"Aysuss!.. Wag kanang mag maang maangan pa doc, talagang kailangan ninyo ng bihag dahil kailan man ay hinding hindi ninyo kaya kaming patayin ng walang pandaraya." natatawang sabi ko.
Dahil sa sinabi ko ay agad na nagalit si doc. Wilfredo at sinugod ako ng mga galamay niyang kasing haba ng mga poste.
Pilit ko itong iniwasan at the same time ay umatake, lumapit ako sa kanya at ang mga galamay ko ang nag silbing sandata.
Pero napakalakas niya, dahil si ito ay isang half human and half ghoul, pero ang pagkakaiba lang namin ay hindi siya umiinom ng dug0, parang nilagay lang niya ang galamay ng ghoul sa likod niya kaya tao parin siya tingnan kahit naka activate yung quinque. In short, siya ang hyrid sa lahat ng tao na pinag eksperimentuhan.
**MARK's POV.***
Habang nakikipag laban ako sa tatlong detective ay mas lalo akong nalulugi sa sitwasyon. Dahil tatlo silang aatake sakin habang ako ay nag iisa lang.
"Ano!? Okay kapa!?" sigaw ng isang detective.
Nabubwiset ako, dahil ang mission ko sa grupo namin ay patayin ang mga nag monitor ng mga metal na pinto, camera, at kung ano ano pang mga device sa monitor area, pero nandito ako sa isang lugar kung saan napakalayo pa sa monitor area.
Sana okay lang sila sa labas since sila ang natira doon.
Habang nag iisip ako ay hindi ko nakita na umatake na pala ang isang detective at agad niya akong natamaan ng isang sword na may halong quinque at doon ay tumama sa balikat ko.
"Aahhh!!.." sigaw ko pa sabay kuha sa spada at tinapon. Kasabay nun ay agad akong lumipad at ang mga balahibo sa mga pakpak ko ay pinapalipad ko at pinapatama sa kanilang tatlo.
***CELESTI's POV.***
Ilang minuto na ang nakalipas, at nandito parin kami sa loob ng kwarto. Pinahiga ko si Randie at agad naman siyang nakatulog.
Na'aawa ako sa kanya, dahil sakin ay sugatan siya. Pero hindi ko rin siya masisisi dahil kunti nalang kaming mga ghoul sa mundo. Kaya kahit na anong mangyare ay kami kami lang din ang mag tutulungan.
Tsaka may utang na loob rin naman sila sakin, dahil dinamay nila ako sa kagagawan nila. Ginawa nila akong pain kaya nalaman tuloy ng mga detective na isa akong ghoul imbes na malaya akong maglakad lakad.
Habang nagpapahinga kami ay may isang sandalo ang tumakbo at pumasok sa kwarto na ipinagtaka ko.
"Waaahh!..." sigaw ko sa gulat.
Agad namang nagising si Randie sa sigaw ko kaya agad siyang tumayo kahit hindi masyadong maayos ang pakiramdam niya.
"W-w-waaahhh!!..." sigaw pabalik ng sundalo.
Bigla akong nagulat sa reaksyon ng sundalo, parang takot na takot siya, kaya tinanong ko si Richard.
"Teka,Bakit sya sumigaw?" sabi ko.
Agad namang tinitigan ni Randie ang sundalo at base sa hitsura nito ay takot na takot ang sundalo kaya nagsalita na ito.
"Hoy!.. Ikaw!.. Ngayon mo lang ba kami nakita?" tanong ko.
Agad namang tumango ang sundalo at nagsalita.
"O-o-Oo!.. G-ganyan pala an..ang itsura ng mga b-bampira!.." nauutal na sabi niya sabay tingin kay randie.
Bigla akong natawa, napakapula nga pala ng mga mata nito at napakatulis ng mga kuku, may pangil at mga basag na armor na gawa sa quinque ang nakapalibot sa katawan.
"I see, tinago pala ng gobyerno sa inyo ang tunay na pagkatao namin at tinago din pala nila na may mag e-exist na mga kauri ko. Pero bago kayo sumabak dito, di ba sinabi ng head ninyo na hindi kami bampira?" tanong ni Randie.
