FAIRY BLOOD

233 1 0
                                    

Nang matapos na akong kumain ay agad niyang pinusasan ang isa kong kamay sa electric chair at doon ay naiwan nanaman akong mag isa sa kwarto habang nakaupo lang at walang ginagawa.

***RICHARD'S POV***

Its been 3 hours nang matapos kami sa paghahanda ng mga gamit namin.

"Alas kwatro  na ng hapon, anong susunod nating gawin?" tanong ni Randie.

"Yung quinque mo, paano mo yun gagamitin?" tanong ko sakanya.

"Simple lang, diba ako ang tank? Edi palilibutan ko ang buo kong katawan ng quinqie since napakatigas ng mga quinque, gagamitin ko yun bilang armor at gagawa ako ng shield sa pamamagitan ng quinque. Pero wag kayong mag expect na sasali ako sa pat*yan dahil more on defense lang ako kung sakaling may mangyare sa inyo." sagot naman niya.

"Good plan Randie, aasahan ko yan." sagot ko naman.

"Im done!..." sigaw ni Stella.

"Anong plano mo Stella ?" tanong ni Mark.

"Simple lang, ako ang mage dito sa team kaya dapat nasa likod ninyo ako. Gagawa ako ng small version ni Celesti, and papapasukin ko sa loob. And once i already enter ay agad ko itong pasasabugin. Parang bomb lang. Pero bago ko pasabugin ay malamang hahanap muna ako ng impormasyon." ika pa niya.

"Okay, goods yan." kunting sagot ni Mark.

"Ikaw? Anong plano mo mamaya?" tanong ni Stella.

"Since isa akong fighter, pagkatapos pasabugin ni Randie ang pintuan ay papasok agad ako sa loob dahil hindi naman ako kagaya mo na pwedeng pumatay kahit nasa malayo lang." sagot naman ni Mark.

"Pero paano mo gagamitin ang quinque mo?" tanong nito.

"Gagawa ako ng double swords sapamamagitan ng dug0 na may quinque at gagamitin ko yun bilang sandata." sagot naman niya.

Dahil dun ay agad silang nagsingitian.

"Parang fully prepared kayo ahh!.." sigaw ko.

Nag thumbs up lang silang dalawa at nagpatuloy sa pag prepare para sa darating na digmaan between ghouls and detectives.

***CELESTI' s POV***

Ang boring talaga dito sa loob.  maya maya lang ay gagabi na. Ang bilis tumakbo ng oras. kailan ba kasi magkikita sila detective at Richard? Para makatakas na ako sa boring na kwartong to.

Habang nag munimuni ako ay biglang pumasok si Akihiro na ipinagtataka ko.

"Ito, kumain ka ng dinner." sabi niya sabay abot sa isang kamay at isang baso ng dug0.

"tss,."

Di ko alam kung mainit lang ba ang ulo niya o sadyang galit lang siya sa mga ghoul dahil sumagot siya ng pasigaw.

"Kunin mo nalang!.. Buwesit !.." pabiglang sigaw niya sakin.

Agad akong nabigla kaya kinuha ko nalang at kinain, pagkatapos kung kumain ay ininom ko yung dugo sa baso at nagtira ng kunti.

Kinuha naman nya yun at umalis sa kwarto.

Kaya nang makaalis na siya at agad kong pinitik ang dalawang daliri ko na nilagyan ko pa ng chakra at doon ay ginawa kong maliit na fiary yung dugong natira. Kasing liit lang ng lamok para hindi halata.

Tsaka ako nag ibang anyo at nagiging kulay pula ang mga mata ko, nagiging matulis ang kuku, dila, at nagkaroon ako ng mahabang pangil. Doon ko na pinagdikit ang dila at ngipin ko tsaka ko kinausap sa isip ang fairy na gawa sa dugo at chakra.

"Nanjan kaba?" sabi ko sa isip.

"Oo, anong maipaglilingkod ko?" tanong niya sakin.

"Sumama ka kay Akihiro at mag tago ka sa damit nya dahil kailangan kong malaman ang mga nangyayare jan sa labas." sagot ko.

"Masusunod." sabi niya.

Nakikipag usap lang ako sa kanya gamit ang isipan ko, hanggang sa nalaman ko na kaya pala siya galit dahil hindi sinipot nila Richard ang mga detective.

"Anong oras ba sila dapat mag kita?" tanong ko sa fairy blood.

"Di ko po alam, wala namang sinabi ehh.." sagot niya sakin.

Nagpatuloy ang pag iimbestiga ni fairy blood sa loob at nag rereport siya sakin.

Hanggang sa alas otso na ng gabi, ang sabi sakin ni fairy blood ay tinatawagan daw ng head nila sa pangalawang beses sila Richard at doon ay hindi alam ni fairy blood ang pinag uusapan nila at aakmang magrereport nanaman sakin ng bigla siyang sumabog. I think nahuli siya kaya pinasabog at doon na naputol ang koneksyon namin, bumalik narin ako sa dati kong anyo.

***RICHARD's POV***

"Galit na galit si Akihiro." sabi ko. Sabay baba ng phone dahil tumawag nanaman sila sa pangalawang pagkakataon.

"What a crazy man, gusto nya makipag kita pero wala namang sinabing anong oras." sagot pa ni Stella.

"Kahit sabihin pa nila ang oras, yung plano parin ang susundin natin." sagot pa ni Mark.

"Oo, 1AM ng hating gabi, tsaka alas otso na ngayon. Kunting oras nalang." sagot naman ni Chito.

Habang nag uusap kami ay hindi maalis sa isip ko ang kalagayan ni Celesti, bat ba kasi ang dali nyang maakit sa mga gwapo jusko, ayan tuloy nagiging pain nanaman.

Napakadami ng iniisip ko, pero may alam naman ni Celesti kung paano gamitin ang quinque, sana gagamitin nya yun bilang panangga habang wala pa kami kung sakaling may gagawin sila Akihiro sa kanya.

Habang tumatakbo ang oras ay mas lalo akong kinabahan, gumagamit ng scientific weapons yung mga detective na may halong quinque ng ghoul kaya mas lalong malakas ang pwersa nila ngayon keysa noong kapanahunan ko pa.

Pero ang lamang lang namin ay bukod sa quinque namin, may mga mahahabang kuko din kami kung sakaling magiging hand to hand battles ang labanan, may matulis din na pangil, yan ang ginamit namin pangbutas sa katawan ng tao para makasipsip ng dugo, pwede rin yan gawing sandata. At ang huli, may kanya kanya kaming pamamaraan sa pag gamit ng quinque, sakin ay mga galamay ng gagamba, kay Stella at sa dalawang kasama niya ay kaya nilang mag control ng dugo at e form sa kung anong gusto nila basta haluan ng chakra ang quinque. Si Randie ay binalot niya ang kanyang sarili ng quinque para magiging matigas. Si Chito ay pakpak, kaya niyang lumipad at ang mga balahibo ng pakpak na yun ay napakatigas, pwedeng gawing machine gun. Kay Mark naman ay kaya nyang gawing armas ang lahat ng mahahawakan niya sa pamamagitan ng paghahalo sa quinque. Pwede syang gumawa ng dalawang swords.

Napakadami kong iniisip, hindi ko namalayan na alas 12 na ng hating gabi. Nalaman ko lang dahil lumapit sakin si Mark.

"Richard, maghanda na tayo 12MidNight na." sabi niya.

Her Dirty SecretsWhere stories live. Discover now