Epilogue

77 0 0
                                    

ART OF LETTING GO

ELLISA SANTIAGO

I didn't wait for Angelo's apology for me to move on. Kusa kong binigay 'yon sa sarili ko dahil sa loob ng anim na taon, hindi ko narespeto ang kung ano ako. Iyon ang naging kapalit ng pagmamahal ko sa kanya. Gaya ng pagpili kong mahalin siya kahit masakit. Letting him go is my choice. To have grace for myself.

Kaya ngayon gusto ko nang magmahal at mahalin ng tama. Exodus gave me a love that I deserved. At gusto kong ibalik iyon sa kanya. He wanted a life ahead with me. I want that too... pero bakit gano'n? Parang bakit sa tuwing may nagmamahal sa akin, parang may balakid. Parang laging may mali.

May sumpa ba sa akin? Na kailangan ko munang masaktan nang ganito habang nagmamahal?

"Kailan ba siya sasama?" tanong ni Mommy. She swiftly pins down the meat and cut it in single bite. Pati sa paghiwa, metikuluso siya. Ngumuso ako at napatingin sa cellphone.

"You told us that he's an architect," ang Daddy naman ngayon ang nagsalita. "May malaking project na siyang hinahawakan ngayon kaya ba hindi siya nakapunta?"

"Sinabi mo bang—"

"Dad... Mom," pagputol ko sa kanila. "I did. I invited him pero talagang abala si Exodus ngayon sa mga projects niya. Easy, okay? Marami pang pagkakataon na pwede niyo siyang makilala."

Mommy stared at me before reaching her usual wine.

I can also hear Daddy's sarcastic laugh and wiped his mouth with his table napkin. Hays. Kapag ganito talaga...

"Pero nabanggit mong madalas kang natutulog sa condo niya."

I pursed my lips.

"Kung napapadalas nga, mas kailangan naming siyang makilala..."

I nodded. Mommy is a little bit conservative kumpara kay daddy kaya sensitibo siya pagdating sa usapin ng pagsasama nang 'di naman kasal. Sinabi niyang hindi naman siya tutol do'n pero... hangga't maari, iwasan muna iyon. She learned to trust me now, silang dalawa ni Daddy kaya ayokong sirain 'yon. I earned it during my college years kaya mahirap na... Hirap pa naman nilang pa-amohin.

Pagkatapos nila akong kulitin kay Exodus, posisyon naman sa kompanya ang pinagdidiinan nila sa akin. As usual, walang nagbago sa desisyon ko. Their company is not for me. It's not my legacy. At kahit mahirap para sa kanila, kailangan nilang tanggapin ang desisyon ko.

The dinner went well kahit na napagod ako. At least, nagkakaroon na ng oras ang parents kong kumain sa paborito naming steak house. Tumatanda na sila kaya siguro mas na-a-appreciate na nila ang oras kaysa sa trabaho.

"Call us if you need anything, hija." Mommy kissed my cheeks at nasa likod niya si daddy na matalim ang tingin sa akin. Nang-aasar.

"And next time, bring your man."

"Okay," I smiled. "Ingat po kayo..."

Daddy pulled my mother. Sumunod ang dalawang bodyguard palabas ng steak house. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Exodus pero masyado siyang abala sa... Mama niya. Napapadalas ang away nila tungkol sa bahay. We decided to move our plans for the house kasi ang totoo, kahit naman ako, pwede pa naming isantabi 'yon.

Hindi ko nalang inisip 'yon at mas nag-focus sa trabaho ko. May mga pagkakataong umaalis ako ng bansa para sa trabaho at minsan para gumala. Aaminin kong ang daming opportunities lumalapit sa akin lalo na't tungkol sa pag-nenegosyo dahil sa impluwensya ng mga magulang ko pero tinatanggihan ko 'yon. Mas maraming taong mas deserve pa sa akin na dedicated ang buhay nila sa business—unlike me.

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon