SPEARS

236 2 0
                                    

Dahil dun ay agad na napikon ang admiral at sumugod samin habang dala dala niya ang spear niyang gawa sa quinque ng ghoul.

Dali dali akong umatras at si Chito naman ay sinugatan ang kamay, doon ay nagsilabasan ang mga dugo niya at nagiging sword ito, yun ang ginamit niyang panangga sa spear ng admiral.

"KYAAAHHH!!...." sigaw nila pareho at nag tagisan ng lakas.

Ginamit ko ang pagkakataon na'yun para umalis at hahanapin si Celesti nang biglang tumalon si akihiro sa harapan ko.

"San ka pupunta?" tanong ni Akihiro.

Natawa ako at sumagot.

"Saan pa? Edi hahanapin ko ang nawawala mong asawa." sagot ko.

Agad namang nagalit si akihiro sa sinabi ko kaya sinugod niya ako.

"Kyaaahh!..." sigaw niya sabay tusok sa spear.

Agad ko namang nilabas ang walong galamay ko sa likod gamit ang quinque, at yung galamay ang nag silbing depensa sa mga atake ni Akihiro.

"Oww? Anong magagawa mo?" tanong ko.

"Sa tingin mo may laban ka sakin? Hapon!" Dagdag ko pa.

Tumingin ako sa gilid at nakita ko si Chito na nag ibang anyo, ganun rin ako. Once kasi na lumabas ang quinque namin ay mag iibang anyo kami.

"At bakit naman wala?" sagot ni Akihiro.

Natatawa ako sa batang to.

"Isang spear laban sa walong galamay na kasing haba ng spada mo? Nagpapatawa kaba?" sabi ko at nilapit ko sa mukha niya ang dalawa kong kamay habang siya naman ay nakipag tagisan sa mga galamay ko sa likod gamit ang dalawang kamay niya na nakahawak sa spear.

"Kita mo tong kamay ko?.. Malaya sila diba?... Ibig sabihin, habang nakikipagtagisan ka sa mga gamalay ko, malaya akong patayin ka ng isang segundo sa pamamagitan ng pagtusok ko sa mga kuku ko sa katawan mo.." sabi ko.

Nainis si Akihiro sa sinabi ko, kaya agad siyang lumayo sakin.

"Ganyan nga... Good boy." sabi ko at ngumiti, umalis ako sa lugar na yun at nagpatuloy sa pag hanap kay Celesti.

Hindi ko muna tinapos si Akihiro dahil pag hindi ko nahanap si Celesti dito sa headquarters, itu-tirture siya para paaminin kong saan man nila siya dinala.

***CHITO's POV.***

Agad akong napaatras, buwiset na lalaking yun, iniwan ako mag isa...

"Pano bayan, dalawa na kami." sabi ng admiral at ngumiti.

Hindi ako natutuwa, dahil bukod sa napakalakas nila at highly trained pa ay may mga ghoul's weapon pa.

"Huwag na madaming salita at lumusob na kayo sakin kung talagang matapang kayo!.." sabi ko at agad namang sumugod silang dalawa sakin ng sabay sabay.

*CELESTI's POV.***

Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto, kasama ko ang tank nila.

"What's yout name again?" tanong ko sa kanya, kung babalikan natin ang nakaraan, siya yung bumuhat sakin palayo noong ginawa akong pain ni Richard para makuha niya ang pera.

"Rand... Randie..." kunting sagot niya.

"Ahh... Eh..salamat." sabi ko.

Tumango lang siya habang hawak hawak ang balikat niya, nabasag kasi yun quinque'ng nakabalot sa katawan niya habang sinubukan niya akong iligtas.

*FLASHBACK*

"Ahhhh!!..." sigaw ng guard.

Narinig kong paunti unting lumalapit yung napakalaking lalaki dahil sa mga yapak niya.

Nakita ko rin ang mga guard na isa isa silang sumugod, pero ang ending ay natatalo sila isa isa.

