"S-sino.. A-ang.. L-lalaking... Y-yan?" sabi ko.
Agad namang sumagot ang lalaki sakin.
"Hahaha, ako lang naman ang admiral... Ako ang pinakamataas sa lahat ng taong pinatay ninyo." sabi niya.
"Inshort, ako ang boss nila." dagdag pa niya at agad akong sinugod.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nagulat nalang ako nang bigla siyang napunta sa harap ko at nakahawak sa aking leeg. Hindi ko namalayan na gumalaw na pala siya dahil sa bilis ng kanyang kilos.
"Hahaha! Nagulat ka no?" sabi niya.
Gusto ko mang sumagot pero hindi ako makapagsalita dahil nahihirapan akong huminga.
Napansin kong may isang pusang quinque ang palapit at aakmang aatakehin yung admiral pero bigla siyang nakailag.
Dahil dun ay nagtataka na talaga ako, dahil sa bilis ng kilos niya. Hinding hindi yun magagawa ng isang normal na tao.
Kaya agad kong dinikit ang dalawa kong hinlalaki at bumuo ulit ng isang small version ni Akihiro.
"Quinny! Atakehin mo siya!." pag uutos ko.
Agad naman niya itong inatake, pero habang umatake si quinny ay palaging nakakailag ang admiral. At ganun rin ang nangyare sa tuwing umaatake ang dalawang babae, sabay sabay naming inatake pero malaya itong nakailag.
Hanggang sa napansin kong may kulay pula sa sapatos niya.
"Quinny, atakehin mo nga sya sa paa." sambit ko sa isip.
Agad naman niya itong inatake at doon ko nakita ang nasa ilalim ng sapatos niya.
"Tigil!.." sigaw ko sa dalawang mage at pinatigil nila sa kakaatake ang mga quinque nila.
"Bakit?.." tanong ng isang babae.
"May quinque sa ilalim ng sapatos niya. Kaya nag aksaya lang kayo ng chakra." sabi ko.
Nagulat rin silang dalawa sa sinabi ko.
"Hahaha! Napansin mo rin!." sabi ng admiral.
Natatawa ang admiral at nagpaliwanag.
"Since nalaman na ninyo ang sekreto ko, let me tell you na ang quinqueng yan ay isang sprint." sabi niya.
Agad akong nagulat sa sinabi niya. Di ko alam na may ganung quinque pala.
"Nakuha namin yan noong 1630's at pinag aralan. Tsaka gumawa kami paraan para magamit, at salamat sa quinqueng to. Dahil kaya na naming makipagsabayan sa inyo." sabi niya.
Dahil dun ay nainis ako...
"Kaya wala kayong laban sakin at hinding hindi ninyo ako matatalo." dagdag pa ng admiral at sa hindi inaasahan ay bigla siyang napunta sa harapan ko nang hindi ko namamalayan at hinawakan ang leeg ko, para siyang nag dash papunta sakin.
"Aaahh!!.." sigaw ko pa.
Agad naman akong tinulungan ng dalawang mage at pinaatake nila ang kanilang quinque pero naulit nanaman ang nangyare kanina. Dahil hinawakan lang niya ito sa ulo at pinisa paisa isa. Doon ko nakita na may pula sa gloves niya.
"M-m-may... Q-quin... Q-que... Sa.. K-kamay mo.." nauutal kong sabi at pilit na huminga.
"Hahaha!.. Nakita mo nanaman!.." sagot niya.
"Well, since malapit kanang mamatay. Sasabihin ko sayo ang sekreto ko.." sabi niya.
Huminga siya ng malalim at nag kwento.
"Ang lahat ng sout ko ay isang combat suit set, ibig sabihin, lahat ng nasa katawan ko ay may mga quinque, naimbento ito ng mga scientist noong kapanahunan ni Richard. Noon kasi ay ginamit ng gobyerno ang mga half human at half ghoul para manghunting ng mga ghouls. Pero habang tumatagal ay nadiskobrehan nila ang mga uri ng quinque at ginamit namin ang mga quinqueng yun para ilagay sa mga sout namin. Pero tanging mga high ranked lang ang pinapayagan na magsuot ng mga ganito. At doon na nawalan ng saysay ang mga ghoul hunter. Wala na silang kwenta para samin at binilang na namin sila sa mga ghoul na dapat patayin." pagpaliwanag pa niya.
Sa sinabi niya ay mas lalong nagalit si Richard at pilit na tumayo pero hindi niya magawa.
"Hahaha, bat kasi di nalang kayo mamatay?" tanong ng admiral
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, tumingin ako sa dalawang mage at sinubukan nilang gumawa ng hayop gamit ang dug0 pero hindi nila magawa dahil nauubos na ang lakas nila.
Hanggang sa unti unti na'rin akong nawalan ng lakas at nandidilim na ang aking paningin.
Hinayaan ko nalang ang admiral kung ano ang gagawin niya sakin, dahil hindi ko na kaya.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at doon ay nabigla nalang ako nang bigla akong binitawan ng admiral, kaya agad kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni admiral na nagugulat.
Di ko alam kung ano ang nangyare sa kanya pero nakahawak ito sa batok nya na ipinagtaka ko.
"C-chance... M-mo na.. Ce-Celesti!.." mahinang sigaw ni Stella dahil nag aagaw buhay rin siya.
Nakita kong nakadikit ang dalawang hinlalaki ni Stella kaya agad kong binalik ang tingin ko sa admiral at doon ay nakita ko ang isang maliit na lamok ang gawa sa dug0. At bigla itong sumabog.
Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Stella pero ang masasabi ko lang ay gumawa siya ng paraan para matulongan ako.
Kaya hindi ako nag dadalawang isip at ang mga napakadaming dug0 na nagkalat sa paligid ay tinipon tipon ko at nagulat ako sa nabuo ko, dahil kasing laki ito ni albert noong nagiging aggressive pa siya.
"Sugooddd!!..." sigaw ko pa sa halimaw na nabuo ko.
Napansin kong napansin rin ng admiral na may halimaw na aatake sa kanya kaya agad ko siyang hinawakan at doon ay dumuble ang bigat niya. Dahilan para hindi siya makailag sa atake ng halimaw na nagawa ko at doon ay nagtagisan sila ng lakas.
Agad akong tumilapon sa lakas nilang dalawa at bumangga sa pader ang ulo ko, dahilan para lumabas ang mga dug0 ko sa ulo.
"Kyaaahhh!!...." sigaw ng admiral at pilit na pinigilan ang atake ng halimaw na gawa sa dug0.
Wala na akong ibang magawa dahil binuhos ko sa halimaw na yun ang buong lakas ko at ang natitirang chakra ko sa katawan.
"Kyaaahhh!!.. Mamatayy kanaaa!..." sigaw ng admiral at doon ay nagulat ako sa resulta, dahil ang halimaw na ginawa ko gamit ang buo kong chakra ay biglang sumabog yung dalawang kamay.
"Bwesitt kaaa!!.." dagdag pa ng admiral at sinuntok ang halimaw sa mukha. Dahilan para sumabog ang ulo ng halimaw.
Nagulat ako sa nakita ko, dahil hindi pa sapat ang kakayahan ng halimaw na ginawa ko. Pati narin sila Rhandie at Stella ay nagulat rin.
Sa galit ng admiral ay agad niyang sinugod ang dalawang mage at doon ay sinuntok paisa isa, tumilapon silang dalawa at nawalan ng malay.
Hindi ko lubos maisip na ganito pala kalakas ang boss nila.
Tiningnan ko ang admiral at dahan dahan siyang naglalakad papunta sa kinaruruonan ko na hingal na hingal.
To Be Continue...
━━━━━━━━━━──────────
A/N: Stop ko po muna yung pagsulat sa 'Doctor Romance' Tapusin ko lang po muna ito🤭
YOU ARE READING
Her Dirty Secrets
RomanceTITLE: Her dirty Secrets Genre: Romance| R-18 | SPG Content🔞 Author: Mitchaanngg -------------------------------------- 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: This story have an SPG CONTENT ARRIVED and it's not suitable for any young reader's below 18. 🔞 Read at your o...