Chapter 14

44 2 0
                                    

Para akong tanga.

Naniwala talaga akong kaya akong mahalin ni Angelo. Na makakalimutan niya ang babaeng iyon.

"You're here."

Angelo kissed my cheek. Simula noon, sinasabi niya sa akin lahat ng lakad niya kahit hindi ko naman tinatanong. Well, hindi naman sa wala akong pakialam pero natatakot akong malaman kung anong ginagawa niya kasi baka mamaya, may Nikki na naman.

"I'm hungry."

"Jollibee?"

I smiled and nodded. College na kami kaya alam kong madalas nalang kaming magkita. I decided to take BS arts at kahit na problemado ako sa pagpayag ng mga magulang ko, wala pa rin silang nagawa. Angelo dediced to take Political Science gaya ng gusto niya.

"Take this..."

"Walang gravy?"

He sighed. "Teka lang, Ma'am... kukuha ako, ha."

Natawa ako. Hindi naman sa inaalipin ko siya pero nakakatamad na kasing kumuha ng gravy kasi nga gutom na rin ako. Hindi naman siya nagrereklamo kaya hindi ko siya inaalipin!

Nauubos iyong weekdays namin sa acads kaya napagkasunduan naming every weekends kami lalabas para gumala. Pumayag naman ako kasi siya naman nag-offer no'n. Hindi rin hassle at... mas mabuti na iyon para hindi siya magsawa sa akin. Nilalabanan ko nalang minsan iyong pangungulila ko sa kanya. Urgh! I hate myself for being corny day by day because of him.

"Shit!" Napamura ako dahil sa lakas ng ulan sa labas. Nakalimutan kong magdala ng jacket! Kakagaling lang namin sa isang sikat na eco park nang bumuhos ang malakas na ulan. We didn't expect na uulan kasi tirik na tirik naman iyong araw kanina!

"Kailangan muna nating tumigil," Angelo said while gripping on the steering wheel. "Hindi natin kakayaning bumyahe."

I agreed. Masyadong delikado kaya kinuha ko kaagad ang phone ko. Naghanap muna kami ng masisilungan. Buti nalang at may malapit na hotel sa kabilang kanto. Marami ring stranded na turista kaya mabilisang booking ang ginawa ko.

I booked a room for two pero bigla nalang siyang lumapit sa akin.

"One room will do," he cut me off. "Masyadong magastos."

"Huh?"

Kinagat ko ang labi ko at hinayaan siya. Palakas nang palakas ang ulan at delikadong bumyahe kami. The receptionist gave us the card pagkatapos magbayad ni Angelo. I can pay naman my room pero hindi na siya pumayag.

Hindi na naman masama ang kwartong nakuha namin. Agad niyang inabot sa akin ang roba at tuwalya na nakahanda sa kama.

"Hot shower ka muna... sobrang lamig," he licked his lips. Hindi ko alam pero kahit na hindi pa ako nakakapag-shower, ramdam ko ang init ng mukha ko. Oh my god! Nasa isang kwarto kami!

"Ellisa," I heard him.

"Patapos na!"

Nasapol ko ang noo ko. Sinisita ko ang sarili ko kung bakit ko binibig-deal 'to. Wala naman kaming gagawin! O kung meron man... no... no... Umiling ako.

Lumabas ako ng banyo at nakitang nakaupo na siya sa couch. Nakabukas na ang TV at may fresh fruits na sa mesa.

"Package na ata nila. Nagpaalam ka na ba? Mukhang magpapalipas tayo ng gabi dahil ang lakas pa rin ng ulan."

Tumango ako. "I already texted Mommy."

"Good."

"Uh... magbibihis muna ako..." Good thing, may extra clothes akong dala. Akala ko kasi magsi-swimming kami kaya I brought some extra. Ganoon din naman siya kaya buti nalang.

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon