Chapter 26

46 3 0
                                    

"She's allergic with peanuts."

Gumaan man ang pakiramdam, hindi ko nga lang nagustuhan ang naamoy ko. Sumasakit ang ilong ko sa matapang na amoy pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil sa boses na naririnig ko.

Hindi ako pwedeng magkamali.

That's his voice. Bakit nandito si Angelo?

"I-I didn't know na may allergy siya," that's Dos. "Hindi niya rin nabanggit sa akin kaya nailagay ko iyon sa brownies ko. Hindi ko gusto ang nangyari."

Damn it!

Kaya pala ganoon nalang ang pagkahina ko. I thought... dahil iyon kay Angelo.

Didilat ba ako?

Ano namang sasabihin ko? Ano naman ang gagawin ko na silang dalawa talaga ang nandito?!

Someone held my hand. Pakiramdam ko si Dos iyon. Abot-abot na iyong kaba ko pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko.

I'm a patient here so I should sleep!

"She's stubborn. Matigas din ang ulo niyan kaya kailangan talagang disiplinahin. Kailangang pilitin para sumunod."

Shut up, Angelo!

"She likes brewed coffee. Iyong tamang timpla. Gustong-gusto niyang kumain ng chips kapag bored siya o 'di kaya'y stress na stress," he added. "Okra ang pinaka ayaw niyang gulay."

Damn it!

"I-I'll take note of that."

"At kung gagala naman kayo, 'wag kang magtatanong tungkol sa magiging plano niyo dahil at the end of the day, ikaw pa rin ang magdedesisyon at siya naman yung magrereklamo," may sarcasm pa sa tono ng boses niya. "Organize rin siyang tao. Always... check on her dahil ang dali niyang ma-frustrate sa mga bagay-bagay."

Natahimik sila sandali.

But Dos break the silence.

"Anong kailangan mo sa kanya?"

Ilang sandali pa bago nagsalita si Angelo. "I want us to talk... bago ako umalis papuntang US."

"Talk? Anong klaseng—"

"Are you bothered? 'Di ba sinabi mo namang gusto ka niya?"

What?

Angelo! Your mouth!

"Oo. At kung nandito ka para hilingin na bumalik siya sa 'yo, pwes, hindi na pwede. Ellisa deserves someone who will love her... not to confuse her."

Nagsisisi na ata akong hayaan silang dalawang mag-usap. Parang hindi tama!

"Confuse... bakit? Ano bang alam mo?" may bahid na ng iritasyon sa boses ni Angelo.

"Wala akong alam at mas lalong hindi kita kilala. Pero hindi ako tanga. Hindi rin ito ang unang beses na nakita kita," namamaos na sagot ni Dos. "I saw you... on her phone."

Shit?!

"Ayokong magtanong dahil mukhang wala na naman siyang pakialam do'n. Nag-iisa lang iyon at sigurado akong nakaligtaan niyang burahin iyon."

Angelo's laugh made me want to kick him out. Gusto ko lang kausapin si Dos!

"Maybe... she's so desperate to get rid of me."

Tahimik ulit.

Marahas na paghinga ang narinig ko... bago tuluyang kumalampag ang pinto. Halos hindi ako makahinga. Natatakot ako na baka si Exodus ang umalis at naiwan kaming dalawa ni Angelo dito sa kwarto.

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon