"I'm not going with you," I said with conviction.
Nanatili kami sa loob ng sasakyan niya, tahimik at parehong galit. Change my mind? Nagpapatawa ba siya? Akala niya ba na porket narinig ko na ang paliwanag niya, magbabago ang lahat?
Nikki is very independent with him. Ang OA man pero parang mawawala 'to sa katinuan kapag nawala ito sa kanya. After six years? Tsss. Alam na alam kong baliw sa kanya ang babaeng 'yon.
"I'm not asking you... to forgive me immediately. Sinasabi ko lang sa iyo ngayon ang mga hindi ko nasabi noon."
Natawa ako. I don't need it anymore. Sana masabi ko iyon sa kanya!
"Sana naniwala kang mahal kita," he licked his lips. "Na mahal pa rin kita."
My mouth parted in awe. Gusto kong maniwala pero bakit ang hirap maniwala kapag nanggaling sa kanya?
Anong alam niya sa pagmamahal?
"Kung mahal mo ako... hindi mo ako sasaktan."
His jaw clenched. "I didn't mean to. At lagi akong nagsisisi sa tuwing nakikita kong nasasaktan kita, Elli. Akala mo ba okay lang sa akin na nakikita kitang umiiyak dahil sa akin?"
"But you did! You liked this push and pull bullshit! Akala mo ba lagi akong babalik sa 'yo kahit na nasasaktan ako?! I decided, Angelo! I decided to move on kaya pwede ba? Layuan mo na ako!"
Mas lalong umalab ang galit niya kanina.
"Bakit? Hindi... hindi mo na ako mahal?"
Kumalat ang init sa gilid ng mga mata ko. Hindi rin maganda ang pagkalabog ng dibdib ko sa naging tanong niya. I looked away to calm myself.
"Sabihin mo munang hindi mo-"
"Exodus is a nice man. Nagawa niya ang mga bagay na hindi mo nagawa sa akin," I said.
"Hindi ko tinatanong-"
"Siya ang lalaki para sa akin. Kung iniisip mong babalik ako... dahil lang sa paliwanag mo," Umiling ako. "Nagkakamali ka. Maaaring tama ka na may nararamdaman pa ako para sa 'yo pero sa loob ng anim na taon, Angelo... nahaluan iyon ng galit. Kasi bakit... bakit mo ako sinaktan? Bakit ka nagsinungaling? Bakit si Nikki?"
Angelo's expression remained the same.
"And I decided to get rid of this fucking feelings! I want to love Exodus! I'm done with you kaya pwede bang mag-move on ka na rin? Ilaan mo na lang iyang pagmamahal mo... para kay Nikki." My lips trembled a bit because of his silence. He didn't speak... but I can see the anger. "She loves you. She cares for you. Siya nalang dahil hindi ko na kailangan ang pagmamahal mo."
"You're asking me to... let you go," aniya.
"Kahit na hindi ko hingiin sa 'yo to, matagal na akong wala sa 'yo, Angelo. You lost me six years ago..."
It was strange for me. Masakit na sabihin iyon sa kanya kasi alam kong masasaktan siya. Nakakatawang hanggang ngayon, na kahit ilang beses niya akong sinaktan, hindi ko pa rin kayang nasasaktan siya.
At mas lalong masasaktan siya kapag bumalik ako kasi hindi ko masisigurong kaya ko siyang pagkatiwalaan ulit. I have no risk left for him anymore. Naubos na.
"I want you to stay with me, Elli."
No.
I'm done... really.
Some things were never meant to stay.
Nakalabas ako ng sasakyan niya at doon palang nakahinga nang maluwag. Kinapa ko ang mukha ko at agad na inalis ang mga luha. I don't want to cry again just because of him.
BINABASA MO ANG
ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting Go
RomanceEllisa Santiago was skilled enough to be an artistic genius. Binabalanse niya ang kanyang pag-aaral at pagpipinta. Kahit na hindi nakikita ng mga magulang niya ang galing sa pagpipinta, nakaukit na 'yon sa puso niya dahil ito ang pinakagusto niyang...