Dahil sa sinabi niya ay mas lalong natakot ang sundalo.
"H-ha?.. H-hindi k-kayo... B-bampira?.." nauutal na sabi niya.
Agad akong huminga ng malalim at ako na ang sumagot.
"Isa kaming ghoul, at ang tanging pwede lang namin kainin ay mga tao, at hindi kami umiinom ng tubig. Dug0 ang iniinom namin." sagot ko.
Sa narinig ng sundalo ay mas lalo siyang kinakabahan, mas lalong nanginginig at pinagpapawisan habang nakatingin sa kanya.
Aakmang lalapitan sana niya ang sundalo nang biglang nahimatay ito.
"Jusko ! anong ginagawa mo." tanong ko.
Agad namang napakamot sa noo si Richard at sumagot.
"Aba malay ko, lalapit lang sana ako dahil kukunin ko ang radio phone niya." sagot nito.
Napailing ako at sumagot.
"Sana nagpaalam ka, ayan tuloy nahimatay sa takot." sabi ko.
Tinawanan lang nya ito at kinuha ang radio phone, doon ay nakikinig kami sa mga plano nila.
Nalaman namin na napakaraming sundalo sa labas, pinapalibutan ang hideout.
"Mukhang nabigo si Mark..." sabi ni randie.
"Ha?.. Nabigo?.. Bakit?.." tanong ko
"Siya kasi ang inutusan ni Richard na sirain ang monitor area, pero feeling ko hindi niya nasira dahil nalaman rin ng gobyerno na nandito tayo kaya siya nagpalada ng napakaraming sundalo." sagot nito.
***MARK's POV.***
Habang nakikipag laban ako sa tatlong detectives, napansin kong mas dumami nga sila. I feel sorry for eveyone. Dahil na mission failed ako. Hindi ko nagawa ang pinapagawa ni Richard.
"Paano ba kasi, tatlong detective na may espada na gawa sa ghoul ang kaharap ko." reklamo ko sa isip.
Agad akong sinugod ng tatlong detectives at pilit akong kumawala sa mga atake nila pero sa hindi inaasahan, nasugatan parin ako at naghihirap.
Aakmang lilipad ako nang bigla akong sinaksak sa paa ng isang detective.
"Hahaha, nice try..." natatawang sabi niya.
Doon ay nagsilabasan ang mga dug0 ko sa paa.
"Hahaha tanga ka.." hinang sabi ko.
Agad namang nagulat ang isang detective dahil kumalat na sa kamay niya ang mga dug0 ko kaya agad ko itong kinuntrol at ginawang javelin.
Agad namang kumawala ang detective at lumayo pero bago pa siya nakalayo ay agad kong kinuha ang spada na gawa sa dug0 ko at nilagyan ko ng chakra, pagkatapos nun ay pinana ko siya gamit ang javelin at tumama ito sa likod, tumagos sa harap at natamaan ang pus0.
Tsaka siya nahiga at hindi na gumalaw.
"Sabi sayo eh, tanga ka." dagdag ko pa.
"Di'nyo ba alam na nakokontrol namin ang mga dug0?" tanong ko.
Agad namang natawa ang isa pang detective at sumagot.
"Syempre alam namin, careless lang ang isang yan kaya nararapat yan sa kanya." sagot niya.
❖ Nagustohan mo ba ang kwento? Kung oo ay gusto ko sanang manghingi ng sampung segundo (10seconds) para e click ang Share,Vote and mag iwan kana rin ng comments para naman kung may mali ako ay malalaman ko😊 syempre follow na din , para ma update kayo sa next chapter ng story.
YOU ARE READING
Her Dirty Secrets
RomanceTITLE: Her dirty Secrets Genre: Romance| R-18 | SPG Content🔞 Author: Mitchaanngg -------------------------------------- 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: This story have an SPG CONTENT ARRIVED and it's not suitable for any young reader's below 18. 🔞 Read at your o...