Naghiyawan ang buong stadium nang tawagin ang pangalan ni Angelo. Tinutukso pa ako ng mga classmates ko.
I smirked.
Angelo smiled to his friends. Parang tangang naghihiyawan sina Lewis kaya mas lalong umingay ang bench nila. Practice namin ngayon para sa graduation kaya wala masyadong faculty na nagbabantay kaya medyo malikot at 'di pormal ang practice namin.
"Kayo na ba Ellisa?"
Ngumuso ako. "Hindi pa."
"Dinig niyo iyon? Hindi pa... ibig sabihin, sasagutin niya iyan!"
I rolled my eyes. Hindi nga lang ako sigurado ro'n. Yes, he dated me! Pero it feels like, he dated me because he just want to do it, not to ask my permission for a relationship. Parang tangang pumayag ako, no?
That's the only choice I had.
Para lang manatili siya sa akin.
Parang tanga.
The girls cheered for him again. Naririnig ng lahat ang palakpakan nila kahit kunwaring sinasabitan ng medalya si Angelo. Gusto ko silang bigwasan pero alam kong, ang babaw ko para lang do'n.
Angelo smirked when he glance at me. Aba't pinagmamalaki niya pa atang maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya?!
Tinawag na kaming lahat. As usual, nasa harapan ang pwesto ni Angelo dahil nga valedictorian siya ng batch namin.
No'ng tinawag na kami para sa break, magkasabay kami ni Kae na lumabas para mag-merienda. Siyempre, tinawag kami ni Lewis kaya nagkita kami ni Angelo.
"Ang layo mo," bulong niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Pasensya na ha kung hindi kami awardee..."
He smirked. I let out a loud sigh when I felt his hands on my waist. Siyempre, bulungan agad dahil ang daming chismosa sa batch namin. We decided to have lunch together since exactly twelve o 'clock daw magre-resume ang practice.
Kahit na nasa cafeteria na kami, marami na agad ang lumalapit at bumabati kay Angelo. Kahit na week from now pa naman ang graduation.
"Saan ka po ba mag-co-college, Kuya Gelo?" I heard a girl trying to block the way for us.
Angelo laughed. "Sa malayo."
The girl obviously giggled.
What a flirt.
Nauna na akong nag-order ng pagkain. Kae and Lewis decided to have special sisig kaya nanubig ang bunganga ko sa tapsilog na isa rin sa menu.
"What's yours?" Nasa likuran ko na pala si Angelo.
"Tocino," I said.
Wala siyang pasabing nag-order at nagbayad. Pati tocino at one rice kasi alam niyang hanggang 1 cup of rice lang ang kaya kong ubusin. Pagkatapos niyang magbayad, dumiretso na kami sa table na nakuha ni Kae. Mga siraulo nga, binigyan kami ng enough space para daw malaya kaming mag-usap nang 'di sila iniisip.
Nilapag ni Angelo ang pagkain namin. Angelo is a big flirt kasi kahit nasa kabilang table, pinag-uusapan pa rin siya.
"Remember Alodia?" I asked him.
"Hmmm?"
"Iyong nambully sa amin ni Kae during first year..."
"What about her?"
I smirked. "Buntis."
Nginuya niya muna iyong kanin bago sumabay sa tsismis ko.
"Clifford too," siya naman ngayon ay may tsismis. "He dropped the subjects kasi nakabuntis siya. Kailangan niyang magtrabaho."
![](https://img.wattpad.com/cover/346510845-288-k692106.jpg)
BINABASA MO ANG
ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting Go
RomantikEllisa Santiago was skilled enough to be an artistic genius. Binabalanse niya ang kanyang pag-aaral at pagpipinta. Kahit na hindi nakikita ng mga magulang niya ang galing sa pagpipinta, nakaukit na 'yon sa puso niya dahil ito ang pinakagusto niyang...