Chapter 13

42 3 0
                                    

Angelo kissed her. 

"You still want the nachos? Pinahanda ko pa naman iyon para sa iyo..." Keiran laughed a bit. Napalingon ako sa kanya and just like that, his smile slowly faded. 

"I... want to go home."

"Umiiyak ka... talagang ipapakita mo sa kanila? Ganiyan ka ka-martyr?"

Kinapa ko ang pisngi ko. He was right. Umiyak nga ako. At talagang nakakahiya na nakita niya pa ako na ganito. Nataranta ako nang magyakapan na ang dalawa. Keiran muttered a curse and pulled me upstairs. 

"What—"

"Stay here," he said and opened the door. Agad umilaw ang kwarto niya na mas malaki kumpara kay Angelo. I panicked a bit when he closed the door. 

"What the hell are you doing?!"

"Kahit dito ka matulog, hindi malalaman ni Angelo na nandito ka." Keiran dragged the chair bago mayabang na umupo ro'n. Ako naman, sumabog ang iba't-ibang emosyon sa katawan ko kaya napaupo ako sa kama niya at nagtakip ng mukha. 

Ilang minuto niya lang akong tinitigan.

Suminghap ako at inayos ang sarili.

"Who is she?" Nanginginig pa ang boses ko. "Alam kong kilala mo siya. Pamilyar din siya sa akin dahil lock screen siya ni Angelo sa old phone niya."

Keiran's lips formed into a thin line.

"Nikki."

"Nikki..." I hate that name. Bwesit.

"Old friend of ours," suminghap siya. "Actually, ako ang dahilan kung bakit sila nagkakilala. Me and Angelo met while my father was busy with his mother's annulment. Nikki is the only daughter of Dad's comrade."

Lumunok ako.

"Close rin kayo?"

He laughed a bit."Hmmm... yeah? I think so."

"Siya ba ang dahilan kung bakit hindi kayo nagkakasundo ni Angelo?"

Humalakhak siya. Masama ko siyang tiningnan. He's a bully! Kita niyang nasasaktan na ako, tawang-tawa pa siya diyan!

"Siguro? May parte pero hindi naman iyon ang main reason ng hidwaan namin," he chuckled. "Sobrang babaw ng babae para malamatan ang pinagsamahan namin, Ellisa."

I gritted my teeth.

"At wala akong gusto kay Nikki."

May kumatok. Nagulat pa nga ako at agad na tumayo. Natatakot ako na baka makita ako ni Angelo dito sa kwarto ng kapatid niya. 

"Hindi ka nga makikita ni Angelo dito..."

"Hindi mo sure," sagot ko.

He opened the door at iniabot sa kanya ang nachos. Nakahinga ako ng maluwag nang isara niya ang pinto. Hindi ko talaga alam kung anong ginagawa ko basta umiyak lang ako nang umiyak habang kinakain ang nachos na inihanda ni Keiran para sa akin.

Hinayaan niya lang ako.

"Hey," I heard him.

Agad akong napaahon sa kama niya. Nagulantang ako nang makita ko siya. I checked myself pero may saplot pa ako. He looked offended at napamura pa. Naalala kong sa sobrang iyak ko, nakatulog ako. 

"Ginising kita kasi tatanungin ko kung dito ka ba matutulog?"

"Hindi! Uuwi na ako!" I checked my phone. Mabuti nalang at wala sina Mommy sa bahay!

"Hoy!"

"Ano—"

He pulled me. "Ihahatid na kita. Alas dos na. Wala nang maghahatid sa iyo."

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon