Chapter 30

59 1 0
                                    

Magsisinungaling ako kung hindi ko inaming kahit papaano naapektuhan ako sa naging usapan namin ni Keiran. I found out... that he really cares for Angelo kahit ang dami nilang issues at hindi nagkakasundo. At hindi niya sinasabi ang lahat ng 'yon para isisisi sa akin ang maling desisyon ng kapatid niya.

"I understand, Ellisa. Nasaktan ka n'ya."

"Alam ba niya na nag-aalala ka?"

Natawa siya sa tanong ko at dahan-dahang umiling. "Wala nang tiwala si Angelo sa salitang pamilya, Ellisa. And believe me, iisipin niyang sagabal lang ako at nangingialam kapag pinakita ko sa kanyang concern ako."

Hindi ako nakapagsalita. Tuloy-tuloy na yung usapan namin hanggang sa umayaw na si Keiran.

"Are you sure you can go home alone?"

Tumango ako. Nalasing ako but I can handle myself. I'm not wasted. Siguro tumaas yung alcohol tolerance ko nitong mga nagdaang taon dahil naging sandigan ko iyon habang ninunuot ko pa ang sakit.

"Baka dapat tinatanong mo 'yan sa sarili mo ngayon," I chuckled.

"Tsss... I can call my driver."

Umirap ako. "Right! I forgot... you can afford to have one."

"So... nice to see you again, Elli. Sana may kasunod pa."

Tipid akong ngumisi. I only raised my hand to say goodbye. Kaya lang, habang naglalakad ako, parang naririnig ko pa rin ang boses niya sa paghakbang ko.

Wreck his life?

Natawa ako. Gago talaga siya kapag ginawa niya iyon.

That night, pinilit ko ang sarili kong magpahinga. Tulog na rin si Kae kaya wala na akong pwedeng gawin. Nakainom man pero alam kong sa dami ng sinabi ni Keiran, aabutin ako ng siyam-siyam para makatulog.

Exodus greeted me a morning message. Lagi niyang ginagawa 'yon kaya nakasanayan niya na rin. May site visit siya ngayon at kasama ang head engineer na talagang hinahanap siya kaya wala siyang choice.

Ako:

Goodluck! Keep safe mwaah

Nakatulog ulit ako pagkatapos kong mag-reply sa kanya. Umuga ang kama at napansing bumangon na rin si Kae at agad na dumiretso ng banyo. Kaya lang, ang weird ng naririnig kong ungol. Umahon tuloy ako at kahit antok na antok, sinilip ko siya.

"Are you okay?" Naduwal ata at mukhang masama ang pakiramdam.

She wiped her mouth. Agad niyang flinush 'yon at napaupo sa toilet bowl. Pagod na pagod siya.

"Fuck."

"Baka sa kinain mo kagabi. Hindi ka ata natunawan," lumapit na ako para kumuha pa ng maraming tissue at iniabot sa kanya.

"Sana nga. Sana nga pwedeng itae 'to," she joked.

Masama ang kutob ko. Lalo na no'ng napansin kong ang daming nakapile na pads niya sa loob ng banyo.

"K-Kae—"

"I know... I know... Fuck! I'm going to kill that asshole," she murmured.

Sa estado nila ngayon, masasabi kong wrong timing nga. What will happen? Knowing Kae, mas mataas pa sa height ko ang pride niya. She's very strong. Malakas ang loob kaya... pero alam kong... hindi pa siya handa para dito.

"What will I expect?" Pumait ang tawa niya. "Tuwing nakikita niya ako, gigil na gigil ang gago." Hinilamos niya ang kanyang mukha dahil sa inis. "Tangina naman! Nagtuturo pa ako, e!"

I didn't know what to do. Basta hindi ko iniwan si Kae. Nakita ko na siyang umiyak pero hindi ganito. She's frustrated... shocked and confused.

Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaction ni Tito Rico kapag nalaman niya ang tungkol dito. O kung magagalit ba si Tita Jane!

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon