Chapter 20

36 2 0
                                    

"Lumayo ka sa kanya, Angelo! You didn't deserve her! You fucking traitor!" Kae shouted. "Dog!"

Hindi ko sila nilingon kasi bumuhos na ang mga luha ko. I'm tired... fucking tired. Pagod na nga ako kay Mommy, pagod na ako sa kanya. Pagod na ako sa lahat.

Ayoko na.

"Ellisa?"

Gumapang ang kamay ko sa pisngi. Natulala ako nang makita si Lewis na nakatingin sa akin. He look confused and... alarmed. Nagkagulo na sa itaas.

"Why are you crying?! Teka—"

"Lumayo ka sa akin!" Kae shouted again.

Nilingon namin ang nasampal na si Brix. Nagpupuyamos sa galit si Kae habang bumababa para makalapit sa gawi namin.

"Pre! What the fuck happened?"

"Traydor silang lahat! Your friends, Lewis?! They're all bullshits! Ginagawa nilang tanga si Elli and that Angelo? Niloloko niya lang si Elli! Hindi pa rin siya maka move on sa ex niya!"

Natigilan si Lewis. Nasa tabi lang din si Finn na halatang gulat na gulat sa nangyari.

"U-umuwi na tayo," my voice cracked.

"Tara na!" Kae pulled me. Tinatawag siya ni Brix pero ayaw niyang magpaawat.

"Fuck you!"

Umiyak ako sa loob ng sasakyan. I couldn't stop myself... humagulgol na ako.

"Elli," Kae whispered. Hinahagod niya ang likod ko para tumahan.

"I'm sorry, Elli." Lewis gritted his teeth. "Kasalanan ko lahat. Kung alam ko lang... hindi nalang sana kita nireto sa kanya."

"What's wrong with your friend, Lewis?! Anong tingin niya kay Elli? At kapal ng mukha ng Nikki na iyon, ha? Ganda ba siya?!"

Nilingon kami ni Finn kahit na nasa harapan siya. Nahiya tuloy ako kasi unang pagkikita namin, ganito na. Nagdadrama na ako.

"Daan muna tayo ng 7 eleven, Lewis. Bili muna tayo ng pwede niyang mainom o makain. Gusto mo ba ng ice cream, Elli?" Finn asked me.

Suminghot ako.

"O-okay lang ako, Finn. Pasensya ka na kung nakita mo akong ganito," agad kong pinunasan ang luha ko.

"Okay lang... ano ka ba. Hindi naman kakulangan ang umiyak kaya hindi ka dapat nahihiya."

Sinandal ko nalang iyong ulo ko sa balikat ni Kae. I closed my eyes pero naririnig ko ang reklamo ni Kae. Nag-decide kaming pumunta ng 7 eleven dahil ang sabi ni Finn, gawin ko raw iyong ice cream therapy. Gagaan daw kasi pakiramdam ko ro'n kahit na alam kong kahit isang gallon pa ng ice cream ang kainin ko, ramdam ko pa rin iyong sakit.

"Vanilla ice cream will do," bulong ko.

Nilingon ko ang counter dahil nag-aaway naman si Lewis at Kae. Suminghap ako at pinigilan ang dalawa.

"You two... stop it."

"Eto kasi oh, dinadamay si Brix kahit wala namang kasalanan ang tao."

Humalakhak si Kae. "Dude, alam niya ang pinag gagawa ni Angelo at ng babaeng iyon. He tolerated it! Bakit? Dahil kaibigan niya si Angelo!"

Lewis groaned.

"Hindi mo man lang tinanong. At least man lang, hayaan mong makapag-explain."

"Explain? For what? To save himself?"

"Because that's fair," Lewis barked.

Umiling lang si Kae at hindi na nakipagtalo sa kanya. Nagdesisyon kaming sa labas kumain dahil kailangan ko rin ng sariwang hangin. I took a scoop and melt it inside my mouth.

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon