"Hindi mayaman ang pamilya ni Angelo. Nalugi ang kompanya ng pamilya niya dahil nalulong sa bisyo," Kae said and handed me some chips.
I wrinkled my nose and looked at her.
Hindi na bago sa lahat ang tsismis na iyon. The Dawson's empire has fallen three years ago. Kumalat ang balitang nagsisimula nang isangla ang mga ari-arian nila para lang may pambayad sa mga malalaking utang. Pati ang naipundar ng Lolo nila, napilitang magsara. But Angelo didn't manage to talk about his family's downside. Naiintindihan ko rin naman iyon dahil ang mga gano'ng bagay ay 'di na dapat isinasa-publiko.
"Okay lang ba sa iyo?"
Kumunot ang noo ko sa tanong ni Kae.
"Huh? Bakit big deal iyon?"
She smirked. "Gusto mo na no? Kilig ka na dahil napapadalas na ang pagcha-chat niyo?"
My lips twitched. Agad kong binara si Kae dahil hayan na naman siya sa pang-aasar niya. Parang chat lang naman... wala namang malisya.
"Kung sabagay... matalino talaga iyang si Dawson. Medyo... red flag nga lang kasi ayaw ngang mag-girlfriend."
"Hindi rin naman ako naghahanap ng boyfriend," I said.
Namilog ang mga mata niya. "Ayaw mo lang kasi ayaw niyang mag-girlfriend!"
Umiling ako.
My phone received another message from him. Mag-iisang buwan na pala simula noong ireto ako ni Lewis sa kanya. They were right. Totoong napapadalas na ang chat niya. Totoong walang patutunguhan ang conversation namin.
Angelo Dawson:
I'm home.
Ellisa Santiago:
Me too.
Tapos magpapaalam siyang mag-aaral muna bago matulog. Then the next morning, he will greet me again and wish for a good morning hanggang sa nakasanayan ko na iyon.
"May konting handaan sa bahay. Birthday ni Leo. Mommy invited you—"
"May kapatid ka, Lewis?" Kae was confused.
"Oo."
"How come?"
"Seryoso ka ba sa tinatanong mo?"
Nagtawanan silang dalawa kaya niligpit ko muna iyong gamit ko para makababa na kami. Dumaan kami ng block b building nang makita ko sa bandang locker si Angelo... kausap ang isang nakayukong babae. May hawak itong letter sa kamay at may paper bag.
Angelo didn't smile. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa reaction na iyon. Tinulak pa ako ni Lewis kaya napatingin sa banda namin si Angelo.
His eyes darted on me.
Napakurap-kurap ako.
Suddenly, a slow smile engraved on his lips. Nag-sitindigan iyong mga balahibo ko kasi first time kong makitang ngumiti siya ng gano'n.
"Someone confessed again," Lewis whispered.
"Rejected." Kae commented.
"Feeling ko—"
"Angelo!" Lewis shouted kaya halos masikmuraan ko na siya! The girl's eyes widened a bit kaya mas lalo siyang nahiya at kumaripas ng takbo. Nang makalapit na kami, doon ko lang napagtanto ang nangyari. He... rejected her.
Angelo barked a laugh because Lewis cracked a joke. Hindi naalis ang tingin ko sa kanya kaya nang magkasalubong ang tingin namin, his smile faded.
"Hey," he whispered.
BINABASA MO ANG
ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting Go
RomansaEllisa Santiago was skilled enough to be an artistic genius. Binabalanse niya ang kanyang pag-aaral at pagpipinta. Kahit na hindi nakikita ng mga magulang niya ang galing sa pagpipinta, nakaukit na 'yon sa puso niya dahil ito ang pinakagusto niyang...