Hanggang sa nakalapit narin ang lalaki sa pinto at aakmang magtatago ako nang biglang gumalaw yung buong kwarto.

Tumingin ako sa pinto at nang nilapit ko ang mukha ko sa maliit na bintana sa gitna ng pintuan ay agad akong napatakbo nang nakita ko ang isang napakalaking lalaki na pinapalibutan ang buong katawan ng quinque at papalapit siya sa sakin.

"AAHHHH!!.." sigaw ko dahil binangga niya ang pintuan.

Umalog alog yung buong dingding, ngunit hindi pa sapat para masira ang metal na nakaharang. Kaya lumayo siya ulit at tumakbo papalapit sakin, binabangga niya yung pintuan ng paulit ulit.

Wala akong magawa kundi ang lumayo at magtago sa ilalim ng table na nandoon, dahil baka tumilapon yung metal na pinto sakin habang sinubukang sirain ng lalaking yun. at baka yan pa ang dahilan kung bakit ako mamat*y.

Hanggang sa nasira niya ang pinto, at doon ay nakita ko siyang duguan, yung mga dugo niya sa balikat ay nagsilabasan.

"Kontrolin mo ang dugo mo." sabi ko.

Tumingin siya sakin at nagsalita.

"H-Hindi ko magawa, masyadong malaki ang nawalang enerhiya ko sa katawan nang binasag ko ang pinto kaya ang mga chakra ko ay hindi mapakali." sagot niya.

Wala kaming choice kundi ang pahingahin ko siya dito sa kwarto, ngunit nagulat nalang ako nang bigla siyang tumayo.

"Tara na, pansamantalang hindi ko magamit ang quinque ko, kaya gamitin mo ang sayo para pamprotekta satin." sabi niya at agad na kaming umalis sa kwartong yun.

*END OF FLASHBACK*

"Walang ano man..." sagot niya sa pasasalamat ko.

Doon ay tumakbo kami pabalik kung saan siya galing.

***CHITO's POV.***

Nakaluhod ako ngayon sa sahig at pilit na hinawakan ang beywang dahil malaki ang sugat na natamo ko laban kay Akihiro at sa admiral.

"Kaya pa?" sabi ng admiral habang nakatutok sakin ang spear na dala niya.

"Basura!.. Pweee!!.." sabi naman ni Akihiro.

Ngumiti ako at sumagot.

"Heh!.. Swerte kalang dahil dalawa kayo!.. One on one tayo akio, tingnan natin hanggang san yang kaya mo!.." paghahamon ko pa sa kanya.

Agad namang sumimangot ang mukha ni akio at aakmang tutusukin ako ng spear nang bigla siyang pinipigilan ng admiral.

"Kumalma kalang, makokontrol nila ang dug0, pag yang spear mo nakapasok sa katawan nila. Hindi mo na ulit yan magagamit." sabi ng admiral.

Dahil dun ay agad kong naalala na malakas lang sila dahil sa quinque na nasa itaas ng spear. Kung wala yun ay isa lang silang normal na tao at walang lakas.

Kung di lang sana ako iniwan ni Richard kanina ay malamang ipis lang tong Admiral sakin

"Ano na Chito?... Bat di ka masapagsalita?... Masyado bang masakit ang pagkakatusok ko sayo ng spear ha?" ika pa ni Akihiro.

Halos hindi ako makapagsalita, dahil lalong sasakit ang beywang ko pag gagalaw o kaya pag nagsasalita kaya mas pinili kong hahayaan na muna silang dadaldal. tsaka may kunting dugo sa spear ng Hapon nato, pero kulang pa para gamitin ang dug0ng yun dahil kakainin lang yun ng quinque'ng nakabalot sa spear ni akihiro pag lalagyan ko ng chakra ang dug0ng yun.

Her Dirty SecretsWhere stories live. Discover now