Angelo's parents got separated when he's ten. Five years old pa lang ang kapatid niya no'n. He's too young to understand that marriage could be easy to break when the bond was too painful to strengthen it.
That's what he told me.
That it was sacred and magical but at the same time, easy to break by temptation and madly dangerous.
"Happy birthday, bro!" Keiran greeted him. I can feel the tension between them. Angelo held my hand firmly, dahilan para bumaba ang tingin ni Keiran do'n. Mas lalo kong nakita ang paglabas ng dimples niya.
"Hi," then he smiled.
"H-Hello." Ngumisi na rin ako.
"You're not Angelo's girlfriend..." Humalakhak pa siya kahit na nagulat ako sa sinabi niya. I didn't expect na iyon agad ang bungad niya sa akin.
Angelo gritted his teeth. Ramdam ko nga ang pagpipigil niya sa kamay ko. Pakiramdam ko, konting kalabit nalang, sasabog na siya.
"Kei..."
Keiran barked a laugh. Napatapik pa siya sa balikat ni Angelo para sabihing nagbibiro lang siya. It wasn't funny but I feel like I need to laugh... kasi nga nag-jo-joke siya.
"Bro, nasa kwarto mo na iyong regalo ko sa 'yo."
Angelo sighed.
"I told you... hindi ko na kailangan ng regalo-"
"But it's your birthday!"
My eyes widened when I saw Angelo's mother. Kasama niya ang kanyang bagong kinakasama at papalapit ito sa amin. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin kaya mas lalo akong dumikit sa kanya.
"Uh..." Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya feeling ko dapat sumama nalang ako kay Lewis.
"Angelo, hijo," the mom said.
Keiran laughed with Angelo's face. Mas lalo lang atang nainsulto 'tong katabi ko. His mother looked at me... then gave me a smile. Ganoon din ang daddy ni Keiran.
"Nasa loob na ang mga kaibigan mo. Pinaupo ko na para makakain."
Nagtama ang tingin namin ni Keiran. Hindi ko tuloy matagalan iyon dahil ang weird.
"Your girlfriend, Gelo?" Mr. Sandoval asked.
Keiran chuckled.
"Hindi nag-gi-girlfriend si Angelo, Dad."
"Papasok na po kami," Angelo cut him off. Nagsisimula na rin kasi akong mainis dito sa kapatid niya. Pinapamukha pa, e!
Keiran stayed with them. Nagpatianod ako kay Angelo dahil pakiramdam ko sasabog na siya sa harapan ng mommy niya.
"Are you okay?" Obviously, he's not okay but I need to ask him. Acting stupid isn't bad.
Nanatiling seryoso ang mukha niya.
"I'm sorry about him," talking about Keiran's behavior.
"Okay lang..."
He smiled weakly. "Tara. Puntahan na natin si Lewis."
"Okay."
The stupid Lewis waved at us. Nasa dulo iyong table na kinuha nila. Kumakain na sila ngayon kaya gusto ko siyang sikmurain dahil hindi man lang kami hinintay.
"Akala namin 'di na kayo papasok!" Lewis and his smile...
Angelo sighed. "Nakita kami ni Keiran. I didn't expect... na uuwi siya ngayon. Akala ko mag-o-overnight siya sa penthouse ng kaibigan niya."
BINABASA MO ANG
ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting Go
RomanceEllisa Santiago was skilled enough to be an artistic genius. Binabalanse niya ang kanyang pag-aaral at pagpipinta. Kahit na hindi nakikita ng mga magulang niya ang galing sa pagpipinta, nakaukit na 'yon sa puso niya dahil ito ang pinakagusto niyang...