"Bareface as its finest," Kae murmured.
Pumikit ako at tinulungan si Finn sa pagligpit ng mga pinggan. Sinamahan muna namin ang buntis dahil hinila ng mga boys si Lewis para mag-inuman sa veranda.
Pinagbalaan ko si Kae sa mga sinasabi niya dahil hangga't sa maari, ayokong maging mitya na naman ito ng bagong gulo.
Ayoko ring napapalibutan ng negative energy si Finn lalo na't buntis siya. Nakakasama iyon.
"Girlfriend ba talaga ni Gelo iyon?" tanong ni Finn.
"Oo! She's the girl—the bitch whom Angelo cheated with."
"Kae!"
She rolled her eyes. Bumuntong-hininga ako kasi talagang ang bastos lang. Maayos na naman kami. We can act civil kasi six years na naman. Kita mo naman kanina, parang walang nangyari.
"Tumigil ka na, Kae. Okay na kami..."
Humikab si Finn kaya nilingon ko siya para sabihing magpahinga na. Masyado pa naman siyang napagod dahil aligaga siya sa mga bisita niya na taga kumbento.
"Kami na bahala, Finn. Magpahinga ka muna."
"Okay lang ako. Sasabay ako kay Lewis kasi hahabol iyong isang bisita ko mamaya," she chuckled. "Babalik pa kaya si Gelo?"
"Hmmm... mukhang babalik naman. Ang sabi niya kanina susunduin niya lang si Nikki."
Nilapag ko ang iilang desserts na binili namin ni Kae. Nag-alok siya ng inumin habang fresh fruit juice iyong kanya. Naupo na ako at tinawag si Kae na kanina pa bad trip na bad trip.
"What a relief to know... na kaya niyo nang pakisamahan ang isa't- isa. Nag-usap ba kayo?"
Ngumisi ako. "Hindi. Hindi na rin namin pinilit kasi may mga buhay kami na kailangang pagtuunan ng pansin."
Tumabi si Kae sa akin at agad akong nag-reklamo dahil naamoy ko ang sigarilyo niya. This girl and her vices...
"Matagal ding iniimbitahan ni Lewis si Angelo pero laging busy si Gelo. Ngayon lang pumayag na pumunta. Siguro dahil pagkatapos niyang maka-graduate ng college, he immediately approached law school. Ilang buwan din silang hindi nag-usap ni Lewis but my man can't handle too much grudges," aniya.
"Pusong mamon iyang si Lewis," Kae commented.
"Baka pumayag dahil nalamang pupunta ka, Ellisa?"
Muntik ko nang maibuga ang inumin ko. Alanganin akong natawa kasi hindi ko alam kung paano sasabihin kay Finn na imposible ang sinasabi niya.
"Hindi naman siguro," umiling ako, "Baka nabakante lang kaya nakapunta na ngayon."
"And that bullshit Brix..."
"Kae, isa ka pa. Alam mo bang lumalala lang ang away niyo ni Brix? Pero wala namang ibang bukang-bibig si Brix kundi pangalan mo."
Inilagok ni Kae ang inumin niya kaya tawang-tawa ako.
Bumalik si Lewis para kumustahin si Finn. Tawang-tawa pa si Finn dahil sa mga jokes ni Kae pero dumating ang sasakyan ni Angelo. Napawi ang ngiti ko dahil alam kong hindi siya nag-iisa. Lumabas na rin ang boys at natigilan dahil sa pagpasok ng sasakyan.
"Bullshit," rinig ko si Kae.
Bumaba si Angelo at Nikki. Hindi ako nakaramdam ng kung ano sa sistema ko. Maybe because I really expected it. Baka nga nakayanan kong harapin si Angelo dahil hindi na ako nag-expect ng kung ano galing sa kanya. Because after six years, gago pa rin siya.
Nakaramdam ako ng ilang sa paligid. Maliban sa mga katrabaho ni Lewis dahil wala naman silang alam sa nangyari. Nikki looked at me, nagulat pa dahil nakita niya ako. Naunang naglakad si Angelo at nang mapansin niyang hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya, sinubukan niyang sumunod kay Angelo.
BINABASA MO ANG
ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting Go
Любовные романыEllisa Santiago was skilled enough to be an artistic genius. Binabalanse niya ang kanyang pag-aaral at pagpipinta. Kahit na hindi nakikita ng mga magulang niya ang galing sa pagpipinta, nakaukit na 'yon sa puso niya dahil ito ang pinakagusto niyang...