang tiningnan at tinitigan, agad na lumaki ang mga mata ko nang makita ko si Doc. Wilfredo, Siya yung baliw na scientist na nakaimbento ng spear na may quinque ng ghoul sa itaas.

Dahil sa spear na yan ay nawalang saysay ang pagiging ghoul hunter ko, at napagpasyahan ng gobyerno na ang mga detective na ang bagong mag ha-hunting ng mga ghoul at ang mga dating ghoul hunter na may dug0 ng ghoul ay papatayin.

"Oo nga Doc, long time no see... Kung hindi nyo ninakaw ang importanteng babae ay hindi pa tayo magkikita." sabi ko.

Ngumiti siya at sumagot.

"Haha tama ka Richard, nakakalungkot mang isipin na kailangan pa naming nakawin ang babaeng yun para lang mapatay namin kayong mga ghouls." sabi niya.

"Aysuss!.. Wag kanang mag maang maangan pa doc, talagang kailangan ninyo ng bihag dahil kailan man ay hinding hindi ninyo kaya kaming patayin ng walang pandaraya."

A/N: Ngayon na lang ulit nakapag update dito sa HDS😁 masyadong busy.. 😍 bawi ako🥺

Her Dirty SecretsWhere stories live. Discover now